51 na magandang pangalan para sa iyong Baby Boy

Syempre, hindi lang dapat maganda ang pangalan ng ating mga anak, mahalaga din na maganda ang ibig-sabihin ng kanilang pangalan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa pinaka-exciting na ginagawa ng mga magulang ay ang pag-iisip ng magandang pangalan sa kanilang magiging baby. Importante na pinag-isipang mabuti ang pangalan ng iyong anak. Sapagkat dito sila makikilala ng ibang tao, at dapat mayroong magandang ibig-sabihin ang kanilang pangalan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Tips sa pagpili ng pangalan ng baby
  • 51 magandang pangalan ng baby na lalaki

Kung wala pa kayong naiisip na pangalan para sa inyong magiging anak, bakit hindi niyo subukan ang mga sumusunod na tips?

Tips sa pagpili ng pangalan ng baby

Isa sa pinakamahalagang kailangan paghandaan ng mga parent kapag malapit nang dumating si baby ay ang kaniyang panagalan. Dito rin kasi siya makikilala at magre-reflect din ito sa kaniyang pagkatao.

Narito ang mga tips para sa pagpili ng pangalan ng inyong baby:

  • Iwasan ang trend na pangalan. Hindi ibig sabihin ang sikat ang trending ay dapat ganun na rin ang pangalan ni baby. Mas maganda siyempre kung unique at meaningful ang pangalan ni baby.
  • Tandaan na hindi boring ang mga classic na pangalan. Huwag din isantabi ang opsyon sa pagpili ng mga classic name. Sapagkat hindi ito basta-basta nakakalimutan.
  • Tignan ang inyong family tree. Maaari ka ring kumuha ng ideya sa mga pangalan halimbawa ng inyong lolo, lola, o mga tita, at tito.
  • I-honor niyo ang inyong kultura. Sa pagpili rin ng pangalan ng inyong anak bakit hindi subukan na pumili sa mga lokal na pangalan. Katulad sa Filipino, pwedeng Mayumi, Kidlat, o kaya naman Ligaya at iba pa.
  • Isipin din ang kaniyang magiging nickname sa pangalan na ibibigay mo.
  • Huwag din kalimutan ikunsidera ang magiging initials ng iyong anak sa pagpili sa kaniyang pangalan. 
  • Pumili rin ng mga unique na pangalan.
  • Isipin din ang spelling ng pangalan ng inyong anak.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga pangalan tulad ng Mia, Noah, Liam, Arabella, at Ella ay ilan lamang sa mga nauusong pangalan na binibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Nauuso ang mga ganitong pangalan dahil madali silang bigkasin, at madali ring tandaan ang mga ganitong uri ng pangalan.

Siguro ay nagsawa na ang mga magulang sa pagbibigay ng mahahaba at komplikadong pangalan sa kanilang mga anak.

51 na magandang pangalan ng isang baby na lalaki

Mga pangalan na Filipino at halong Espanyol

Napakaganda ng mga lenggwahe na matatagpuan dito sa Pilipinas. Kaya hindi rin nakakagulat na mayroon ding mga magagandang pangalan na pwedeng makuha mula sa katutubong mga lenggwahe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang maganda sa ganitong mga pangalan ay hindi lamang naipapamalas ang ganda ng ating wika, maganda rin ang ibig sabihin ng mga pangalan na ito.

Ganito rin ang mga salita na nakuha natin sa mga Espanyol na mayroong magandang kahulugan. Naging bahagi na rin ito ng ating kultura.

1. Alab

Kahulugan: Apoy, idinidikit sa pagiging malakas, katapangan, kapangyarihan at walang takot.

