X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Maid inilagay ang kamay ng inaalagang baby sa kumukulong tubig

4 min read
Maid inilagay ang kamay ng inaalagang baby sa kumukulong tubig

Kailangang mong malaman ito! Ano nga ba ang mga mabisang gamot sa paso ng bata? | WARNING: This article contains graphic content.

Ano nga ba ang mabisang gamot sa paso ng bata?

Napaso ang isang baby sa kumukulong tubig

Noong January 14, iniwan ni Low at ng kanyang asawa ang dalawa nilang anak (8 years old at 16 months). Kasama ng dalawang bata ang kanilang katulong sa bahay. Mga 5:30 ng hapon nang nakatanggap ng balita si Low na napaso ng mainit na tubig ang kanyang 16 months old na anak.

 

mabisang gamot sa paso ng bata

mabisang gamot sa paso ng bata

Image: Facebook Amy Low Mei Liang

 

Akala ng isang nanay sa Singapore na napabayaan lang ng maid ang kanyang anak dahil sa natamo nitong 2nd degree burn. Pero mas malala pa pala ang nangyari rito.

Sa Facebook post ni Amy Low na naging viral, ikinuwento niya kung paano pasadyang nilagay ng kanilang katulong ang kamay ng kanyang anak sa kumukulong tubig. Binalaan din niya ang mga magulang na bantayang maigi ang mga kinukuha nilang mga katulong sa bahay. Isinugod sa ospital nina Low at ng kanyang asawa ang kanilang baby. Doon na nila nalaman na nagkaroon ng 2nd degree burn ang anak nila. Ikinwento naman ni Low na simula nang magtrabaho sa kanila ang katulong nila, ang pagbabantay nang maigi sa kanyang anak ang tanging trabaho nito. Bilin din nilang ‘wag itong dadalhin sa kusina. Lagi silang kumakain sa labas kaya wala nang dahilan para magluto ang katulong nila.

Pero sinabi pa rin ng katulong nila na hindi niya napigilan ang baby kaya naaksidente ito.

Kinabukasan, matapos ang nangyari ay nagulat na lamang sila ng makitang naka-impake na ang nasabing kasambahay at sinasabing babalik na lang ito sa kanyang agency.

“I kept assuring her that we never blamed her, as it was just an accident, she could still stay on work for us. But she was very insistent, hence i called the agency up.” sabi ni Low

Pumayag naman ang agency sa naging desisyon na pabalikin ang katulong at ibalik ni Low ang perang inilabas para dito.

Ngunit pakiramdam ni Low na may tila kakaiba sa nangyari. Kaya naman tinignan niya ang CCTV sa kanilang kusina at dito na siya nagimbal nang makita niya ang kanilang katulong na paulit-ulit na isinasawsaw ang kamay ng kanyang anak sa kumukulong tubig.

Kinompronta niya ang katulong. Dito niya nalaman na inutusan daw siya ng mga kaibigan at ng agency mismo para lang makauwi ito.

mabisang gamot sa paso ng bata

Screencap ng CCTV footage ng pasuin ng mainit na tubig ang baby Image: Facebook (Amy Low Mei Liang)

Karagdagang impormasyon

Ang 30-taong gulang na katulong galing sa Myanmar ay agad ding naaresto sa Buangkok Link flat noong January 15.

Ngunit ang trauma na natamo hindi lang ng baby, kundi pati ng mga magulang ay hindi pa rin natatapos.

Nang malaman ng agency na ipinaaresto ni Low ang katulong, nagsimula na itong mang-harass at sabihang ‘bad employer’ sila Low. Natakot si Low na baka saktan pati ang pamilya nito. Sa ngayon, iniimbestigahan na ang katulong. Ngunit wala pang balita mula sa kanyang agency.

Ano nga ba ang mabisang gamot sa paso ng bata?

Mas naglalabas ng init ang mga bata kaysa sa mga matatanda. Kaya mas mainam malaman kung paano ang gagawin kung sakaling mapaso ang bata.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
  • Kung sakaling mapaso ang kamay, paa, mukha at maselang parte ng bata, pumunta na agad sa pinakamalapit na ospital.
  • Ilayo ang bata sa lugar kung saan siya napaso.
  • Lagyan ng cold compress ang parte kung saan napaso ang bata. Gawin ito hanggang sa humupa ang sakit nito.
  • Kung may makitang paltos, hayaan lang ito at ‘wag hawakan.
  • Lagyan ang sugat ng malinis at tuyo na gauze.
  • Tanggalin ang makakasagabal na damit. Alisin din ang lahat ng uri ng palamuti sa katawan.

BASAHIN: Mom shares warning after toddler is burned by vacuum cleaner in just 5 seconds! , Jealous Singapore maid tried to poison 3-month-old baby by mixing detergent in milk powder , Mom warns against the dangers of safety mirrors after her baby’s car seat burned

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Maid inilagay ang kamay ng inaalagang baby sa kumukulong tubig
Share:
  • ALAMIN: Ang iba't ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda

    ALAMIN: Ang iba't ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda

  • Autism sa bata: Ang mga senyales, lunas at sanhi

    Autism sa bata: Ang mga senyales, lunas at sanhi

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • ALAMIN: Ang iba't ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda

    ALAMIN: Ang iba't ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda

  • Autism sa bata: Ang mga senyales, lunas at sanhi

    Autism sa bata: Ang mga senyales, lunas at sanhi

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.