Bilang mga magulang, ang gusto lang natin ay kung ano ang makabubuti para sa ating mga anak. Kabilang na rito ang mabigyan sila ng maayos na edukasyon. Maraming mga magulang ang nagnanais na pag-aralin ang kanilang mga anak sa magagandang paaralan upang magkaroon ng makalidad na edukasyon. Ito ang mga rason kung bakit mahalaga ang magandang educational plan para sa iyong anak.
Halaga ng educational plan
Karaniwan sa mga pamilyang Pilipino, malaking bahagi ng budget ng pamilya ay nakalaan sa edukasyon o sa pagpapaaral ng mga anak. Naniniwala kasi ang maraming Pinoy na ang edukasyon ang susi sa tagumpay. Dahil bahagi na ito ng ating kultura, kaya isa sa mga priorities natin ay ang mapag-aral ang mga anak, kahit pa magastos ang pag-aaral. Bukod kasi sa pera at mga ari-arian, ang edukasyon ay isa ring uri ng investment.
Kamakailan lamang, sinabi ng Commission on Higher Education (CHED) na pinapayagan nila ang ilang mga eskwelahan na magtaas ng tuition fee at iba pang school expenses. Dagdag pa rito, nag-anunsyo rin ang nasa 56 private schools sa bansa na magtataas sila ng school fees. Dahil sa mga pagtataas na ito sa bayarin ng mga estudyante, obligado rin ang mga magulang na mag-impok ng mas malaking pera para sa kinabukasan ng anak.
Ano ba ang educational plan?
Ang educational plan ay ang savings, insurance, at investment plan na makatutulong sa mga magulang na mag-save ng funds para sa college education ng kanilang anak. Pwedeng monthly, quarterly, o yearly basis ang pagbabayad sa plan. Ang pera na i-invest mo sa educational plan ay gagamitin ng kompanya bilang investment.
Maglalaan sila ng pera para sa educational funds ng iyong anak. Ibig sabihin, ang educational plan ay nagbibigay ng chance para sa satisfactory returns. Ito ay tumutukoy sa secured financial stability para sa educational expenses ng bata.
Madalas nating maririnig sa mga financial advisors na mas maaga tayong mag-invest ay mas mabuti. Totoo naman ito. Pagkasilang pa lang sa iyong anak, pwede mo na silang bigyan ng educational plan.
Sa educational plan, palaging mas maliit ang kailangang ihulog para sa mga younger beneficiary. Mas mataas naman para sa mga teenager at young adult. Kung mas maaga kang nag-invest para sa educational plan, mas malaki ang tiyansa na makakuha ka ng mas mataas na interest.
5 magandang educational plan sa Pilipinas
Ngayon, kung kumbinsido ka na sa halaga ng educational plan para sa future ng iyong anak, at naghahanap ka ng magandang educational plan dito sa Pilipinas, sagot ka namin! Narito ang lima sa pinaka magandang educational plan sa Pilipinas mula sa iba’t ibang insurance providers sa bansa.
Educational plan Sun Life
Ang Sun FlexiLink ay nag-aalok ng kakayahang makatulong sa iyo na makalikha ng pondo para sa edukasyon ng iyong anak sa hinaharap. Ito ay sa pamamagitan ng investment-linked life insurance plan na abot-kaya.
Pwede kang magsimula sa maliit na halaga, pero ang maganda sa educational plan na ito, pwede mong i-boost o taasan ang iyong plan kapag kaya mon ang mag-invest nang mas malaking halaga. Ano mang oras ay mayroon kang financial freedom na i-increase ang value ng iyong educational fund. Ito ay sa pamamagitan ng ka nilang top-ups o excess payments bukod pa sa iyong regular premium.
Bakit magandang educational plan ang Sun FlexiLink:
- All-in-one educational plan ito, may kasama nang life investment at fund-building para sa mga pangangailangan sa hinaharap.
- Pwede ang partial fund withdrawal in case na magkaroon ng emergency
- Bukas ano mang oras para sa top-ups upang madagdagan ang value ng iyong fund
- May loyalty bonus na maaaring makuha kung ang policy niyo ay tuloy-tuloy na active sa loob ng 10 taon.
Philam Life educational plan
Nagpalit man ng pangalan pero nananatiling isa sa mga nagbibigay ng magandang educational plan para sa iyong anak. Ang Philam Life/AIA Philippines educational plan Future Scholar, ay isang investment at life insurance plan na abot-kaya. Nagbibigay ang education plan na ito ng garantisadong education benefits at long-term growth potential, sa annual payment lamang na Php 20,000.
Ano ang maganda sa educational plan na ito?
- Mababa lang ang annual payment na nagkakahalaga ng Php20,000
- Tiyak na education benefits para sa iyong anak. Na mayroong eight semi-annual guaranteed cash payouts para sa apat na taong kurso simula sa edad na 18.
- Maaaring bayaran ang education fund ng iyong anak sa loob lamang ng 5 taon o hanggang siya ay mag-17 years old.
