Bakasyon 2020: Mga lugar na safe at wala pang kaso ng COVID-19

Huwag palampasin na i-enjoy ang darating na bakasyon kasama ang buong pamilya sa mga lugar na ito na ligtas pa mula sa banta ng coronavirus.

Lugar na walang coronavirus na maaring pasyalan at puntahan ng buong pamilya ngayong bakasyon.

Image from Freepik

Lugar na walang coronavirus na puwedeng pag-bakasyunan

Bagamat mahigpit na ipinapaalala ng Department of Health na umiwas munang maglalabas at manatili lang sa loob ng bahay, hindi naman dapat palampasin ng buong pamilya na i-enjoy ang darating na bakasyon. Upang magawa ito ay maaring magpunta sa mga lugar na walang coronavirus o kaso ng COVID-19 pa ang naitala. Narito ang ilan sa mga lugar na maaring puntahan na malapit lang sa Maynila na siguradong magugustuhan ng buong pamilya.

Top hotel para sa bakasyunan
CRIS VILLA at MIRANDA 411B Pico de Loro Beach Resort
Book Now
Taal Vista Hotel
Book Now
The Lighthouse Marina Resort
Book Now
Camp John Hay Forest Lodge Private Room
Book Now

Pico De Loro, Nasugbu, Batangas

Isa sa mga lugar na 3-4 hour drive lang mula Maynila ay ang Pico De Loro Beach Resport sa Nasugbu, Batangas. Dito ay maaring mag-enjoy ang buong pamilya sa pagtatampisaw o pag-swiswimming sa beach. O kaya naman ay sa pamamagitan ng pagsubok ng mga water activities. Isa nga sa mga activity na maaring gawin rito na siguradong mai-enjoy ng mga tsikiting ay ang snorkeling.

Kung gusto namang mag-overnight ay maaring tumuloy ang buong pamilya sa Pico Sands Hotel. Sa halagang P10,000 per night ay puwede ng mag-stay ang 2 adults at 2 bata sa isang premier mountain view room. Mayroon narin itong kasamang free buffet breakfast para sa 2 adults at 2 bata na 7-anyos pababa ang edad. Habang may 50% discount naman sa buffet breakfast ang mga batang edad 8 hanggang 12-anyos.

Dito ay marami ring activities ang maaring gawin tulad ng horseback riding, bowling, cycling, karaoke at marami pang iba. Mayroon ring malaking pool sa loob ng hotel na maaring pagswimmingan ng buong pamilya.

Sa ngayon ay nag-ooffer ang Pico Sands Hotel ng 20% off sa kahit anong room kung magbo-book sa kanilang website gamit ang promo code na “STY4L". Para sa iba pang detalye tungkol sa hotel maaring tawagan sila sa mga numerong (02) 8464 7888 at 09178091289

Tagaytay, Cavite

Kung gusto namang tingnan at kumustahin ang nag-alburutong bulkang Taal ay maari ring bumisita ang buong pamilya sa Tagaytay.

Ang perfect place to stay naman sa lugar ay sa Taal Vista Hotel na mayroong 25% off promo ngayon para sa room accommodation ng 2 adult at 2 bata. Sa halagang P4,399.19 nalang per night ay makakapag-stay na sa hotel ang buong pamilya. Ang promo ay may kasama ng free buffet breakfast sa 2 adults at 2 bata na 7 years old below. May free access narin ito sa health club, swimming pool at lahat ng facilities sa loob ng hotel. Kung may katananungan ay maaring tawagan sila sa numerong 09178091254. O i-email sila sa reservations@taalvistahotel.com para sa inquiries at reservations.

Subic, Zambales

Isa pang lugar na walang coronavirus at perfect pasyalan ngayong bakasyon ay sa Subic, Zambales. Dito ay maraming maaring pasyalan ang buong pamilya na mai-enjoy ng mga bata tulad ng Ocean Adventure, Zoobic Safari, Subic Treetop Adventure, duty-free shopping at marami pang iba. Napakalapit lang rin nito sa Maynila na aabutin lang ng 3-4 hour drive ang byahe.

Para sa katanungan ay maaring tawagan sila sa mga numerong (047) 252-5000, (02) 8711-0019, 0917 512 3364 at 0918 945 5697.

Baguio City, Baguio

Para naman sa ultimate Baguio experience, ay maaring tumuloy ang buong pamilya sa The Manor Hotel sa Camp John Hay. Sa halagang P6,540 per night ay maari ng mag-stay ang buong pamilya sa 4-star hotel na ito. May free breakfast buffet narin sa umaga at libreng gamit sa mga amenities sa loob ng hotel tulad ng playground, fitness gym at iba pa. Para sa katanungan ay maaring tumawag sa hotel sa mga numerong (074) 424-0931 to 43 o 0917-869-3640. O kaya naman ay mag-email sa reservations@campjohnhay.ph.

SOURCE: Hotel PH, Booking.com

BASAHIN: Bakasyon ng Pamilya Nakakatulong Mentally At Emotionally Sa Mga Bata