101 na kakaiba at magandang pangalan ng babae

Looking to give your baby girl a gorgeous name? We've got you covered!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naghahanap ng magandang pangalan para sa baby girl mo? Narito ang 101 pinakakakaiba at magandang pangalan ng babae mula sa iba’t ibang bansa.

Ang pagbibigay ng pangalan sa ating anak ay isa sa mga mahahalagang bahagi ng pagiging magulang. Kung ano mang pangalan ang pipiliin natin para sa kanila, dadalhin na nila ito habang-buhay.

Kaya gusto naman natin na ang pangalan na mapipili natin ay maganda sa pandinig at may magandang kahulugan na naglalarawan kung kahalaga sa atin ang ating mga anak.

“Ang ilang magulang ay nais magbigay pugay ang kanilang lahi — makikita ito sa mga pamilya na may iba’t ibang lahi, lalo na kung ang baby ay may apelyido mula sa isang lahi at gusto nilang irespeto ang kabilang lahi gamit ang first name,” ayon kay Laura Wattenberg ng Baby Name Wizard. “O gusto lang nila magpakita ng pride sa kanilang kultura.”

Ngunit sinabi rin ni Wattenberg na may mga gumagamit ng pangalan na walang kinalaman sa isang kultura kung saan nakuha ang pangalan.

“Ito ang pagkahalo-halo ng kultura sa pangalan,” paliwanag niya. Halimbawa, “hindi tayo nakakakilala ng Sean na agad iniisip ay mula siya sa Ireland. Ang mga pangalan na sikat sa ibang bansa ay nagbibigay ng bagong ideya na may pinagmulan parin.”

Ano ang ipinapangalan ng mga magulang sa ibang bansa sa kanilang mga baby? Buti nalang, sinusundan ni Wattenberg at kanyang grupo ang stats sa iba’t ibang bansa.

Nangalap kami ng 101 pangalang pambabae para sa aming listahan — sinubukan naming isama ang mga pangalan mula sa iba’t ibang mga bansa.

Ipinaliwanag ni Wattenberg na hindi lahat ng bansa ay ginagawang public ang kanilang opisyal na baby name, kaya hindi lahat ng bansa ay kasama rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sana makatulong ang listahan na ito sa mga magulang na magkakaroon ng baby girl.

101 kakaiba at magandang pangalan ng babae

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Unahin muna natin ang 50 sa pinakamagagandang pangalan ng mga babae mula sa website na CafeMom.

Camille

Isang bersyon ng Camilla. “Puro” o “karakter na walang bahid.” Karaniwan sa Quebec at mga bansa na nagsasalita ng French tulad ng Belgium, Switzerland, at (siyempre) France.

Farah

“Ligaya” sa Arabic. Perpektong pangalan para sa masayang baby. Kasalukuyang #12 na baby girl na pangalan sa Jordan.

Aurora

Latin para sa “madaling araw.” Ang pangalang Aurora ay nakakapagpa-imagine ng ganda ng aurora borealis. Ang celestial na pangalan ay sikat sa Norway at iba pang bansa sa Europa.

Mei

Ang Mei ay maikli at sobrang sweet. Isa ito sa top 10 na baby names sa Japan, kung saan nangangahulugan ito na “bud” o “sprout.” Sa Chinese, nangangahulugan ito na “maganda.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tess

Ang Tess ay dating kinilala na nickname para sa Theresa — na nangangahulugang “taga-ani.” Subalit dahil sa pagsikat nito, ginagamit narin ito bilang first name. Sikat ang pangalan na ito sa Netherlands.

Lesedi

#8 na pangalan ng baby girl sa South Africa. Nangangahulugan ito ng “liwanag” sa Tswana.

Amaia

Hindi kadalasang alternatibo ng Maya. Nangangahulugan na “ang katapusan” sa Basque, at kilala ito sa Puerto Rico.

