Isang bagong suspek ang iniimbestigahan sa pagkawala ni Madeleine McCann, 12 taon na ang nakakaraan. Ayon sa mga imbestigador, ang suspek ay isang German na kilalang mamamatay tao at nang momolestya ng bata. Ang bagong kaalaman na ito ay nagmula sa isang tip na nakuha sa Scotland Yard.
12 years na mula nang mawala si Madeleine McCann na huling nakita na natutulog lamang sa kaniyang kama.
Pagkawala ni Madeleine McCann
Noong Mayo 2007, si Madeleine McCann, 3 years old, ay nagbabakasyon kasama ang pamilya at ilang kaibigan sa Portugal. Sila ay nag-stay sa isang vacation home sa Praia da Luz, isang resort sa rehiyon ng Algarve.
Matapos patulugin ang kanilang mga anak, nagdesisyon ang mag-asawang Kate at Gerry McCann na mag-dinner kasama ang kanilang mga kaibigan sa restaurant ng resort, ilang metro lang ang layo mula sa kanilang tinutuluyang unit.
Upang masiguro na safe ang mga anak, minabuti ng mag-asawa na mag-take turns sa pag-check sa mga ito maya’t maya. Ito rin ang ginawa ng kanilang mga kaibigan na may mga dala ring mga anak.
Bandang 10:00 nang gabi, bumalik si Kate sa kanilang unit upang tignan ang kalagayan ng mga bata. Laking gulat nito nang nalamang wala si Madeleine sa kanyang kama.
Naglunsad ng malawakang paghahanap para kay Madeleine McCann, isang British national. Ayon sa mga saksi, apat na lalaki ang nakitang kahina-hinala ang kinikilos.
Hanggang ngayon, 12 years later, hindi parin nahahanap si Madeleine.
Nag-spark ng panibagong interes ang publiko sa misteryosong kaso na ito nang maglabas ang Netflix ng documentary series na The Disappearance of Madeleine McCann.
Magulang ni Madeleine McCann na si Kate at Gerry. Photo: Daily Mail
Martin Ney, ang bagong suspek sa pagkawala ni Madeleine McCann
Isang kilalang nangmomolestya ng bata at mamamatay tao ang 48 taong gulang na si Martin Ney. Siya ay nakulong nuong 2012 sa salang pagdakip at pagpatay sa tatlong mga batang lalaki. Kasama sa mga krimen ni Martin Ney ang pang-aabuso sa ilan pang mga bata.
Si Martin Ney ay killer na kinikilala bilang “masked man” ay kilabot sa Algarve at Portugal nuong 1990s. Natagpuan sa mga mensahe niya sa chatrooms na siya ay nagtago sa panggalang GerdX.
Siya raw ay nagsusuot ng camouflage at nagtatago sa mga halaman para tumalon ng mga batang lalaki. Siya rin ay nagsuot ng mga maskara at balaclava. Nai-kwento rin nito ang pagsagot niya nang ‘oo’ nang tanungin siya ng isang bata kung siya ang ama nito.
Si Martin Ney ay nakulong sa mga 8 at 9 na taong gulang na sila Stefan Jahr at Dennis Rostel. Ang alam na mga naging biktima niya ay mga lalaki. Ngunit, ayon sa mga eksperto, ang kasarian ay hindi importante sa mga pidopilya.
Nuong 2017, umamin si Martin Ney sa kanyang cellmate sa pagpatay kay Jonathan Coulom. Sa kanyang kwento, kanyang dinakip at pinatay ang bata sa Saint-Brevin-les-Pins nuong 2004.
Siya rin ay naimbestigahan sa pagkawala ng isang German na bata sa Aljezur Portugal. Ang pag-iimbestiga sa pagkawala ni Renee Hasse ay ginawa nuong 1996 ngunit hindi nakasuhan si Martin Ney para dito.
Dati nang na-kwestyon si Martin Ney sa pagkawala ni Madeleine ngunit itinanggi ito ng suspek.
Suspek na si Martin Ney. Photo: Daily Mail
Ang mga magulang ni Madeleine McCann
Si Kate at Gerry McCann, ang mga magulang ni Madelein ay patuloy na nag-aantay ng pagbabago sa imbestigasyon. Hindi nila magawang magbigay ng impormasyon sa media dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Dati nang nagkomento si Kate McCann na nais lamang nilang magkabalita sa kalagayan ng anak. Ang hindi pagkakaroon ng impormasyon kung ito ay buhay o patay ay lubos na mahirap para sa kaniyang kalooban. Gusto nilang mabawi ang anak ngunit gusto rin nila ng sagot.
Idinidiin ni Kate McCann na hindi ibig sabihin nito ay nila minamaliit ang posibilidad na mabalitaan na patay na ang anak.
Source: Daily Mail
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!