Mabubuntis ba kahit hindi fertile? Ito ang sagot ng isang doktor.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kailan masasabing fertile ang isang babae.
- Ang sagot ng isang doktor kung mabubuntis ba kahit hindi fertile ang isang babae.
Kailan masasabing fertile ang isang babae?
Ang fertile window ay ang bahagi ng menstrual cycle ng babae kung saan ang posibilidad ng pagbubuntis ay mas mataas. Tumutukoy ito sa limang araw bago ang ovulation hanggang sa isang araw ng matapos ito.
Ang ovulation ay madalas na nagaganap sa day 14 ng menstrual cycle ng isang babae. Ito ay tumutukoy sa araw kung saan nag-rerelease ng mature egg ang ovaries ng babae. Hudyat din ito na handa na ang katawan ng babae na tumanggap ng sperm para sa fertilization na simula ng pagbubuntis.
Ang ovulation ay maaaring magtagal ng 12-24 oras. Matapos mag-release ng egg ang ovaries ay magsu-survive ito sa katawan ng babae ng hanggang sa 24 oras. Ito ay kusang mamatay, maliban nalang kung makikipagtalik ang babae at may sperm na papasok sa kaniyang katawan.
Paano ma-cacalculate ang fertile window ng isang babae?
Tulad na nga ng naunang nabanggit, maliban sa mismong araw ng ovulation, ang babae ay itinuturing na fertile limang araw bago ang ovulation at isang araw pagkatapos nito.
Para ma-calculate ang fertile window ng isang babae ay mahalaga na malaman niya ang unang araw ng kaniyang period. Ito rin ang araw ng pagsisimula ng kaniyang menstrual cycle na madalas na tumatagal ng 28 araw.
Halimbawa kung sa petsa ng 1 tumapat ang unang araw ng regla ng babae, ang kaniyang menstrual cycle ay nagsisimula sa mismong araw na 1 at nagtatapos sa araw na 28.
Siya ay maituturing na fertile sa mga araw na 10 hanggang 15. Pero mahalagang isaisip na ang menstrual cycle ng isang malusog na babae ay maaring maiba-iba.
Maaaring ito ay tumagal ng 21 days lang o umabot ng hanggang 35 days. Kaya naman ang kaniyang ovulation ay maaring mapaaga o mahuli depende sa pagsisimula ng kaniyang menstrual cycle.
BASAHIN:
Ovulation Test Kits
Paano makakatulong ang pagtukoy sa fertile window sa mga babaeng umiiwas na magdalang-tao?
Para sa mga babaeng umiiwas na magdalang-tao, dapat ay iwasan nila ang unprotected sex sa mga araw na pasok sa kanilang fertile window. Dahil ito ang mga panahon na maaring maganap ang ovulation.
Sa loob ng limang araw bago ang ovulation ay dapat hindi makipagtalik ng walang proteksyon ang babaeng umiiwas na magbuntis.
Sapagkat ang sperm ng lalaki ay maaaring tumagal sa kaniyang katawan ng 5 araw. Habang ang isang araw na dagdag matapos ang araw ng ovulation ay maituturing na allowance para masigurong mamatay na ang egg cell makalipas ang 24 oras.
Dahil sa oras na makipagtalik ang isang babae ng walang proteksyon 12-24 oras matapos mag-release ng mature egg cells ang kaniyang ovaries ay siguradong magaganap ang pagbubuntis.
Paano naman sa mga babaeng nais na magdalang-tao?
Samantala, para naman sa mga babaeng nais magbuntis, ang pinaka-the best na araw na makipagtalik ay ang mga araw na pasok sa kanilang fertile window.
Maliban sa pagtukoy sa fertile window, ayon sa siyensya ay may ibang paraan pa para matukoy kung fertile ang isang babae. Una, ito ay maaaring sa bahagyang pagtaas ng kaniyang basal body temperature o pagkakaroon ng dagdag na gana sa pakikipagtalik.
Palatandaan din ang pagbabago sa cervical mucus na inilalabas niya. Sapagkat kapag papalapit na ang ovulation ay nagiging manipis, clear at madulas ang consistency ng kaniyang discharge na maihahalintulad na hilaw na puti ng itlog o egg white.
Ito ay nakakatulong para makalangoy papunta sa egg cells ng babae ang sperm na mula sa lalaki.
Mabubuntis ba kahit hindi fertile?
Photo by RODNAE Productions from Pexels
Ito ang tanong ng mga babaeng gustong mabuntis pati narin ang mga nais maiwasan ito. Ang sagot ng OB-Gynecologist na si Dr. Gergen Dizon mula sa Makati Medical Center ay ito.
“Kung regular ang period of course hindi kasi hindi na fertile. In fact, dun sa mga nagpa-family planning iniiwasan nila ‘yong window na iyon at doon muna sa labas. Ngayon kung irregular ang period, pwedeng mag-ovulate sa mga araw na outside of that interval.”
Ito ang pahayag ni Dr. Dizon.
Paliwanag ng women health website na Flo, nangyayari ito sapagkat maaring maiba-iba ang araw ng ovulation ng isang babae. Dagdag pa na maaaring magtagal ang sperm ng lalaki ng ilang araw sa loob ng katawan ng babae.
Kaya naman, mas mabuti para makasigurado ay iwasan ang unprotected sex. Gumamit ng mga birth control methods tulad ng condoms at pills para maiwasan ang pagdadalang-tao.
Dagdag tip sa mga babaeng nagnanais na magbuntis
Samantala, kung ang goal naman ay pagbubuntis, mahalagang isaisip na maraming maaring maging factors para hindi mabuntis ang isang babae.
Bagama’t makakatulong na matukoy ang fertile window para sa mataas na tiyansa ng pagdadalang-tao, payo ni Dr. Dizon ay mahalaga na magpakonsulta sa isang espesyalista ang mag-asawa o magka-pareho. Dagdag niya pang tip ay dapat gawin din ito.
“Alisin ‘yong mga stress factor. If they can spend more quality time ng walang stress isang factor ‘yon,” sabi ni Dr. Dizon.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.