Freya

Si Freya ang diyos ng fertility sa Norse mythology. Ito ay kasalukuyang #14 sa Wales at karaniwan sa buong UK.

Catalina

Ang Catalina ay Spanish na bersyon ng Catherine, na nangangahulugang “puro” o “malinis.” Sikat ito sa Argentina at Chile.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aoife

Ang mga Irish na pangalan ay mahirap bigkasin. Sa pangalan na ito — binibigkas bilang EE-fa — sabihin lamang para itong Eva ngunit gamit ay F. Nangangahulugan ito ng “ganda” sa Gaelic at dating moniker ng legendary warrior princess. Magandang choice para sa amin!

Nina

Kasalukuyang #2 na pinakasikat na pangalan sa Slovakia. Ang Nina ang Russian na nickname ng Anne at Antonia. Ginagamit din ito sa iba’t ibang mga lengwahe.

Aisha

Nangangahuluguan ng “buhay” sa Arabic. Isa a pinaka-sikat na pangalan ng baby girl sa Kazakhstan.

Tamar

Kasalukuyang #1 na baby girl na pangalan sa Israel. “Palm tree” sa Hebrew.

Isidora

Para sa mga gusto ang pangalan na Isabel ngunit naghahanap ng hindi karaniwang bersyon. Sikat ito sa Chile. Pinaghalo itong pangalan ng Egyptian goddess ng fertility (Isis) at ng Greek na salita para sa “regalo.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ramona

Pamababaeng bersyon ng Ramone, na nangangahulugang “wise protection.” Sikat na pangalan ng babae sa Paraguay.

Sienna

Ang Sienna ay brownish orange-red na kulay at uri ngclay na may ganitong kulay din. Sikat na pangalan ng baby girl sa iba’t ibang rehiyon ng Australia.

Tui

Binibigkas bilang Twee. Magandang pangalan ng baby girl na sikat sa New Zealand. Mula sa salitang Maori para sa uri ng ibon.

Zahra

Nangangahulugang “matalino,” kasalukuyang #1 na pangalan ng baby girl sa Azerbaijan.

Seo-Yeon

Tila swerte para sa mga magulang na pinangalan ito sa kanilang anak. Ang Seo ay nangangahulugan ng “swerte” habang ang Yeon naman ay “maganda.” Sa Korea, pangalawa lamang ito mula sa halos katulad na Seo-Yun — Yun na ngangangahulugan ng “malambot” at “makinis.”

Astrid

Larawan mula sa iStock

Karaniwang pangalan para sa mga babae sa Sweden at Denmark. Ang Astrid ay nangangahulugan na “diyos” at “maganda” o “patas.”

Venla

Hindi pangkaraniwang pangalan ngunit tunog pamilyar at madaling ibigkas. Pambabaeng bersyon ng Wendel na nangangahulugang Vandal, pangalan ng 5th century na Germanic tribe. Karaniwan sa mga baby girl ng Finland.

Yuna

Magandang pangalan na madaling ibigkas. #3 sa mga pangalan ng babae sa Japan, at minsang ginagamit sa ibang lengwahe tulad ng Chinese, Brazilian Portugese, at Korean.

Valentina

Romantikong pangalan! Sinong hindi makakapag-isip ng Valentine’s Day kapag naririnig ang Valentina? #2 sa mga baby girl sa Mexico at sikat sa iba pang Spanish speaking na bansa.

Ines

French na bersyon ng Inés o Agnes. Kasalukuyang isa sa top 10 na pangalan ng baby girl sa France. Maganda para sa mga magulang na gusto ang tunog ng mga French na pangalan ngunit gusto ng hindi karaniwang naririnig (tulad ng Chloe, Eva, Sofia, etc.).

Defne

Sikat sa Turkey at nangangahulugang “bay leaf” o “laurel.”

Luciana

#2 na pangalan ng babae sa Colombia. Ginagamit din sa mga Italian, Portugese, at iba pang Spanish-speaking na bansa.

