TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Magulang, tumangay ng lost and found bag sa harap ng anak nila

3 min read
Magulang, tumangay ng lost and found bag sa harap ng anak nila

Narito kung bakit dapat ka laging magpakita ng mabuting asal at gawa sa harap ng iyong anak.

Mabuting ehemplo sa mga bata, bakit mahalaga itong gawin ng mga magulang?

pagiging mabuting ehemplo sa mga bata

Image screenshot from Ho Siew Thong Facebook post

Pagiging role model sa iyong anak

Isang ama at ina ang kitang-kita sa CCTV na itinago sa loob ng kanilang dalang backpack ang bag na naiwan sa isang palaruan sa Marina Square, Singapore. Ang dalawa ginawa ito sa harap mismo ng kanilang anak.

Ito ang laman ng viral Facebook post ng netizen na si Ho Siew Thong.

Ayon parin sa post ni Ho ay naiwan ng kaniyang anak ang bag nito sa loob ng isang palaruan sa Marina Square. Binalikan nila ito ngunit ito ay wala na. Kaya naman lumapit na sila sa security department ng establisyemento para tingnan kung saan huling nakita ang nawawalang bag. Sa CCTV ay doon nila nakita kung paano tinago at tinangay ang nawawalang bag ng kaniyang anak ng isang mag-asawa sa harap mismo ng kasama nilang bata.

Laman ng bag ang ay ilang personal items ng kaniyang anak. Pati ang concession card nito at cellphone na tanging paraan para ma-kontak niya ang kaniyang pamilya.

Sinubukan niyang tawagan ang numero ng cellphone ng kaniyang anak ngunit ito ay paulit-ulit na pinapatay ng may hawak nito. Kaya umapela si Ho ng tulong sa mga netizen na i-share ang kaniyang post. Upang maibalik ang bag ng kaniyang anak at ang mga laman nito.

Hindi naman nag-atubili ang mga netizens na tulungan si Ho. Habang ang iba ay nag-iwan ng kanilang komento tungkol sa pagiging masamang ehemplo ng mga magulang na nagtago at tumangay ng bag sa harap mismo ng anak nila.

pagiging mabuting ehemplo sa mga bata

Image screenshot from Ho Siew Thong Facebook post

Tatlong araw matapos ang insidente ay nagbigay ng update si Ho na ang bag ng kaniyang anak ay naibalik na. Ito ay sa pamamagitan ng tulong ng mga pulis at sa “find lost phone function” ng cellphone sa loob ng bag na nagbigay sa kanila ng impormasyon kung saan ito matatagpuan.

Bakit mahalagang maging mabuting ehemplo sa mga bata ang mga magulang

Bagamat walang detalyeng inilagay si Ho sa kaniyang post tungkol sa dahilan kung bakit ginawa ng mag-asawa na itago at tangayin ang bag ng kaniyang anak, ay mali parin ito lalo na’t nakita ng kasama nilang bata ang kanilang ginawa.

Ayon sa Harvard psychologist na si Richard Weissbourd, ang pagiging mabuting ehemplo sa mga bata ang isa sa mga paraan upang maturuan ng mga magulang ng good character at values ang kanilang anak.

Dahil ang mga bata ay nabubuhay sa mundong ito sa pamamagitan ng pag-oobserve at panggagaya sa mga nakikita niyang ginagawa ng mga matatanda sa paligid niya. Ito ay nagiging malaking impluwensiya sa kanilang kilos at salita na maaring madala nila hanggang sa kanilang pagtanda.

Ang pinakamalaking impluwensiya nga sa kilos, values at character ng isang bata ay ang kanilang mga magulang. Dahil sila ang una at lagi niyang nakakasama sa loob ng isang tahanan.

Kaya naman mahalaga na dapat laging maging mabuting role model ang mga magulang sa kanilang anak. Kailangang laging isaisip na dapat ay laging maging mabuting ehemplo sa mga bata. Dahil sila ay laging nakatingin at binabase ang kanilang kilos at pakikitungo sa kanilang kapwa sa kanilang nakikita. Turuan sila ng magandang gawi at asal sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa sa kanila.

Bilang paalala ay tandaan ang quote na ito mula sa isang magulang at manunulat na si Leo Babauta.

pagiging mabuting ehemplo sa mga bata

Image from Pinterest

 

Source: Washington Post, AsiaOne

Basahin: 10 karaniwang pagkakamali na nagagawa ng mga magulang

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Magulang, tumangay ng lost and found bag sa harap ng anak nila
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko