3-month-old baby ni Rochelle Pangilinan nakiki-duet sa pagkanta

3-month-old baby ni Rochelle Pangilinan nakiki-duet sa pagkanta

Panoorin ang cute na cute na video ni Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap at ng kanilang anak na si Shiloh Jayne.

Shiloh Solinap cute na cute na nakisabay sa pagkanta ng kaniyang mommy na si Rochelle Pangilinan.

Shiloh Solinap with parents Arthur and Rochelle Pangilinan

Image screenshot from Rochelle Pangilinan’s Instagram account

Shiloh Solinap cuteness overload video

Kahit 3 months old palang ay ipinakita na ni Shiloh Solinap ang kabibohan niya na siguradong namana niya sa mga parents na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Makikita ito sa video na in-upload ni Rochelle na mayroon ng mahigit 11 million views at mahigit 46 thousand times naring isine-share sa Facebook.

Hindi nga naiwasan ng mga netizens na ma-kyutan sa baby ni Rochelle na si Shiloh na tila sumasabay sa pagkanta ng kaniyang ina ng 1960’s hit na “Can’t Take My Eyes Off You.”

Ikinatuwa rin ng mga netizens ang very genuine happiness sa mukha ni Arthur Solinap habang pinapanood ang kaniyang mag-ina.

Narito nga ang ilang mga komento ng mga netizens sa viral video ni Shiloh Solinap:

“Adorable baby.😍 loving sweet family. Cute smile .. communicate with love and action.”

“I love how Rochelle’s hubby stares at her while smiling with pure love, happiness and contentment in his eyes. Sana all! 😻😻 God bless your family Rochelle! You guys are adorable!”

“Hi Ms Rochelle, sobrang perfect po ksi tlga nitong video nyo. Si baby tlgang nkikinig syo. Ang sarap ng tawa mo and then si husband nsa gilid pinag mamasdan kyo. So overwhelming.”

“So cute happy family, Rochelle you are sunshine I like your positive attitude, nakaka good vibes pati ma si shiloh, God bless your family!”

“That cute smile of hubby while tinitingnan ang mag-ina nya…wowwww priceless😍😍😍.”

“Yung moment na nakatitig lng sa kanila un padre de pamilya while smiling.. ang perfect lang panuorin😍☺️ such a happy family 😍😍☺️ God Bless”

“This video made me smile. It’s really in the simplest moments that you see pure genuine love. 💕”

Pagpapasalamat nina Rochelle at Arthur

Hindi naman inaasahan nila Rochelle at Arthur na ikakatuwa ng mga netizens at magiging trending ang video nila kasama ang anak.

Kaya naman dahil sa magagandang comments at messages ay nagpaabot ng pasasalamat ang mag-asawa sa kanilang fans at followers.

shiloh solinap

Image screenshot from Instagram

Matatandaang isinilang ni Rochelle si baby Shiloh, Pebrero 24 ngayong taon sa The Medical City, Ortigas. Ang pangalang Shiloh ay pinili ni Arthur Solinap dahil sa magandang kahulugan nito sa bibliya na “His gift.”

 

Source: TheAsianParent, GMA News

Basahin: LOOK: Baby ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner