Isa sa pinaka-exciting na ginagawa ng mga magulang ay ang pag-iisip ng magandang pangalan sa kanilang magiging baby. Importante na pinag-isipang mabuti ang pangalan ng iyong anak. Sapagkat dito sila makikilala ng ibang tao, at dapat mayroong magandang ibig-sabihin ang kanilang pangalan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tips sa pagpili ng pangalan ng baby
- 51 magandang pangalan ng baby na lalaki
Kung wala pa kayong naiisip na pangalan para sa inyong magiging anak, bakit hindi niyo subukan ang mga sumusunod na tips?
Tips sa pagpili ng pangalan ng baby
Isa sa pinakamahalagang kailangan paghandaan ng mga parent kapag malapit nang dumating si baby ay ang kaniyang panagalan. Dito rin kasi siya makikilala at magre-reflect din ito sa kaniyang pagkatao.
Narito ang mga tips para sa pagpili ng pangalan ng inyong baby:
- Iwasan ang trend na pangalan. Hindi ibig sabihin ang sikat ang trending ay dapat ganun na rin ang pangalan ni baby. Mas maganda siyempre kung unique at meaningful ang pangalan ni baby.
- Tandaan na hindi boring ang mga classic na pangalan. Huwag din isantabi ang opsyon sa pagpili ng mga classic name. Sapagkat hindi ito basta-basta nakakalimutan.
- Tignan ang inyong family tree. Maaari ka ring kumuha ng ideya sa mga pangalan halimbawa ng inyong lolo, lola, o mga tita, at tito.
- I-honor niyo ang inyong kultura. Sa pagpili rin ng pangalan ng inyong anak bakit hindi subukan na pumili sa mga lokal na pangalan. Katulad sa Filipino, pwedeng Mayumi, Kidlat, o kaya naman Ligaya at iba pa.
- Isipin din ang kaniyang magiging nickname sa pangalan na ibibigay mo.
- Huwag din kalimutan ikunsidera ang magiging initials ng iyong anak sa pagpili sa kaniyang pangalan.
- Pumili rin ng mga unique na pangalan.
- Isipin din ang spelling ng pangalan ng inyong anak.
Larawan mula sa Shutterstock
Ang mga pangalan tulad ng Mia, Noah, Liam, Arabella, at Ella ay ilan lamang sa mga nauusong pangalan na binibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Nauuso ang mga ganitong pangalan dahil madali silang bigkasin, at madali ring tandaan ang mga ganitong uri ng pangalan.
Siguro ay nagsawa na ang mga magulang sa pagbibigay ng mahahaba at komplikadong pangalan sa kanilang mga anak.
51 na magandang pangalan ng isang baby na lalaki
Mga pangalan na Filipino at halong Espanyol
Napakaganda ng mga lenggwahe na matatagpuan dito sa Pilipinas. Kaya hindi rin nakakagulat na mayroon ding mga magagandang pangalan na pwedeng makuha mula sa katutubong mga lenggwahe.
Ang maganda sa ganitong mga pangalan ay hindi lamang naipapamalas ang ganda ng ating wika, maganda rin ang ibig sabihin ng mga pangalan na ito.
Ganito rin ang mga salita na nakuha natin sa mga Espanyol na mayroong magandang kahulugan. Naging bahagi na rin ito ng ating kultura.
1. Alab
Kahulugan: Apoy, idinidikit sa pagiging malakas, katapangan, kapangyarihan at walang takot.
2. Alpas
Kahulugan: Kumawala, pagiging malaya
3. Andres
Kahulugan: Matapang
4. Bagwis
Kahulugan: Matapang, mandirigma, pakpak
5. Benigno
Kahulugan: Mabuti, magpamahal, malumanay
6. Bulan
Kahulugan: Buwan
7. Datu
Kahulugan: Pinuno, lider, hari
8. Diwa
Kahulugan: Regalo mula sa Diyos
9. Dakila
Kahulugan: Mahusay
Larawan mula sa iStock
10. Habagat
Kahulugan: Panahon sa Pilipinas na mahangin, Inuugnay ang salitang ito sa pagiging malakas at may awtoridad.
