Madalas na kantyawan ng mga tukso na kapag tumatagal na ang relasyon ang madalang na pagtatalik. Dahil umano ito sa nagkakasawaan na sa isa’t isa o kaya ay nanlalamig na ang pagmamahalan.
Bukod dito ano-ano pa nga kaya ang mga posibleng dahilan at epekto nito sa inyong mag-asawa? Aalamin natin iyan sa artikulong ito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Dahilan ng madalang na pagtatalik sa mag-asawa
- Epekto ng madalang na pagtatalik sa mag-asawa
Normal ang pagkakaroon ng aktibong sex life sa mga bagong mag-asawa. Parte ito ng kanilang relasyon. Kadalasang may spice at puno ng excitement ang mga unang taon ng pagsasama. Dito kasi sabik pa ang isa’t isa sa init ng kanilang pagmamahalan.
Sa paglipas ng panahon, unti-unting nababawasan na ang dami ng beses na nagtatalik ang mag-asawa. Ang ilan sa mga dahilan nito ay ang mga sumusunod:
Dahilan ng madalang na pagtatalik sa mag-asawa
1. Pisikal na mga problema
Ang pagkakaroon ng wide range ng illnessess at diseases ang maaaring maging isang dahilan nang hindi pagtatalik. Maaaring nakararanas ng pagsakit sa ari ang isa kaya nawawalan ng sexual drive.
Isang dahilan din ay ang pagkahapo o pagkakaroon ng pagod na katawan kaya imbes na makipagtalik ay ipinapahinga na lamang. Pwede ring tignan na dahilan ang history ng surgery, nakaaapekto kasi ito sa sexual function ng isang indibidwal.
Mayroong malaking epekto rin ang mga sakit tulad ng arthritis, cancer, diabetes, high blood pressure, coronary artery disease, at neurological diseases. Maging ang mga medications, lalo na ang mga antidepressants.
2. Pagbabago ng hormones
Ang pagbabago ng hormone levels ay may malaking epekto sa sexual drive. Madalas itong nangyayari sa kababaihan.
Sa panahon ng pagmemenopause ng mga babae bumababa ang estrogen levels. Magiging dahilan ito para magkaroon ng dry vaginal tissues na maaaring magresulta sa pagkaranas ng masakit at hindi komportable kung nakikipag-sex. Nakararanas ng lagging libido ang karamihan sa mga babae sa yugto ng buhay nila na ito.
Ang pagbubuntis at breast-feeding ay dahilan din ng hormonal change. Nakapagpababa ng sexual drive ang pagbubuntis at pagpapadede dahil sa pagod at pagbabago ng body image.
3. Psychological na mga problema
Malaking epekto ng pagbaba ng sexual drive kung paano nag-iisip ang tao. Ang mga dahilan katulad ng mental health problems, partikular ang anxiety at depression ay nakakapagwala ng gana makipagtalik.
Maging ang pagtingin sa katawan na hindi kaaya-aya ay maaaring mauwi sa pagbaba ng self-esteem kaya nawawalan na rin ng lakas-loob na harapin ang partner.
Isa sa maaari ring i-consider ay ang history ng physical o sexual abuse at negative sexual experiences. Ito kasi ay mga trauma kaya bumabalik ang mga alaala sa tuwing sila ay makikipagtalik.
4. Problema sa relasyon
Kung hindi na madalas nagtatalik, baka may problema na rin sa inyong relasyon. Maaaring tignan ang factor ng pagkukulang sa koneksyon sa iyong partner.
Hindi na naa-address nang maayos ang parehong sexual needs at preferances. Kinukulang na ang health na communication patungkol sa kung ano ang gusto sa pakikipagtalik.
Pwede ring balikan ang mga unresolved fights or conflicts, lalo kung ito ay tungkol sa trust issues. Bumabagabag kasi ito sa isipan kaya imbes na tumaas ang libido ay nauuwi sa galit.
BASAHIN:
STUDY: Madalang na pagkikipagtalik ng mga babae nakakapagpabilis ng menopause
#TAPMomAsks: Gusto ni mister makipagtalik pero ayaw ko, anong dapat gawin?
Epekto ng madalang na pagtatalik sa mag-asawa
Sa mga nakalistang dahilan kung bakit hindi na nakikipag-sex si misis o mister ay may mga epektong dulot sa isa’t isa. Ito naman ang listahan ng mga maaaring mangyari kung hindi na nga kayo nagtatalik:
1. Stress at anxiety
Makakaramdam ka ng pagkawala ng koneksyon sa relasyon kung hindi na kayo nagtatalik. Kung hindi na nagtatalik, mahihirapan na rin maglabas ang katawan ng hormones tulad ng endorphins at oxyticin na kapwa nakakatulong sa pagpapababa ng stress at pagbuti ng pagtulog.
2. Problema sa memorya
Sa pagtanda ng tao ay bumabagal na ang memorya. Sa ilang mga pag-aaral napag-alaman na ang mga taong nakikipagtalik madalas ay mas mahusay na mag-alala ng mga bagay-bagay. Nakatutulong daw kasi ang sex sa utak upang bumuo ng neurons at upang mag-function nang mas maayos.
3. Problema sa relasyon
Ang regular na pakikipag-sex ay nakatutulong upang mas maging malapit sa iyong partner. Dahil dito, mas magiging maayos ang communication ninyong mag-asawa. Mas nagiging masaya ang mga magkasintahang madalas na nagtatalik kaysa sa hindi.
4. Paghina ng immune system
Nilalabanan ng regular na pakikipagtalik ang ilan sa sakit sa katawan. Sa isang pag-aaral, nakita sa mga college students na nakikipagsex 1 hanggang 2 beses sa isang linggo ay mayroong mataas na immunoglobulin. Ang immunoglobulin ay antibody na may malaking parte sa immune system ng isang tao.