May mga pagkakataong magkakaroon ng sakit ang mga parents ngunit kailangan pa rin na maalagaan si baby kahit masama ang pakiramdam. Sa ganitong pangyayari, hindi pa rin natitigil ang responsibilidad ng mga magulang para sa kanilang anak.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Tips para maalagaan si baby kahit may sakit ang parent
- Paano mapapanatiling healthy ang pangangatawan para sa iyong baby?
Tips para maalagaan si baby kahit may sakit ang parent
Number one concern ng mommies and daddies na maprotektahan ang kanilang anak. Sa kakaisip ng parents paano maaalagaan o malalayo ang baby sa kahit ano mang sakit kung minsan ay sila pa ang nakakuha nito.
Sa ganitong pagkakataon, dapat isipin din ng mga magulang na unahin ang kanialng health dahil sila ang pangunahing mag-aaruga sa kanilang baby.
Hindi naman talaga rin maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa kahit anong edad. Kung sakaling nasa ganitong pangyayari ano nga ba ang kailangan gawin? Narito ang ilang tips:
1. Unang-una sa lahat ay kailangang kumonsulta sa iyong doktor at health care professional – Kailangan na unang kokontakin sa ganitong pagkakataon ay sa mga propesyunal lumapit upang mabigyan ng tamang diagnosis. Mahalaga kasing malaman kaagad kung ano ba ang sakit o nararamdaman na iyong nararanasan. Magandang sa personal na doktor lumapit upang malaman niya ang iyong history at mabigyan ka ng tamang treatment.
Mas magiging komportable ka rin sabihin ng impormasyon tungkol sa kung kailan, saan, at kung paano ka nagkasakit. Sila rin ang pangunahing makakaalam kung paano mami-minimize ang germs na posibleng makuha pa ng iyong baby.
2. Huwag huminto na magpa-breastfeed sa iyong baby – Mahlalagang malaman na hindi nata-transmit sa breastmilk ang germs na dala ng temporary illness kaya hindi dapat mag-worry na ma-contaminate ang gatas. Ang katawan kasi ng tao ay nagpo-produce ng antibodies sa tuwing nagkakasakit kaya safe naman ang gatas na ilalabas ng iyong katawan. Kahit na magkasakit ka, hindi pa rin dapat mapabayaan ang health ni baby.
Kung nag-aalala pa rin na mahawa ang anak sa iyong sakit kung magkakaroon ng contact, maaaring i-consider ang breast pumping. Humingi ng tulong sa partner o sa kasama sa bahay upang magawa ito at magtuloy-tuloy pa rin ang pagkain ni baby.
3. Iwasang mag-panic at isipin na magkakasakit din ang iyong anak – Siyempre ang unang magiging concern talaga ng parents ay ang mahawa ang kanilang anak. Sa ganitong pagkakataon, iwasan ang mag-panic dahil kung minsan ay hindi nagiging maganda ang dulot nito. Ang mahalaga ay pakinggan ang payo ng doktor kung papaanong hindi rin makukuha ng baby mo ang iyong sakit.
4. Tandaan na normal lamang itong nangyayari at lilipas din – Hindi naman talaga maiiwasang malugmok sa ganitong pagkakataon dahil bukod sa walang energy ay hindi pa naalaagaan nang buo ang anak. Huwag lang kalimutan na normal na mapapagod ang katawan at hindi ikaw ang nag-iisang nakararanas nito. Ang mga temporary illness ay lilipas din naman matapos ang ilang araw lalo kung kumonsulta kaagad sa iyong doktor.
Maraming mga magulang na rin ang dumaan dito. Ang importante ay magpalakas upang makabalik ang lakas at mabantayan kaagad ang baby mo. Sa mga araw na may sakit ka ay ang pinakamainam na gawin ay magpahinga muna nang manumbalik ang lakas.
5. Sa oras na magkasakit, humingi kaagad ng tulong – Hindi mo kakayanin nang mag-isa ang pagpapagaling kasabay ng pag-aalaga sa baby. Dapat ay makahingi kaagad ng tulong sa malalapit na pamilya lalo kung ikaw ay mayroong partner. Sabihin sa kanila ang tunay na nararamdaman at kung anong klaseng tulong ang nais na hingin sa kanila.
Kung minsan ay mahirap ito ngunit ito ang isa sa pinaka makakatulong upang mapabilis ang iyong pagpapagaling. Sila rin ang makakatuwang lalo sa pag-aalaga ng iyong baby.
BASAHIN:
#AskDok: My baby got sick after meeting relatives—is USOG real?
Masakit na ulo habang buntis? 6 home remedies sa masakit na ulo kapag buntis
5 nakakahawang sakit ng mga bata na maaaring makuha rin ng adults
Paano mapapanatiling healthy ang pangangatawan para sa iyong baby?
Magulang ang pangunahing mag-aalaga sa kanilang mga anak. Kung ang concern mo ay health ng mga baby, dapat ay maging concern din ang personal na health mo para mas maalagaan sila nang mas mabuti. Narito ang ilang maaaring gawin upang maging malakas at healhty as parents.
- Matutong malaman kung kailan dapat magpahinga at mag-relax.
- Kumain ng masusustansyang pagkain kasabay ng pagse-serve ng healthy foods din sa mga anak.
- Kumpletuhin pa rin ang tulog ng at least 7 hours per day.
- Iwasan ang labis na stress at iniisip upang hindi makakuha ng sakit.
- Maglaan ng oras para sa pag-eehersisyo upang maging physically fit.
- Huwag i-overwork ang sarili at masyadong pagurin ang pangangatawan.
- Humingi ng tips sa personal na doktor tungkol sa diet.
- Uminom ng vitamins.
- Maging hydrated at uminom ng marmaing tubig everyday.
- Maglaan ng “me time” at magsaya paminsan-minsan.