- Magpapatuloy ang educational plan in case na magkaroon ng emergency o mamatay ang nagbabayad.
AXA educational plan
Sa pamamagitan ng kanilang professionally managed na AcademiX, ang AXA educational plan ay tumutulong sa iyong anak na maabot ang kanilang pangarap at full potential sa pamamagitan ng iba’t ibang series ng investments.
Ang gusto naming sa AXA educational plan:
- Maaari itong bayaran sa loob ng 5 taon
- Ang coverage ng life insurance ay katulad din ng overall amount ng pera sa iyong policy o kaya naman ay five times ng iyong yearly premium (depende sa kung ano ang mas mataas)
- Mayroong annual education payout
- Bibigyan ka ng freedom na pumili kung magkano ang investment risk o bayad na kaya mo.
- Sakaling magkaroon ng emergency o pumanaw ang nagbabayad, makatatanggap ang iyong anak ng pre-determined guaranteed payouts taun-taon para ma-cover ang mga bayarin sa school o university hanggang sa makatapos sila ng kolehiyo.
- Mayroong loyalty bonuses na makukuha sa 10th at 20th
Manulife educational plan
Mayroong educational plan ang Manulife Philippines na tinatawag na Manulife Education Builder. Nakikita kasi ng Manulife ang pangangailangan na mabigyan ng mga magulang ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak. Tumutulong sila na ma-cover ng insurance ang lahat ng college needs ng iyong anak, ano man ang mangyari.
Ang maganda sa educational plan na ito:
- Maaaring mag-save para sa educational preferences ng iyong anak. Ito man ay apat na taon o limang taong kurso sa kolehiyo.
- Mayroong flexible customer service. Pinapayagan nilang magbayad ang mga payor sa preferred paying period at payment modes.
- May additional protection sa iyong investment in case of death or disability ng payor sa pamamagitan ng Manulife’s Investment Funds.
- Makatatanggap ng premium waiver o cash support ang iyong anak hanggang sa siya ay mag 17 years old sakaling may mangyari sa iyo.
PRULink educational plan
Kagaya ng ibang nabanggit, ang PRULink Elite Protector Series ay investment-linked life insurance plan na may mataas na potential para sa wealth increase at extreme protection. Hindi lang ito para sa educational needs ng iyong anak, kundi pati na rin sa life insurance nila.
Kung mayroon kang medium to long-term financial goals bukod sa masiguro na magkaroon ng quality educational ang iyong anak, tulad na lamang ng pagbili ng mga property, magkaroon ng health insurance, o magkaroon ng retirement funds, para sa iyo ito.
Anong ang maganda sa plan na ito:
- Nakadepende sa iyo kung ano ang payment term na kukunin mo –pwedeng 5, 7, 10, o 15 years sa Php o USD.
- Long coverage duration na maaaring tumagal ng 100 years
- Pwede sa mga applicants nae dad 7 days hanggang 70 years old
- Maproprotektahan ka laban sa aksidente, kamatayan, disability, critical illness, at hospital expenses.
- May loyalty bonus sa 11th hanggang 15th year anniversary.
Qualities ng educational plan providers
Track record
Dapat tayong magsagawa ng research bago tayo mag-invest ng ating pera sa ano mang life insurance provider. Sa dinami-rami ng mga investment companies, makabubuting magsagawa muna ng background check kung gaano na katagal ang business na ito at pati na rin ang reviews ng mga payor at investors.
Product at service variety
Kailangan natin ng one-stop shop para sa ating mga investment. Kaya naman, magandang tingnan ang iba’t ibang serbisyo na mayroon ang educational plan provider. Tingnan ang mga inaalok nilang packages, life insurance, car insurance, health insurance, travel insurance, at property insurance.
Lifestyle match
Hindi lahat ng educational plans ay akma sa financial situations ng bawat pamilya. Makabubuting pagkomparahin ang presyo ng mga educational plans. Alamin kung ano ang abot-kaya, tolerable, at angkop sa financial status ng iyong pamilya.
Topnotch customer service
Dapat na accessible ang mga insurance company, on-site man o online. Kailangang mayroong good communication skills, good manners, and right conduct ang mga ahente tuwing nakikipag-usap sa kliyente.
Kumuha na ng educational plan ngayon!
Dito sa ating bansa, maraming pagpipilian ang mga magulang pagdating sa paghahanda para sa kinabukasan ng mga bata. Partikular na sa kanilang pag-aaral sa university o kolehiyo. Ang edukasyon ang susi sa tagumpay, kaya makabubuting magkaroon ng educational plan para sa iyong anak.
Nakapagbibigay man ng ligaya ang pera sa pamilya, ang savings at investment para sa edukasyon ng iyong anak ay tiyak namang magbibigay ng mas malaking ngiti sa pamilya.
Kung nais basahin ang English version ng artikulong ito, maaaring sundan ang link na ito: Educational Plan for Your Child: What is it and where to get them?