11. Macario
Kahulugan: Pinagpala
12. Ramil
Kahulugan: Buhangin
13. Renaldo
Kahulugan: Mahusay na lider
14. Sibol
Kahulugan: Pagtubo, pag-unlad, paglabas ng potensyal.
15. Sinag
Kahulugan: Sinag mula sa araw, lagiging maliwanag
BASAHIN:
Top baby name predictions for 2021
Libra baby: 14 baby names na bagay sa personality ng iyong anak
Old filipino names with meanings para sa iyong baby
Pangalan mula sa ibang bansa
Maganda ring kumuha ng inspirasyon mula sa wika ng ibang bansa na mayroon ding mga magagandang kahulugan. Narito ang ilan sa kanila mga magandang pangalan ng baby na lalaki.
Larawan mula sa Shutterstock
16. Alvin
Kahulugan: Matalinong kaibigan o wise friend.
17. Anton
Kahulugan: Walang kapantay na halaga o priceless.
18. Apollo
Kahulugan: Magandang lalaki, o manly beauty. Mula sa wikang Griyego
19. Aiden
Kahulugan: Maliit na apoy
20. Bernard
Kahulugan: Matapang
21. Caleb
Kahulugan: Mula sa wikang Hebrew na ang ibig sabihin ay may mabuting puso o kalooban.
22. Caden
Kahulugan: Kaibigan, kasama, kaagapay. Salitang Welsh
23. Daniel
Kahulugan: Mula sa wikang Hebrew na ang ibig sabihin ay “God is my Judge”
24. Dominick
Kahulugan: Mula sa wikang Roman na ibig sabihin “belonging to God.”
25. Elias
Kahulugan: “Jehovah is God.” Mula sa wikang Griyego
26. Eli
Kahulugan: Mataas o pataas.
27. Elijah
Kahulugan: Ang Panginoon ang aking Diyos. Salitang Hebrew
28. Justice
Kahulugan: Katarungan
29. Kai
Kahulugan: Malakas at hindi basta-basta magpapatinag.
30. Liam
Kahulugan: Helmet of Will, salitang Irish.
Larawan mula sa Shutterstock
31. Nevin
Kahulugan: Pagsamba sa mga saints.
32. Nicolas
Kahulugan: Tagumpay ng taumbayan. Salitang Griyego
33.Sheridan
Kahulugan: Isang taong matalino, isa itong Gaelic na pangalan
Mga magandang classic na pangalan para sa anak na lalaki
Maganda ring pagpilian ang mga classic na pangalan na hindi basta-basta nawawala sa usto at remarkable rin. Narito ang magandang mga pangalan ng baby boy o baby na lalaki na maaari mong pagpilian:
34. Aaron
Kahulugan: Mataas na bundok
35. Alan
Kahulugan: Maliit na bato
36. Alexander
Kahulugan: Tagapagtanggol ng tao
37. Albert
Kahulugan: Noble, matalino, sikat
38. Brian
Kahulugan: Isang tao na ginagalang at mataas ang uri.
39. Charles
Kahulugan: Isang malayang tao
40. Christian
Kahulugan: Taga-sunod ni Kristo o Jesus Christ
41. David
Kahulugan: Minamahal
Larawan mula sa Shutterstock
42. Eric
Kahulugan: Walang hanggang lider
43. Francis
Kahulugan: Malayang tao
44. Isaiah
Kahulugan: Ang Diyos ang kaligtasan
45. Jack
Kahulugan: Mapagpala ang Panginoon
46. Jason
Kahulugan: Paghilom
47. Joshua
Kahulugan: Ang Diyos ang kaligtasan
48. Juan
Kahulugan: Mapagpala ang Panginoon
49. Kenneth
Kahulugan: Gwapo
50. Manuel
Kahulugan: Kasama natin ang Panginoon
51. Raymond
Kahulugan: Taga pagtanggol, taga pagprotekta
Source: todaysparent.com, MomJunction, BabyLoveToKnow
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!