Bukod sa gamit ng iyong baby may isa pang kailangang paghandaan bago manganak, ito ang kanyang magiging pangalan. Alamin sa artikulong ito ang top baby names na pwedeng pagkuhanan this year 2022.
Mga mababa sa sa artikulong ito:
- 15 top baby names for 2022
- Pinoy names na patok ngayong taon
Nag-iisip ng pangalan para sa inyong baby? 15 top baby names for 2022
Larawan kuha mula sa Pexels
Sa pregnant mommies, hindi mawawala diyan ang pagsa-shopping ng things for their babies bago manganak. Minsan pa ay naghahanap na ng pwedeng maging ninong ang ninang sa binyag nila.
Ang isa at pinakamahirap parati sa dapat paghandaan bago isilang ang supling ay kung ano ang magiging pangalan nila. Kukunin ba nila ito sa pinaghalong pangalan ng kanilang asawa? Kukunin mula sa names ng lolo at lola?
Para maka-save ng time and effort sa pagdedecide, narito ang list namin ng top baby names for the year 2022!
Larawan kuha mula sa Pexels
- August – Isa ring paraan sa pagpapangalan ng anak ay kung anong buwan siya isinalang, kaya nasa list ang name na ito dahil sa marami na ring sumubok nito. Mas naging sikat pa dahil naging pangalan din ng ilan sa mga anak ng high profile na celebrities.
- Betty – Vintage na vintage kung pakinggan ang name na kinuha pa sa taong 1920 and 30 ngunit muling nabuhay ngayong 2022. Naging matunog din lalo ito dahil sa sumikat na kanta ng singer na si Taylor Swift na “Betty.”
- Draco – Edgy and Harry Potter inspired ang name na ito. Kung isa ka sa Potterhead parents, good choice ito for your baby dahil may double celebration ito ngayong taon, una ay ang 25th year ng publication ng book at pangalawa ang 20th year since narelease ang unang film.
- Estella – Parehong may local at international appeal ang name na ito para sa baby. Isa sa naging inspiration ng mommies ay ang palabas ng Disney na Cruella kung saan pinagbidahan ito ni Emma Stone bilang Estella Miller.
- Flora – For nature lover moms, perfect ang name ito for your babies. May pinaghalong nature and chic vintage charm ito kung mapakikinggan.
- Jonah – Para naman sa Bible inspired names pero unique, ito ang maaaring gamitin for your little ones. Nangangahulugan ang name na ito bilang “dove” na simbolo ng optimism at peacefulness.
- Indigo – Kung gusto mo ng name na macoconsider na genter-neutral o unisex ito na ang maaaring piliin mo. Sa ilang mga taon ginagamit na ang name na ito para sa lahat ng kasarian ng baby.
BASAHIN:
Every baby is a blessing! 52 baby names that means your baby is blessed
101 most popular names for boys and girls in the Philippines
50 December baby names with meaning para sa iyong baby boy
- Lavender – Sweet and charming ang name na ito para sa inyong little angels. “Very Perri” ang Pantone Color of the Year, na bold bluish-purple kaya perfect kung this year mo isisilang si baby.
- Maeve – Isa sa mga top names na kadalasang chineck ng mommies ang name na ito.
Simple yet very bold pakinggan, with this name you can give you baby a nickname of “Mae” which is sikat na sa Pilipinas.
- Oren – Simple and smart ang Hebrew name na ito na sikat na sikat sa bansang Israel. Lalo pang pumasok ito sa limelight nang pinag-usapan ang bagong Lord of The Rings sa Amazon kung saan sa series ang name ng main antagonist ay si Oren.
- Romy – Short and simple but sparky ang name na ito. Easy to say at remember na rin. Isa sa mga sikat na gumamit ng name na ito ay ang British Prime Minister Boris Johnson sa kanyang anak.
- Sienna – Kung naghahanap ng royal baby names pero masyado nang common para sa iyo ang Elizabeth, Charles, Diana, or William, you can try this name. Ito ang pinakabagong nadagdag sa royal names dahil pinangalanan ni Princess Beatrice ng Sienna.
- Theo – Sa parents na gusto ng popular modern classic pero gusto ng short ang simple name lang din for baby, swak ito para sa inyo. Kasama ang nickname na ito sa pinakagusto ng mga tao na nagmula sa name na “Theodore.” You can simply choose “Theo” for your baby para cool lang din kung pakikinggan.
- Vincenzo – Dahil nasa trend ngayon ang nickname na “Enzo” pinipili ng maraming parents na pangalanan ang anak nila bilang “Vicenzo” para makadagdag sa cool and elegant sound ng name.
- Wilhelmina – Unique and extravagant ang pick na ito para sa inyo. Kung sawa ka na sa names like Willow, Winnie, Willa, o Wilma, you might try this one!
Pinoy names na patok ngayong taon
Heto ang ilan pang Pinoy names na puwede sa inyong anak
- Catriona – Hindi na sorpresa kung biglang dumami ang may pangalang Catriona matapos ang Miss Universe 2018. Ito ay dahil sa beauty queen na si Catriona Gray. Ngunit bukod diyan, espesyal din ang meaning ng Catriona. Ang ibig sabihin ng naturang pangalan ay ‘pure and clear’ na bagay na bagay para sa bagong silang na sanggol.
- Daniel – Isa ring magandang pangalan para sa inyong anak ang Daniel, na ayon sa Old Testament ng Bibliya ay nangangahulugang ‘God is my judge’.
- Alex o Alexa – Kung gustong lumaking matatag ang inyong anak, puwedeng gamitin ang pangalan na ito. Nangangahulugan ito na ‘defender of mankind’.
- Joshua – Ang Joshua ay isa ring sikat na Biblical name para sa mga Kristiyano. Ang meaning nito ay ‘God is my salvation’.
- Kathryn – Bukod sa Catriona, isa rin puwedeng variation ng pangalan ang Kathryn para sa busilak na meaning para sa pangalan ng inyong baby.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!