Bakit nga ba dumadating sa punto ng pagsasama na walang gana nang makipagtalik ang babae sa kanilang partner? Ating tinanong din ang TAP moms pagdating sa usaping ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit walang gana makipagtalik ang babae?
- Mga dahilan ng pagbaba ng sex drive
- Opinyon ng TAP moms sa usaping ito
Pero bago ang lahat, ano nga ba ang paliwanag sa pagbaba ng sex drive ng babae?
Bakit walang gana makipagtalik ang babae? | Image from iStock
Bakit walang gana makipagtalik ang babae?
Ang sexual desire ng isang babae ay kadalasang bumababa paglipas ng mga taon. Maraming dahilan kung bakit nagbabago ito katulad ng pagbubuntis, sakit o menopause.
Bukod dito, kung ikaw may kasalukuyang treatment o medication na iniinom para sa mood disorder mo, may epekto rin ito sa iyong sexual desire.
Kung pansin mong malaki na ang epekto ng sexual desire na ito sa inyong pagsasama ni mister, maaaring magpatingin sa eksperto. May ilang tips na maaaring sundin upang manumbalik ang iyong libido.
BASAHIN:
7 dahilan kung bakit nawawalan ng gana makipagtalik ang iyong partner
Mom confession: “Sorry Hubby, wala talaga akong ganang makipagtalik.“
Hubby, ito ang 6 na rason kung bakit hindi mo dapat pinipilit makipagtalik si wifey
Mga dahilan ng pagbaba ng sex drive
Ating isa-isahin ang mga maaaring maging dahilan ng pagbaba ng sex drive ng babae.
1. Pagbubuntis
Sensitibo at mabilis magtrabaho ang hormones ng babae kapag sila ay buntis. Kaya naman pasok ito sa dahilan ng pagbaba ng sex drive ng babae.
Pagod at pag-intindi sa bagong panganak na sanggol ang pangunahing inaalala ng mga nanay sa oras na ito, kasama na ang mga nagpapasusong ina rin. Kaya naman maaaring maging least priority muna nila ang pagkikipagtalik dahil sa responsibilidad na ito.
2. Menopause
Sa panahon ng menopause ng babae, bumabagsak ang estrogen level nila. Ito ang dahilan kung bakit nawawalan ng ganang makipagtalik.
Nakakaramdam ng sakit o hindi komportableng pakiramdam ang babae kapag nakikipagtalik dahil sa pagiging tuyo ng kanilang vaginal tissues.
Bakit walang gana makipagtalik ang babae? | Image from Freepik
3. Mga sakit
Bumababa rin ang sexual desire ng isang babae kapag sila ay may sakit katulad ng cancer, arthritis, diabetes, high blood pressure at iba pa.
4. Medication
Ang mga babaeng nasa ilalim ng medication ay maaaring makaranas din ng pagkawalan ng gana sa pakikipagtalik. Lalo na kung sila ay umiinom ng mga antidepressants.
5. Sexual problems
May mga babaeng nakakaranas ng mismong problema sa ganitong usapin. Nakakaramdam sila ng sakit o hirap sa orgasm kapag nakikipagtalik. Sa kasong ito, kinakailangan nila ng medikal na tulong.
6. Psychological causes
Ang estado ng iyong pag-iisip ay nakakaapekto rin sa iyong sexual desire. Kung ikaw ay may mental health problem katulad ng depression o anxiety, mababang self-esteem, stress, negatibong naging karanasan sa pakikipagtalik, maaaring nararanasan mo ang problema sa pakikipagtalik.
Isa sa sintomas ng pagbaba ng sex drive ay kapag wala kang interes sa anumang sexual activity kasama na ang masturbation.
Bakit walang gana makipagtalik ang babae? | Image from iStock
Gusto ni mister makipagtalik pero ayaw ko, anong dapat gawin?
Sa usaping ito, tinanong namin ang mommy community sa theAsianparent App sa tanong na “Anong gagawin mo kung gustong mag-sex ni mister pero wala kang gana? Paano mo sasabihing ayaw mo?”
Narito ang kanilang sagot:
“Simply say no. Respect is the key.”
“I tell him next time or bukas. Para may ilo-look forward naman siya. ‘Di ‘yong bigong-bigo na talaga.”
“Kapag tumanggi ako, ayaw ko talaga. ‘Di naman siya namimilit.”
“Pagod ako. Wala ako mood. Pass muna, sa susunod na lang. Babawi ako.”
“Straight to the point lang. Sinasabi kong wala sa mood.”
“Ini-exhaust ko muna lahat ng excuses at alibi ko sa mundo, hanggang sa no choice na lang at talo na naman. Kailangan na naman ng acting 101 kunwari feel na feel.”
Bukod dito, may ibang babae na ginaganahan pa rin makipagtalik kapag buntis. Safe naman ang pakikipagtalik kahit buntis, wala itong epekto sa fetus na nasa loob ng tiyan ni mommy. Kaya nga lang, kailangang tandaan ng mag-asawa na hindi magiging madali ito.
Maaaring makaranas ng sakit ang babae sa gitna ng pagtatalik dahil sa sensitibo nitong dibdib. Safe ang pakikipagtalik habang buntis kung parehong komportable ang mag-partner.
Source:
Mayo Clinic, Medical News Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!