Kung mahilig ka sa kultura ng South Korea, fan ng K-pop at K-drama, o sadyang hilig mag-travel, siguradong ninais mo nang pumunta sa South Korea. Subalit, hindi lahat ay pinapalad makapunta dito dahil sa gastusin at lalo na dahil kailangan ng visa. Buti nalang, naglabas ng anunsyo ang Embassy of the Republic of Korea in the Republic of the Philippines. Alamin ang mga paraan para makapunta sa South Korea visa-free 2020.
3 Paraan para makapunta sa South Korea visa-free 2020
Mga turistang papunta sa ibang bansa
Ang mga turista na papunta sa iba pang bansa ay maaaring pumunta ng South Korea bago pumunta sa bansa kung saan sila may visa o pasaporte. Maaari rin silang pumunta sa South Korea kapag pabalik sa bansa ng kanilang pasaporte kapag galing naman sa iba pang bansa. Ang mga pinapayagan magpunta sa South Korea kahit walang visa ay ang mga sumusunod:
- May pasaporte ng United States, Canada, Australia, o New Zealand.
- May visa o permanent residency mula sa 30 bansa sa Europa:
- Greece
- Netherlands
- Norway
- Denmark
- Germany
- Latvia
- Romania
- Luxemburg
- Lithuania
- Liechtenstein
- Malta
- Belgium
- Sweden
- Switzerland
- Spain
- Slovakia
- Slovenia
- Iceland
- Ireland
- Estonia
- United Kingdom
- Austria
- Italy
- Czech
- Cyprus
- Portugal
- Poland
- France
- Finland
- Hungary
Mga dapat tandaan
- Ang mga may US visa na mula Saipan ay pinapayagan kapag papunta ng US. Subalit, hindi pinapayagan kapag mula US at papunta ng Saipan.
- Ang mga grupo ng mga turistang Chinese na may visa para pumunta ng Japan sa pamamagitan ng ilang mga travel agency.
- Pinapayagan ang mga may e-visa papuntang Australia na may visa label ang pasaporte. Subalit, kung walang visa label ang pasaporte, maaari lamang pumunta ng South Korea kapag galing sa Australia.
Mga kondisyon
- Walang criminal record ng overstay sa ano mang mga bansang na nabanggit at mayroon nang ticket paalis ng South Korea sa loob ng 30 araw mula paglapag sa bansa.
- Dapat ay hindi pa na deny ang pagpasok sa South Korea, napagbayad ng 5 milyong KRW, sadyang pina-alis ng South Korea, o nakatanggap ng deportation order 3 taon bago ang pagdating sa South Korea.
- Hindi lalagpas nang 3 araw ang itatagal sa South Korea.
- Dapat ay may visa sticker ang pasaporte kapag may e-visa para sa US, Canada, Australia, o New Zealand. Kapag walang visa sticker, papayagan lamang kung ang flight ay galing sa mga nabanggit na bansa.
Transfer passengers
Ang South Korea ay mayroong Transit Tourism Program. Kapag lalahok dito, binibigyan ng pahintulot ang mga naglalakbay na pumasok ng South Korea kung sila ay mayroong transfer flight na isasagawa sa Incheon Airport.
Ganunpaman, kinakailangan hindi pinapayagang lumahok dito ang mga residente ng mga sumusunod na bansa:
- Syria
- Sudan
- Iran
- Macedonia
- Cuba
- Republic Of Kosovo
- Palestine
- Afghanistan
- Iraq
- Nigeria
- Ghana
- Yemen
- Gambia
- Senegal
- Bangladesh
- Kyrgyzstan
- Pakistan
- Somalia
- Uzbekistan
- Nepal
- Cameron
- Sri Lanka
- Myanmar
- Egypt
Mga Dapat Tandaan
Ang mga transfer tourists ay pinapayagan lamang na tumagal sa South Korea nang hanggang 72 oras o 3 araw.
Visa-free entry sa Jeju Island
Ang pagpasok sa Jeju Island ay hindi kinakailangan ng visa. Ganunpaman, kinakailangan ng visa ang mga residente ng mga sumusunod na bansa:
- Syria
- Sudan
- Iran
- Macedonia
- Cuba
- Republic Of Kosovo
- Palestine
- Afghanistan
- Iraq
- Nigeria
- Ghana
- Yemen
- Gambia
- Senegal
- Bangladesh
- Kyrgyzstan
- Pakistan
- Somalia
- Uzbekistan
- Nepal
- Cameron
- Sri Lanka
- Myanmar
- Egypt
Mga dapat tandaan
Kapag walang visa sa South Korea ay maaari parin magpunta sa Jeju Island lamang. Ganunpaman, para makapunta dito ay kailangang pumasok sa pamamagitan ng direct flight o barko papunta sa isla.
Ang mga maglalakbay papuntang Jeju Island lamang ay maaari lamang magtagal nang hanggang 30 araw!
Source: Overseas MOFA
Basahin: Passport ni baby: Ano ang mga kailangan para i-apply siya