Julieta

Sikat na pangalan ng babaw sa Uruguay. Isa pang uri ng Julie o Juliet. Mapapa-isip ang makakarinig sa romantikong play ni Shakespeare.

Noemi

Spanish na bersyon ng Naomi, Hebrew para sa “saya ko.” Kasalukuyan itong sikat sa Italy at iba pang European at South American na bansa.

Tia

Minsan ay pina-ikling bersyon ng Letitia na nangangahulugang “kasiyahan.” Ngunit, ginagamit sa iba’t ibang lengwahe at may iba’t ibang kahulugan. Madalas ginagamit sa New Zealand kung saan si Tia ay dating Maori explorer at chief.

Mariana

Minsang ginagamit bilang kombinasyon ng Maria at Ana. Subalit, nagsimula ito bilang pambabaeng bersyon ng Marianus. Nangangahulugan ng “Mars” — ang Roman na diyos ng digmaan. Sikat na pangalan ng babae sa Portugal.

Daniela

Nagmula sa Daniel, nangangahulugang “Ang Diyos ang huhusga sa akin.” Nangungunang sa mga pangalan ng babae sa Spain.

Matilda

Sikat na pangalan ng babae sa iba’t ibang rehiyon ng Australia at Tasmania. Ginagamit sa maraming mga bansa sa buong mundo. Nangangahulugan na “malakas sa digmaan.”

Marija

Tahimik ang J sa Slovene na bersyon ng Maria/Mary. #1 na pangalan ng babae sa Bulgaria at kadalasang ginagamit sa Croatia.

Luisa

Mula sa pangalan na Louis nanangangahulugang “sikat sa gyera.” Kadalasang matatagpuan sa Germany at iba pang bansa sa Europa.

Ana

Simpleng pangalan na nangangahulugang “mapagbiyaya” o “maawain.” Nangunguna sa mga pangalan ng babaw sa Austria. Karaniwan ding ginagamit sa Spain, Portugal, Switzerland, Serbia, at iba pang mga bansa.

Nora

Maikling bersyon ng Honora (“karangalan”) o Eleanor (“Liwanag”). Ginagamit sa maraming lengwahe kabilang ang Dutch, English, German, Irish, Italian, Norwegian, at Swedish. Kasalukuyang isa sa pinakasikat sa Hungary at mga bansa sa Europa.

Sóley

Cute na pangalan mula Iceland. Salita nila para sa buttercup o dilaw na wildflower.

Isla

Mula sa pangalan ng isang Scottish na isla. #4 sa mga baby girl na pangalan sa Scotland at England.

Yasmine

Mula sa Arabic na pangalan para sa mabangong jasmine na halaman. Ginagamit ang Yasmine sa Belgium, France, at Quebec.

Adele

Mula sa Adelaide na nangangahulugang, “maharlika.” Nasa top 10 na pangalan sa France.

Liliana

Ayon sa Baby Name Wizard ay nangangahulugan ng “Lily.” Sikat na pangalan sa Poland, at ginagamit din sa Hungary at Portugal.

Mila

Isa sa mga sikat na pangalan sa Switzerland, nangangahulugang “mabait.” Karaniwang pangalan sa maraming mga bansa.

Tereza

Ikalawang pinakasikat na pangalan ng babae sa Czech Republic. Isa ring bersyon ng Theresa na nangangahulugang “taga-ani.”

Alise

Nangangahulugang Alice sa Latvia kung saan #3 ito sa mga sikat na pangalan ng babae.

Bianca Maria

Ang Bianca ay “puti,” at ang Maria ay “Mary.” Pag pinagsama ay magandang pangalan na karaniwang ginagamit sa mga baby girl sa Romania.

Polina

Pambabaeng bersyon ng Paul na nangangahulugang “maliit.” #3 na pangalan sa Belarus.

Larawan mula sa iStock

Katarina

Pinakasikat na pangalan para sa mga babae sa Serbia, at kilala rin sa US. Isang bersyon ng Katherine, nangangahulugang “malinis” o “walang bahid.”

