Posibleng magkaroon ng maagang menopause ang mga kababaihan na madalas na nagpupuyat ayon sa isang pag-aaral na ginawa sa University of Dalhousie sa bansang Canada. Kasama rito ang mga occasional night shift workers at mga part timers na nagta-trabaho sa gabi.
Maagang menopause sa mga babaeng night shift workers
Higit 80,000 babaeng nurse ang isinali ng mga researchers sa kanilang pag-aaral. Lumabas na ang panganib sa pagkakaroon ng maagang menopause ay 9% na mataas para sa mga nurses na nagta-trabaho ng night shift sa loob ng dalawang taon.
Ang mga kababaihang binabago ang kanilang body clock sa tuwing nagta-trabaho ng night shift ay nagkakaroon ng mababang level ng sleep hormone na melatonin sa katawan. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na malaki ang ginagampanan ng melatonin sa function ng mga ovaries ng mga babae.
Ngunit ipinunto rin nila na may kinalaman din ang stress at pagod sa pagta-trabaho ng night shift sa pagkakaroon ng mababang estrogen level na siyang sanhi ng maagang menopause.
“This is the first study into a link between rotating night shifts and age at menopause, and we found a moderate but significant link,” sabi ni Dr. David Stock, leader ng pag-aaral sa University of Dalhousie.
“For women who went through the menopause before the age of 45, shift work seemed to be particularly important. This could be due to disruption of their circadian rhythms, stress or fatigue, although more research is needed,” dagdag niya.
Panganib sa kalusugan ng maagang menopause
Mahalaga ang ginawang pag-aaral na ito dahil may dalang panganib ang pagkakaroon ng maagang menopause sa kalusugan ng mga babae. Maaari silang magkaroon ng cardiovascular disease, osteoporosis, memory loss, at breast and endometrial cancer.
Sa pag-aaral na ginawa ng mga researchers, lumalabas na 25% ang tiyansa ng mga nurses na magkaroon ng maagang menopause sa edad na 45 pababa kung sila ay nagta-trabaho ng night shift tatlong beses sa isang linggo.
Tumataas ito sa 73% kung ginagawa ng mga nurses ang rotating shifts sa loob ng 20 taon.
Gayunpaman, nakita lamang ito ng mga researchers sa maliit na grupo ng mga kababaihan sa 80,000 nurses na kanilang pinag-aralan.
Napatunayan din na may kinalaman sa maagang menopause ang pagkakaroon ng hectic na work load, toxic na katrabaho, at pabago-bagong schedule sa trabaho.
Ang pag-aaral na ito ay nailathala sa Journal Human Reproduction sa Canada. Sa pagtatapos nito ay sinabi ng mga eksperto na, “Women already prone to earlier menopause may further truncate their reproductive lifetime by working schedules comprising day as well as night shifts.”
“Given evidence that nurses are commonly called upon to work long shifts, it is plausible that a substantial proportion of participants may have met these criteria.”
Source: Daily Mail
Images: Shutterstock
BASAHIN: Pagtatrabaho sa night shift, hindi raw mabuti para sa mga nagbubuntis at sa dinadala nilang sanggol
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!