Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang paniniwala sa swerte. Sino ba ang ayaw swertehin? Bawat magulang, nagnanais na maging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Isa ka rin ba sa mga parent na naghahanap ng lucky names for your baby girl?
Mababasa sa article na ito:
- 15 lucky names for your baby girl
- Paano magiging lucky ang iyong anak
15 Lucky names for your baby girl
May mga paniniwala na ang pagbibigay ng pangalan sa iyong anak ay maaaring maging lucky charm niya sa buhay. Kaya naman, mayroong mga magulang na binibigyan ang kanilang baby ng names na may kaugnayan sa luck, good fortune, at serendipity. Maaari daw kasi itong magdala ng swerte at meaningful path sa buhay ng bata.
Dahil diyan, we compiled lucky names for baby girl na pwede mong ipangalan sa iyong anak:
- Zaida – Arabic name ito na ang ibig sabihin ay prosperous o fortunate
- Serendipity – bukod sa stylish pakinggan ang pangalan na ito, nangangahulugan din itong “luck” at “chance”
- Moira – Greek girl name ito na ang meaning ay “fate” o “destiny”. Pangalan ito ng isa sa tatlong female personifications of destiny sa Greek Mythology.
- Kiara – Japanese name na nangangahulugaang “fortunate”, “light o bright” naman ang kahulugan sa Italian.
- Halona – hindi pangkaraniwan ang lucky name for girl na ito. Pero ang ibig sabihin ng pangalang ito ay “happy fortune”
- Fortunata – puno ng good energy ang pangalan na ito na ang ibig sabihin ay “fortune of luck”
- Dalia – mula sa Lithuanian language, hango ang lucky name for girl na ito sa goddess of fate, childbirth, at weaving. Nangangahulugan itong “fate or luck”.
- Evangeline – lucky omen umano ang pangalang ito na may Greek origin. Ibig sabihin ng lucky name for girl na ito ay “good news messenger”
- Gwyneth – originated sa Welsh na nangangahulugang “happiness”
- Victoria – Latin name ito na ang kahulugan ay “victory”. Hango ito sa Goddess of Roman Mythology.
- Beatrice o Bea– pangkaraniwan man sa Pilipinas ang pangalang ito, originated ito sa America. Nangangahulugang “blessed” ang lucky name na ito for girl.
- Felicity – mula sa English origin na ang ibig sabihin ay “intense happiness”
- Clover – mula ito sa pangalan ng halaman na sumisimbolo sa “good luck”
- Amber – hango sa isang di pangkaraniwang gemstone. Nangangahuluhang swerte o “luck”
- Jade – hango sa napakagandang gemstone na kulay green na pinaniniwalaang nagdadala ng “good fortune” at protection.
Mommies and daddies, wala namang masama kung maniniwala sa belief na magdadala ng swerte ang lucky name sa inyong baby girl. However, tandaan din na mahalaga ang paggabay niyo bilang mga magulang para maging maganda ang kinabuksan ng iyong anak.
Paano magiging lucky ang iyong anak?
Kung ikaw ay magulang, tiyak na wala kang hinihiling kundi ang maging mabuti ang buhay ng iyong anak. Ayon kay Gina Christiano, Master in Education Psychology na may specialization saa School Psychology, mayroong mga paraan para ma-boost ang “luck” ng iyong anak.
Mahalaga umano ang physical movements para ma-reactivate ang isip ng iyong anak. In addition, kung nagwa-wander ang isip ng iyong anak o tila malalim ang iniisip nito, mahalagang tulungan silang i-manage ang kanilang kaisipan upang makabalik sa present moment ang atensyon nila. Mahalaga ang komunikasyon sa pagitan ng anak at magulang.
Bukod pa rito, narito ang iba pang maaaring gawin para matulungan ang anak na ma-boost ang kaniyang swerte.
- Maaaring subukan ang guided meditation. Pwedeng meditation sa isang app, audio meditation, o read-aloud meditation na ikaw mismo ang magbabasa.
- I-introduce sa kaniya ang paggawa ng timeline. Mag-set ng timelines para sa mga gusto niyong ma-accomplish. Tulungan ang iyong anak na alamin ang mga step kung paano maa-achieve ang goal. Maaari itong gawing daily, weekly, monthly, o kahit yearly.
- Mag set-up ng routine. Makakatulong ito para maging malinaw ang isip ng bata at ma-keep track niya ang mga new activity na maaaring gawin.
- Panatiling organize ang mga espasyo sa bahay. Maaari ding lagyan ng label ang mga bagay na madalas gamitin at ilagay ito sa lugar na madaling maaabot.
- Turuan ang iyong anak ng memory strategies para matulungan siyang ma-keep track ang mga mahahalagang impormasyon.
- Mag-focus sa pag-develop ng habits ng iyong anak sa pamamagitan ng repetition. Ulitin nang ulitin ang mga positive behaviors hanggang maging habitual na ito sa kanya.
- Gamitin ang real life skills sa pagtuturo ng tasks sa iyong anak. Halimbawa maaaring bigyan ng pera ang iyong anak para bumili sa tindahan and let her do the math. Sa pamamagitan nito matuturuan mo siyang magbilang gamit ang real life scenario. Para naman sa older kids, pwede silan turuan mag-budget ng kanilang allowance.
- Iwasan ang procrastination. Mahalagang investment sa good behavior ng iyong anak ang pagkakaroon ng planner. Turuan siya kung paano ito gamitin at sundin ang planong ilalagay rito.
Bukod sa mga nabanggit na paraan, mahalaga ring malaman ng parents na mahalagang turuan ng independence ang iyong anak. Hindi magandang ikaw nang ikaw ang laging gumagawa ng mga bagay para sa kanila. Importanteng hayaan silang i-practice ang independence at maging mabuting halimbawa rin ng pagiging independent.