Linnea

Isa sa mga top 10 na pangalan sa Sweden. Pangalan ng isang bulaklak na pinangalan ng Swedish botanist na si  Karl von Linné sa kanyang sarili.

Aylin

Binibigkas tulad ng Eileen na nangangahulugang “ng buwan.” Sikat sa Turkey at Azerbaijan.

Anastasia

Nangangahulugang “ng resureksyon.” Sikat sa mga Eastern Orthodox na mga Kristiyano. Kasalukuyang nangunguna sa mga pangalan ng baby sa Russua, Ukraine, at Georgia.

Magandang pangalan ng babae na Pinoy na Pinoy

Marami ngang magagandang pangalan na nagmula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Pero mayroon rin tayong mga pangalan na maganda sa pandinig at may kahulugan na talagang malapit sa atin.

Narito ang ilang mga pangalang pambabae na hango mismo sa ating wika:

  • Amihan

  • Bituin

  • Chesa

  • Diwa

  • Ligaya

  • Malaya

  • Marikit

  • Mayumi

  • Mutya

  • Tadhana

  • Tala

BASAHIN:

Ano magandang pangalan ng lalaki para sa iyong baby?

7 na dapat i-consider bago pumili ng pangalan para kay baby

Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19

Magandang pangalan ng babae na kakaiba

Dahil naiiba at unique ang iyong baby girl, dapat lang na kakaiba rin ang pangalan niya. Narito ang ilan sa kakaiba at magagandang pangalan ng babae mula sa iba’t ibang bansa, at ang kanilang kahulugan.

Larawan mula sa iStock

  • Corina

Greek; dalaga

  • Charo

Spanish; maiksing bersyon ng Rosario

  • Cielo

Spanish; langit

  • Allegra

Italian; masaya

  • Loreta

Italian; sagisag ng tagumpay

  • Maisha

Arabic; buhay at malusog

  • Elisha

German; marangal

  • Suri

Hebrew; prinsesa

  • Niccola

Greek; mga taong matagumpay

  • Veda

Sanskrit; karunungan

Larawan mula sa Shutterstock

  • Aera

Korean; pag-ibig

  • Hea

Korean; babaeng marikit

  • Sena

Korean; ganda ng mundo

  • Ada

German; karangalan

  • Maya

Greek; anyong tubig

  • Leena

Slavic; maliwanag at maganda

  • Carina

Italian; minamahal na bata

  • Raya

Hebrew; kaibigan

  • Amina

Arabic; mapagkakatiwalaan

  • Perla

Spanish; perlas

  • Alisha

Sanskrit; pinoprotektahan ng Diyos

  • Aliah

Arabic; langit

  • Layan

Arabic; maamo

  • Amia

American; kakaibang bersyon ng Amy, minamahal

  • Soraya

Persian; hiyas

Larawan mula sa Shutterstock

  • Elissa

German; marangal

  • Moriah

Hebrew; “Ang Diyos ang aking guro”

  • Meera

Sanskrit; maunlad

  • Akira

Japanese; matalino

  • Ayana

Arabic/African; oras/magandang bulaklak

  • Mireya

Spanish; iniirog

  • Riya

Sanskrit; mang-aawit

  • Adela

German; marangal

  • Elin

Swedish; maningning na liwanag

  • Mazie

Scottish; perlas

  • Araya

Armenian; hari

  • Calista

Greek; pinakamaganda

  • Kalea

Hawaiian; kaligayahan

  • Maite

Basque; pinakamamahal

  • Aura

Greek; banayad na hangin

 

Good luck sa pagpili ng pangalan sa iyong anak, Mommy!

Anong ibig-sabihin ng pangalan ng baby girl mo? Ikuwento sa’min sa comments!

 

Ang article na ito ay unang na-publish sa CafeMom at ini-republish ng theAsianparent nang may pahintulot.

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio