Ang pagpili ng pangalan ng baby ang isa sa mga pinakamasayang parte ng pagiging isang magulang. Sa sandaling nalaman na ang kasarian ni baby ay agad tayong nag-iisip ng mga magagandang pangalan para sa kanila. Gusto natin na maging unique, makabuluhan at akma ito para sa ating mga anak.
Ngunit may ilang bagay na dapat munang pag-isipan ang mga magulang sa pagpili ng pangalan ng baby.
Pagpili ng pangalan ng baby
Mula sa tunog at spelling hanggang sa kahulugan at popularidad, may mga bagay pang dapat ikonsidera ang mga magulang sa pagbibigay ng pangalan sa kanilang baby.
“A name is one of the first gifts parents give a child, so I recommend they select it the way one would select any gift―for the enjoyment and good use of the recipient,” sabi ni Sherri Suzanne, isang baby name consultant at founder ng My Name For Life.
Sa huli, tanging ang mga magulang pa rin ng baby ang may hawak ng desisyon sa pagpapangalan ng kanilang anak. Bilang pantulong, narito ang ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng pangalan ng baby.
1. Istilo ng pangalan
Isa sa mga dapat na isipin ng mga magulang ay ang pagpili ng istilo ng pangalan sa kanilang anak. Kailangan nilang mamili kung ang pangalan ay makaluma, makabago, mula sa lokal na wika, mula sa banyagang wika o kakaiba sa tipikal na pangalan ng tao.
“I ask my clients to begin by observing name styles even before they need to choose―listen in stores, restaurants and parks as parents call to their children,” sabi ni Suzanne.
Dagdag pa niya, “I ask parents to pay attention to their own visceral reaction to name styles and ask, ‘Am I drawn to contemporary names like Beckett and Harper? Do I feel more comfortable with familiar classics like Elizabeth or William?’”
2. Popularidad ng pangalan
Ayon naman kay Linda Rosenkrantz at Pamela Redmond Satran ng Nameberry, kailangang isipin ng mga magulang kung ang pangalan na gusto nila para sa kanilang anak ay common name o gusto nila ng kakaiba sa lahat.
“Ask, ‘Have I considered the disadvantages of both ― having a name that might be shared with several classmates, or one that is difficult to recognize, spell and pronounce?’” ayon sa kanila.
Kailangan ding suriin ng mga magulang ang importansya ng popularidad ng pangalan. May magandang epekto rin kasi ang pagkakaroon ng common name sa buhay ng mga bata sa kanilang pagtanda.
“Parents today put a huge amount of pressure on themselves to find a unique and distinctive name. Cut yourself some slack and remember that ‘popular’ just means ‘well liked,’” sabi ni Laura Wattenberg, founder ng Baby Name Wizard.
3. Pangalang magugustuhan ninyong itawag sa bata ng paulit-ulit
Hindi habambuhay na tatawaging baby ang iyong sanggol. Darating ang panahon na tatawagin siya ng paulit-ulit sa pangalang napili mo para sa kanya.
Nakasalalay sa iyo bilang magulang ang kagustuhan mong marinig na tawagin ang iyong anak ng paulit-ulit sa pangalang napili mo.
Mabuting isaisip ang pangalan na iyong ibibigay sa iba’t-ibang tono ng pagtawag: malambing, pagalit, o simpleng pagbanggit lang.
“Fashion trends, family traditions and meaning are all good criteria for choosing a name. But parents shouldn’t forget to pick a name they love and enjoy saying. After all, they’ll be saying their child’s name a lot,” sabi ni Suzanne.
4. Pangalang may kaugnayan sa ibang tao, lugar, o bagay
Ang pagpili ng pangalan ng baby na may positibo o negatibong kaugnayan sa ibang tao, lugar, bagay o pagkain ay may epekto sa abilidad ng iyong anak na gumawa ng sarili niyang pangalan sa larangang nais niya sa hinaharap.
Isipin na lamang kung ipinangalanan sa isang bata ang paboritong brand ng sapatos ng kaniyang daddy o paboritong artista ni mommy sa korean telenovelas. Araw-araw siyang tatawagin sa pangalang iyon at maaaring maging tampulan ng katatawanan sa iba.
Mabuting mag-research muna ng maigi sa pangalan bago ito ibigay sa iyong anak at siguruhing wala itong masamang konotasyon sa iba.
5. Pangalang akma hanggang sa pagtanda
Pag-isipan munang maigi kung nais mong bigyan ng cute na pangalan, kahit sa palayaw lang, ang iyong anak kagaya ng Doraemon, Pikachu, o Hello Kitty.
Subukang isipin ang mangyayari kung tatawagin silang Kuya Doraemon, Tito Pikachu o Lola Hello Kitty sa kanilang pagtanda. Kung sa trabaho naman ay Atty. Doraemon, Engr. Pikachu o Dr. Hello Kitty, bagay kaya sa kanila?
Bigyan ng maayos na pangalan at palayaw ang iyong anak dahil dadalhin nila ang pangalang iyan hanggang sa kanilang pagtanda.
“Naming a baby is an exercise in hypotheticals and imagination. After all, we’re naming someone we’ve never met. But our imaginations sometimes lead us astray. Are you imagining a baby or picturing the name at all stages of life? Are you imagining your child being a lot like you or embodying your dreams?” sabi ni Moss.
“Remember that kids will take their own paths, and be sure that the name suits a geek as well as a jock, an engineer as well as an artist,” dagdag pa niya.
6. Pangalang maipagmamalaki ng iyong anak
Iwasang bigyan ang mga bata ng pangalang ikahihiya niya sa kanyang pagtanda. Iwasan din ang pagbibigay ng pangalang may komplikadong spelling upang hindi siya mahirapan sa kanyang mga personal na dokumento.
Bagaman ayaw nating silang magkaroon ng ‘hit’ sa records ng NBI o PNP sa hinaharap, huwag din natin silang pahirapan sa spelling at pagbigkas ng kanilang mga pangalan.
“Names that are deliberately provocative or form jokes, rhymes, puns or phrases with a surname can turn a simple introduction into a dreaded event.What you love and think is cute might not necessarily be workable for them,” sabi ni Suzanne.
7. Pangalang may magandang kahulugan
Ang kahulugan ng mga pangalan ay may dalawang uri ng diwa: una ay ang literal na ibig sabihin ng bawat pangalan at ang ikalawa ay ang pakahulugan nito sa inyong pamilya.
Kinakailangang maganda ang kahulugan ng pangalang ibibigay mo sa iyong anak dahil ispesyal ang bawat pangalan natin. Maaari itong kunin mula sa bibliya, mga tula o nobela, kasaysayan, o mga salitang mula sa ibang wika na may makabuluhang kahulugan.
“Narrow up by focusing on what you love about each name. Focus on the joy, and you’re less likely to second-guess yourself. Better yet, you’ll have a ready answer when your child asks why you chose her name.” sabi sa Baby Name Wizard.
Ikaw, may naisip ka na bang ipapangalan sa baby mo? Maaari mong ibahagi sa amin ang pagpili ng pangalan ng baby mo sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento.
Source: Huffington Post, Nameberry, My Name for Life
Images: Shutterstock
BASAHIN: Pinakamagandang mga baby names mula sa Miss Universe 2018
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!