Mahalaga sa kalusugan ng buntis ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga. Ngunit hindi lahat ng mga nagbubuntis ay mga stay-at-home moms. Maraming mga ina ang nagtatrabaho pa rin kahit sila ay nagdadalang tao at sa katunayan, ang iba pa nga sa kanila ay nagtatrabaho ng night shift, o kaya pabago-bago ng schedule.
Ngunit ayon sa isang pag-aaral, posibleng makasama ang ganitong klaseng schedule para sa mga ina.
Kalusugan ng ina, naaapektuhan ng pabago-bagong schedule
Ayon sa mga researcher mula sa University of Adelaide at South Australian Health and Medical Research Institute, naaapektuhan raw ng ganitong schedule ang laki ng mga sanggol. Ito ay dahil nagsagawa sila ng pag-aaral sa mga tupa na nagbubuntis, at ginaya nila ang schedule ng mga inang nagtatrabaho sa night shift.
Ang mga tupa na iniba ang sleep schedule ay mas nahirapan na kumain ng gluten sa pagkain. Kadalasan itong sanhi ng pagkakaroon ng diabetes at obesity kapag tumanda. Bukod dito, mas maliit raw ang naging anak ng mga tupa na nasa night shift kumpara sa mga tupang normal ang pagtulog.
Bagama’t hindi parehas ang physiology ng mga tupa at tao, hindi maikakaila na may epekto ang night shift sa kalusugan ng ina at ng mga sanggol. Posible raw na ang pagpupuyat ng mga ina ay maging dahilan upang magkaroon ng diabetes o obesity ang kanilang mga anak paglaki.
Bukod dito, mas kapansin-pansin raw ang epekto nito sa unang trimester ng pagbubuntis. Ibig sabihin, talagang napakaimportante ng panahong ito para sa mga inang nagbubuntis.
Hangga’t maari, mabuti sana kung makaiwas sa night shift o pabago-bagong schedule ang mga ina.
Paano makakakuha ng tamang pahinga ang mga ina?
Hindi naman lahat ng ina ay nagtatrabaho ng night shift, ngunit sila rin ay nakakaranas ng insomnia o hirap sa pagtulog. Mahirap sa mga ina ang mapagod dahil lalo lang itong makakadagdag sa stress na nararanasan nila. Kaya’t importante na makakuha ng wastong pahinga ang mga ina para sa kalusugan nila at ng mga sanggol.
Heto ang ilang mga tips para makakuha ng tamang pahinga ang mga ina:
- Siguraduhing nakakakuha ka ng 8 oras ng tulog sa isang araw
- Mahalaga ang pag-idlip sa hapon upang hindi ka pagod buong araw. Pero mahalagang huwag sosobra sa 30 minuto ang pag-idlip
- Umiwas sa mga stressful na bagay, dahil nakakapuyat ang pag-iisip sa mga ito
- Nakakatulong ang pag-inom ng chamomile tea, o kaya ng mainit na gatas upang antukin
- Nakakatulong rin ang paliligo ng mainit na tubig bago matulog upang komportable ka paghiga
- Kung nahihirapan kang matulog dahil sa iyong lumalaking tiyan, gumamit ng pregnancy pillow upang maging mas komportable
- Subukang matulog ng nakatagilid kung mahirap ang matulog sa iyong likod
Source: Daily Mail
Basahin: What you should know about having the flu while pregnant