TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Gustong swertehin ang anak? 15 lucky names for your baby girl

5 min read
Gustong swertehin ang anak? 15 lucky names for your baby girl

Nag-iisip ka ba ng magandang pangalan para sa iyong baby girl?

Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang paniniwala sa swerte. Sino ba ang ayaw swertehin? Bawat magulang, nagnanais na maging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Isa ka rin ba sa mga parent na naghahanap ng lucky names for your baby girl?

Mababasa sa article na ito:

  • 15 lucky names for your baby girl
  • Paano magiging lucky ang iyong anak

15 Lucky names for your baby girl

lucky name for girl

Larawan mula sa Pexels kuha ni Singkham

May mga paniniwala na ang pagbibigay ng pangalan sa iyong anak ay maaaring maging lucky charm niya sa buhay. Kaya naman, mayroong mga magulang na binibigyan ang kanilang baby ng names na may kaugnayan sa luck, good fortune, at serendipity. Maaari daw kasi itong magdala ng swerte at meaningful path sa buhay ng bata.

Dahil diyan, we compiled lucky names for baby girl na pwede mong ipangalan sa iyong anak:

lucky name for girl

Larawan mula sa Pexels kuha ni Migs Reyes

  1. Zaida – Arabic name ito na ang ibig sabihin ay prosperous o fortunate
  2. Serendipity – bukod sa stylish pakinggan ang pangalan na ito, nangangahulugan din itong “luck” at “chance”
  3. Moira – Greek girl name ito na ang meaning ay “fate” o “destiny”. Pangalan ito ng isa sa tatlong female personifications of destiny sa Greek Mythology.
  4. Kiara – Japanese name na nangangahulugaang “fortunate”, “light o bright” naman ang kahulugan sa Italian.
  5. Halona – hindi pangkaraniwan ang lucky name for girl na ito. Pero ang ibig sabihin ng pangalang ito ay “happy fortune”
  6. Fortunata – puno ng good energy ang pangalan na ito na ang ibig sabihin ay “fortune of luck”
  7. Dalia – mula sa Lithuanian language, hango ang lucky name for girl na ito sa goddess of fate, childbirth, at weaving. Nangangahulugan itong “fate or luck”.
  8. Evangeline – lucky omen umano ang pangalang ito na may Greek origin. Ibig sabihin ng lucky name for girl na ito ay “good news messenger”
  9. Gwyneth – originated sa Welsh na nangangahulugang “happiness”
  10. Victoria – Latin name ito na ang kahulugan ay “victory”. Hango ito sa Goddess of Roman Mythology.
  11. Beatrice o Bea– pangkaraniwan man sa Pilipinas ang pangalang ito, originated ito sa America. Nangangahulugang “blessed” ang lucky name na ito for girl.
  12. Felicity – mula sa English origin na ang ibig sabihin ay “intense happiness”
  13. Clover – mula ito sa pangalan ng halaman na sumisimbolo sa “good luck”
  14. Amber – hango sa isang di pangkaraniwang gemstone. Nangangahuluhang swerte o “luck”
  15. Jade – hango sa napakagandang gemstone na kulay green na pinaniniwalaang nagdadala ng “good fortune” at protection.

Mommies and daddies, wala namang masama kung maniniwala sa belief na magdadala ng swerte ang lucky name sa inyong baby girl. However, tandaan din na mahalaga ang paggabay niyo bilang mga magulang para maging maganda ang kinabuksan ng iyong anak.

Paano magiging lucky ang iyong anak?

lucky name for girl

Larawan mula sa Pexels kuha ni Sunvani Hoang

Kung ikaw ay magulang, tiyak na wala kang hinihiling kundi ang maging mabuti ang buhay ng iyong anak. Ayon kay Gina Christiano, Master in Education Psychology na may specialization saa School Psychology, mayroong mga paraan para ma-boost ang “luck” ng iyong anak.

Mahalaga umano ang physical movements para ma-reactivate ang isip ng iyong anak. In addition, kung nagwa-wander ang isip ng iyong anak o tila malalim ang iniisip nito, mahalagang tulungan silang i-manage ang kanilang kaisipan upang makabalik sa present moment ang atensyon nila. Mahalaga ang komunikasyon sa pagitan ng anak at magulang.

Bukod pa rito, narito ang iba pang maaaring gawin para matulungan ang anak na ma-boost ang kaniyang swerte.

lucky name for girl

Larawan mula sa Pexels kuha ni Singkham

  1. Maaaring subukan ang guided meditation. Pwedeng meditation sa isang app, audio meditation, o read-aloud meditation na ikaw mismo ang magbabasa.
  2. I-introduce sa kaniya ang paggawa ng timeline. Mag-set ng timelines para sa mga gusto niyong ma-accomplish. Tulungan ang iyong anak na alamin ang mga step kung paano maa-achieve ang goal. Maaari itong gawing daily, weekly, monthly, o kahit yearly.
  3. Mag set-up ng routine. Makakatulong ito para maging malinaw ang isip ng bata at ma-keep track niya ang mga new activity na maaaring gawin.
  4. Panatiling organize ang mga espasyo sa bahay. Maaari ding lagyan ng label ang mga bagay na madalas gamitin at ilagay ito sa lugar na madaling maaabot.
  5. Turuan ang iyong anak ng memory strategies para matulungan siyang ma-keep track ang mga mahahalagang impormasyon.
  6. Mag-focus sa pag-develop ng habits ng iyong anak sa pamamagitan ng repetition. Ulitin nang ulitin ang mga positive behaviors hanggang maging habitual na ito sa kanya.
  7. Gamitin ang real life skills sa pagtuturo ng tasks sa iyong anak. Halimbawa maaaring bigyan ng pera ang iyong anak para bumili sa tindahan and let her do the math. Sa pamamagitan nito matuturuan mo siyang magbilang gamit ang real life scenario. Para naman sa older kids, pwede silan turuan mag-budget ng kanilang allowance.
  8. Iwasan ang procrastination. Mahalagang investment sa good behavior ng iyong anak ang pagkakaroon ng planner. Turuan siya kung paano ito gamitin at sundin ang planong ilalagay rito.

Bukod sa mga nabanggit na paraan, mahalaga ring malaman ng parents na mahalagang turuan ng independence ang iyong anak. Hindi magandang ikaw nang ikaw ang laging gumagawa ng mga bagay para sa kanila. Importanteng hayaan silang i-practice ang independence at maging mabuting halimbawa rin ng pagiging independent.

Summer At Sandy Spring, Mom Junction, Kidadl

 

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Pangalan Ng Sanggol
  • /
  • Gustong swertehin ang anak? 15 lucky names for your baby girl
Share:
  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko