Low sex drive sa babae? Narito ang paliwanag ng isang sex psychologist kung bakit nangyayari.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dahilan ng low sex drive sa babae.
- Mga dapat gawin para manumbalik ang gana sa pakikipagtaliSk.
Low sex drive sa mga babae
Ayon sa sex psychologist na si Sheryl Kingsberg, ang kawalan ng gana sa sex ng mga babae ay kombinasyon ng mental at physical factors na hindi basta-basta malulunasan ng pag-inom ng gamot.
Ito ay tinatawag sa medical term na hypoactive sexual desire disorder o HSDD na maaaring maranasan ng kahit sinumang babae. Bagamat ayon sa isang pag-aaral, nasa 1/3 ng mga babaeng edad 18-59 ang naitalang nakakaranas umano ng kondisyon.
“Women’s sexuality tends to be multifaceted and fairly complicated. Although we would love to simplify it so we could have the one-two or even a one-punch treatment, it doesn’t tend to work that way.”
Ito ang pahayag ni Kingsberg ukol sa kondisyon.
Paliwanag niya may 6 na posibleng dahilan kung bakit nawawala ang gana ng isang babae sa pagtatalik. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Dahilan kung bakit nawawala ang gana ng isang babae sa pagtatalik
1. Interpersonal relationship issues
Ang unang dahilan ayon kay Kingsberg ay maaaring dahil sa mga interpersonal relationship issues. Tulad ng hindi satisfied ang babae sa performance ng kaniyang partner sa kama.
Maaaring ito rin ay dahil kulang na ang emotional satisfaction niya sa relasyon. O maaaring dahil rin sa pagod siya sa pag-aalaga ng bagong silang na sanggol at sa paggawa ng mga gawaing-bahay.
2. Sociocultural influences
Business photo created by katemangostar – www.freepik.com
Ang pangalawang dahilan ay maaaring dahil sa stress na nararanasan sa kaniyang trabaho. O kaya naman ay peer pressure at ang negatibong impluwensiya ng mga nakikita niya sa media tungkol sa ideya ng seksuwalidad.
3. Low testosterone.
Ang pagbababa ng level ng testosterone sa katawan ng isang babae ay isa ring dahilan kung bakit nawawala ang gana niya sa pagtatalik.
Ayon sa mga pag-aaral, ang testosterone level ng isang babae ay tuluyan ng bumababa sa pinakamababang level nito sa oras na siya ay mag-menopause na.
4. Medical problems
Kung nakakaranas ng mental illness tulad ng depression, ito ay maaaring magdulot din ng low sex drive sa babae. Ganoon din ang iba pang sakit tulad ng endometriosis, fibroids, at thyroid disorders.
5. Medications
Ang kawalan ng gana sa pakikipagtalik ay maaaring negatibong epekto rin ng pag-inom ng gamot. Tulad na lang ng mga antidepressants, blood pressure-lowering drugs, at oral contraceptives. Dahil sa ang mga ito ay nakakaapekto ng testosterone level ng katawan.
6. Age
Siyempre, dahil sa bumababa ang blood levels ng androgen sa katawan, ay unti-unti ring nawawala ang gana ng isang babae sa pagtatalik habang siya ay tumatanda.
BASAHIN:
STUDY: Gusto ng mas maraming sexy time? Ito ang dapat gawin ni mister
7 sex positions na makakapagpaligaya kay misis
STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon
Paano muling maibabalik ang gana ng isang babae sa pakikipagtalik?
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Ayon pa rin kay Kingsberg, mahalaga na maintindihan ng mga lalaki na ang pagkawala ng sexual desire ng mga babae ay hindi basta-basta lang malulunasan.
Ang pinakamahalagang dapat gawin ay maibalik ang intimacy at satisfaction sa pagitan ng mag-asawa o magka-partner upang ito ay magsimula.
Ang tinatawag na sexual satisfaction ay hindi umano nasusukat sa dalas o frequency ng pagtatalik ng mag-partner. Ito ay sa willingness nilang pareho na gawin ito.
Pahayag ni Kingsberg,
“Above and beyond horniness, it is the sense of intimacy in the relationship. If you are mad at your spouse, you could be horny but you’re not going want to be sexual with that particular person.”
Paano muling pataasin ang low sex drive ng babae? Malaki ang maitutulong ng komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa.
Kung ito ay dulot ng interpersonal relationship issues sa pagitan ninyong dalawa ay pag-usapan ito. Alamin ang mga paraan o tips na maaaring gawin tulad ng pagbabago ng posisyon para manumbalik ang gana niya sa kama.
Para naman magkaroon siya ng oras na makapag-pahinga ay tulungan siya sa gawaing-bahay at pag-aalaga sa inyong anak. Gumawa pa rin ng ibang efforts para i-relax at pagpahingain ang utak niya mula sa stress na nararanasan niya sa trabaho man o sa loob ng bahay.
Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa kaniyang sarili o paggawa ng mga bagay na nais niyan gawin,
Treatments para sa mga babaeng may low sex drive
Kung ang kawalan naman ng gana sa pakikipatalik ng isang babae ay dahil sa medical condition na kanyang nararanasan, may payo naman ang doktor na si Jan Shifren kung paano ito malulunasan. Ito ay sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Woman photo created by master1305 – www.freepik.com
- Pagsailalim sa sex therapy at relationship counseling ng magka-partner para ma-discuss ang kanilang problema sa isang mental health professional. Upang matukoy kung ano ang pinakamagandang gawin para masolusyonan ang kanilang problema.
- Kung dahil sa iniinom na gamot kaya nawawalan ng gana sa pakikipagtalik ang isang babae ay mabuting palitan ang kaniyang medikasyon. O kaya naman ay bawasan ang dose nito.
- Para malunasan ang iba pang sakit na nararanasan na nakakaapekto sa sex drive ng isang babae ay dapat sumailalim siya sa surgical treatment kung kinakailangan. Halimbawa nito ay ang pagtatanggal ng masakit ng fibroids sa loob ng kaniyang ari.
- Makakatulong naman ang paggamit ng vaginal estrogen creams para ma-solusyonan ang vaginal dryness sa mga postmenopausal na mga babae.
- Para manumbalik naman sa normal na level ang testosterone ng babae sa katawan ay maari siyang sumailalim sa testosterone therapy.
Sa kabuuan, pagdating sa usapin ng sex sa pagitan ng mag-asawa mabuting isaisip na mahalaga ang suporta nila sa isa’t isa. Ganoon rin ang pagsasagawa nito na pareho dapat nilang gusto. Para ito ay pareho ring maging pleasurable o satisfying hindi lang sa kanilang sexual desire, kung hindi para narin sa kanilang relasyon.
Source:
WebMD
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!