Luslos sa babae: Sanhi, sintomaas at gamot sa hernia

Alamin ang mga pinaka-karaniwang dahilan ng luslos sa babae (hernia sa babae) at kung ano ang nararapat na lunas at gamot sa bawat uri nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alamin ang mga pinaka-karaniwang luslos sa babae at kung ano ang nararapat na lunas dito

Hindi lang lalaki ang nagkakaron ng luslos. Babae man o lalaki, ang tiyan natin ay sinusuportahan ng muscles na tumutulong sa pag-galaw at pagpapanatiling lahat ng organ sa bandang tiyan ay nasa lugar.

Nangyayari ang luslos (in English, hernia) kapag may bahagi ng katawan na dumidiin o tumutulak sa isang mahinang parte ng muscle wall. Lumuluwa tuloy at ito ang tinatawag na luslos.

Image from Freepik

Mas karaniwan sa mga lalaki ang luslos o hernia, paliwanag ni Arsenio Meru, MD, pero dapat tandaan na mayroon ding luslos sa babae.

Sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Ultrasound noong 2016, sinasabi na ang inguinal at femoral hernias ay karaniwang sanhi ng pananakit ng pelvis ng mga babae, na na-uultrasound ng mga doktor. Ayon pa sa pag-aaral, ang 2 pangunahing risk factors sa pagkakaron, at pagbabalik ng luslos sa babae (pagkatapos man itong gamutin) ay ang obesity at paninigarilyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba’t ibang uri ng luslos sa babae

May iba’t ibang uri ng luslos sa babae (hernia sa babae):

Inguinal Hernia

Ito ang pinaka-karaniwang uri ng luslos sa babae, dahil ito ay nasa bahagi ng singit, puson at ari, babae man o lalaki, ayon kay Dr. Meru. Posibleng mangyari ito sa mga nagbubuntis.

Ang taba o bituka kasi ay natutulak papunta sa bandang ibaba dahil bumibigat ang laman ng tiyan o ipinagbubuntis. May mga pinapanganak na na mayrong inguinal hernia, pero puwede rin itong mangyari kapag nagkaka-edad na at lumalambot na ang mga muscles. Maaari ring sanhi ang labis ang pag-ubo, madalas kapag naninigarilyo, at kapag nagbubuhat ng mabigat at labis ang pag-eehersisyo.

Karaniwan din ito sa mga constipated o hirap palagi sa pagdumi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Femoral Hernia

Parang inguinal hernia din ito, pero nasa ibang bahagi lang. Ito ang mas karaniwan na luslos sa babae, bagamat bihira itong mangyari.

Maaaring maging delikado ito kaya’t dapat ay maging alerto sa pagmamatyag sa mga sintomas, ayon pa kay Dr. Meru. Hindi ito kaagad mapapansin, kundi pa magkakaron ng “strangulation” o kapag naipit ng muscle ang butas kung saan may nakaluwang bituka.

Makakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, at pagsusuka. Ito ay hudyat ng emergency at dapat na pumunta kaagad sa ospital.

Ventral Hernia

Kapag may tissue o bituka na lumuwa dahil bumutas sa muscle wall ng tiyan, sa pagitan ng pusod at dibdib, ito ay tinatawag na ventral hernia. Madalas nangyayari ito kapag labis ang bigat ng timbang, may ubong hindi nawawala, madalas magbuhat ng sobrang bigat na gamit, at kapag labis ang pagsusuka.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Incisional Hernia

Ang incisional na luslos sa babae ay karaniwang nangyayari sa mga sumailalim na sa anumang operasyon sa tiyan, halimbawa ay mga nagka-Caesarean Section. Kapag kasi ang sugat sa operasyon ay hindi pa tuluyang naghihilom at may tissue na tumulak sa butas nito dahil napuwersa, luslos na ito.

Delikado kapag naimpeksiyon, at mahihirapang maghilom ang tahi. Kailangang sumailalim ulit sa isa pang operasyon para maaalis ang luslos sa babae.

Hiatal Hernias

Ito naman ang uri ng luslos sa babae na ang bahagi ng tiyan ay lumuluwa ito mula diaphragm (ang muscle sa pagitan ng tiyan at dibdib). Hindi makikita ang bukol o umbok, pero makakaramdam ng pananakit ng dibdib, heartburn, chest pain, at pangangasim sa bibig.

Ang mga kababaihang edad 50 pataas ang karaniwang nagkakaron nito, lalo na kung nagbuntis ng ilang beses. Nangyayari ito dahil ang pagkapuwersa ng tiyan sa pagbubuntis ay dahilan ng panghihina ng muscles ng tiyan. Nakukuha sa gamot at pagbabago ng nakagawiang pamumuhay ang luslos sa babae na ito.

Payo ni Dr. Meru, nirerekumenda ang pagkain ng mas madalas pero kaunti, kaysa tatlong beses na mabibigat na pagkain, at pag-iwas sa paghiga hanggang 3 oras pagkatapos kumain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karaniwang sintomas ng luslos sa babae

Hindi naman masakit ang luslos, pero mapapansin ang umbok o bukol sa tiyan o singit, o kung nasaan man ang luslos. Minsan naman ay makikita lang ang bukol kapag umuubo, tumatawa nang malakas, o nagbubuhat ng mabigat. May mga itinutulak na lang ito paloob sa tuwing makikitang lumuluwa.

Kung ito ay luslos, mapapansin ang tuluyang paglaki ng bukol, at pananakit sa paligid nito. Pagkatapos ding kumain, pakiramdam mo ay parang busog na busog ka.

Kumunsulta kaagad sa doktor kung…

Ang luslos sa babae man o lalaki ay hindi naman dapat ikabahala, ayon kay Dr. Meru. Kapag nagsimulang lumaki at lumubha ang pananakit, mabuting magpunta sa doktor para ma-eksamin ito at maiwasan ang anumang komplikasyon.

Posible din kasi na maipit ang bituka sa luslos sa babae, kung saan mahahadlangan ang pagdalot ng dumi na dapat ay ilalabas. Kapag mahigpit ang pagkakabara, pati ang pagdaloy ng dugo ng bituka ay maaapektuhan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag nakita o naramdaman ang mga sumusunod, magtungo kaagad sa ospital:

  • nangingitim ang bukol na parang kulay ng pasa
  • hindi na nakaka-dumi o nakakautot man lang
  • mataas ang lagnat
  • lumalala ang sakit na nararamdaman
  • pagsusuka

Pagkakaiba ng pag-gamot sa luslos ng mga babae

Image from Freepik

Ayon sa pag-aaral ng Cleveland Clinic, base sa National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases nuong  2018, ang mga luslos ay hindi bumubuti ng walang intervention. Kinakailangan nito ng operasyon o surgery para ayusin ito. 

Sa mga kababaihan, puwedeng isara ng tuluyan ang luslos. Hindi katulad sa mga lalaki na kailangan ng kaunting butas para daluyan ng dugo papunta sa testicles. Kaya mas mababa ang bilang ng mga luslos na bumabalik sa mga babae. Mayron na ring laparoscopic surgery sa mga kababaihan.

 

SOURCES: Arsenio Meru, MD; MayoClinic, Medine Health, Cleveland Clinic, National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. Inguinal Hernia.

Basahin: Luslos sa lalaki: Sanhi, sintomas, at lunas