Sa palagay ng marami, mas sexy ang pagtatalik na spontaneous o hindi pinagplaplanuhan. Ngunit ayon sa isang bagong pananaliksik na inilathala sa Journal of Sex Research, ang mga masusi na tao ay mas magaling sa sex, at mas masaya sa kanilang sex life.
Mas magaling sa sex ang mga masusing partner!
Ngunit ano ba ang mga katangian ng isang masusi na partner? Ayon sa mga tagapagpananaliksik, ang mga taong masusi ay episyente, organisado, matimpiin, naaasahan, at kadalasang nakatuon sa resulta. Hindi sila masyadong spontaneous—mas gusto nila na pinagplaplanuhan ang mga gawain.
Ibig sabihin, ang mga taong nasisiyahan sa kanilang sex life nila ay marahil mas naka-planado na pagtatalik.
Pagkatapos ng pagtatanong sa halos 1,000 na magkasintahan at mag-asawa tungkol sa kanilang mga sex life, natugunan nga mga tagapagpananaliksik na ang mga conscientious (maingat at masusi) na tao ay ang pinaka-masaya sa kanilang sex life. Mas madalang ang kanilang mga problemang sekswal.
At ang mga partner ng mga masusing lalaki ay kadalasa’y mas nasisiyahan sa kanilang sex life.
“Maaaring mas nararamdaman ng mga masusing lalaki na kailangan nilang pasiyahin ang kanilang partner sa pagtatalik,” sabi ng mga tagapagpanaliksik.
Ang mga masusing partner ay mas nagsusumikap sa pagtatalik. Sa mga pang-matagalang relasyon, inuuna nila ang pangangailangan ng partner nila para malutasan ang mga problemang sekswal. Hindi nila iniiwasan ang isyu o naghahanap ng puwedeng sisihin.
Kaya sa mga magkalaguyo na organisado at maingat, hindi malaking bagay ang pagtanda o pagtagal ng relasyon.
Ayon sa mgatagapagpananaliksik, wala masyadong kinalaman ang edad sa kakayahang at kasiyahang sekswal. “Ang kakayahang sekswal (at ang kasiyahang sekswal) ay hindi humihina sa pagtanda o sa pagtagal ng mga relasyon. Sa mga mas matandang mag-asawa na tinanong namin, marami pa ring sexually active at masaya sa kanilang sex life.”
Ang maayos na komunikasyon ay ang susi para sa magandang sex life. Ikabubuti sa inyong relasyon ang masinsinang pag-uusap tungkol sa mga gusto ninyo sa pagtatalik—na walang pagse-sensor at panghuhusga.
Para malaman kung paano mo puwedeng kausapin ang partner mo tungkol sa sex, basahin ang artikulong ito: How to talk to your husband about sex
Sources: The Journal of Sex Research