2. Alpas

Kahulugan: Kumawala, pagiging malaya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Andres

Kahulugan: Matapang

4. Bagwis

Kahulugan: Matapang, mandirigma, pakpak

5. Benigno

Kahulugan: Mabuti, magpamahal, malumanay

6. Bulan

Kahulugan: Buwan

7. Datu

Kahulugan: Pinuno, lider, hari

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Diwa

Kahulugan: Regalo mula sa Diyos

9. Dakila

Kahulugan: Mahusay

Larawan mula sa iStock

10. Habagat

Kahulugan: Panahon sa Pilipinas na mahangin, Inuugnay ang salitang ito sa pagiging malakas at may awtoridad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

11. Macario

Kahulugan: Pinagpala

12. Ramil

Kahulugan: Buhangin

13. Renaldo

Kahulugan: Mahusay na lider

14. Sibol

Kahulugan: Pagtubo, pag-unlad, paglabas ng potensyal.

15. Sinag

Kahulugan: Sinag mula sa araw, lagiging maliwanag

BASAHIN:

Top baby name predictions for 2021

Libra baby: 14 baby names na bagay sa personality ng iyong anak

Old filipino names with meanings para sa iyong baby

Pangalan mula sa ibang bansa

Maganda ring kumuha ng inspirasyon mula sa wika ng ibang bansa na mayroon ding mga magagandang kahulugan. Narito ang ilan sa kanila mga magandang pangalan ng baby na lalaki.

Larawan mula sa Shutterstock

16. Alvin

Kahulugan: Matalinong kaibigan o wise friend.

 17. Anton

Kahulugan: Walang kapantay na halaga o priceless.

18. Apollo

Kahulugan: Magandang lalaki, o manly beauty. Mula sa wikang Griyego

19. Aiden

Kahulugan: Maliit na apoy

20. Bernard

Kahulugan: Matapang

 21. Caleb

Kahulugan: Mula sa wikang Hebrew na ang ibig sabihin ay may mabuting puso o kalooban.

22. Caden

Kahulugan: Kaibigan, kasama, kaagapay. Salitang Welsh

23. Daniel

Kahulugan: Mula sa wikang Hebrew na ang ibig sabihin ay “God is my Judge”

24. Dominick

Kahulugan: Mula sa wikang Roman na ibig sabihin “belonging to God.”

25. Elias

Kahulugan: “Jehovah is God.” Mula sa wikang Griyego

26. Eli

Kahulugan: Mataas o pataas.

27. Elijah

Kahulugan: Ang Panginoon ang aking Diyos. Salitang Hebrew

28. Justice

Kahulugan: Katarungan

29. Kai

Kahulugan: Malakas at hindi basta-basta magpapatinag.

30. Liam

Kahulugan: Helmet of Will, salitang Irish.

Larawan mula sa Shutterstock

31. Nevin

Kahulugan: Pagsamba sa mga saints.

32. Nicolas

Kahulugan: Tagumpay ng taumbayan. Salitang Griyego

33.Sheridan

Kahulugan: Isang taong matalino, isa itong Gaelic na pangalan

Mga magandang classic na pangalan para sa anak na lalaki

Maganda ring pagpilian ang mga classic na pangalan na hindi basta-basta nawawala sa usto at remarkable rin. Narito ang magandang mga pangalan ng baby boy o baby na lalaki na maaari mong pagpilian:

34. Aaron

Kahulugan: Mataas na bundok

35. Alan

Kahulugan: Maliit na bato

36. Alexander

Kahulugan: Tagapagtanggol ng tao

37. Albert

Kahulugan: Noble, matalino, sikat

38. Brian

Kahulugan: Isang tao na ginagalang at mataas ang uri.

39. Charles

Kahulugan: Isang malayang tao

40. Christian

Kahulugan: Taga-sunod ni Kristo o Jesus Christ

41. David

Kahulugan: Minamahal

Larawan mula sa Shutterstock

42. Eric 

Kahulugan: Walang hanggang lider

43. Francis

Kahulugan: Malayang tao

44. Isaiah

Kahulugan: Ang Diyos ang kaligtasan

45. Jack

Kahulugan: Mapagpala ang Panginoon

46. Jason

Kahulugan: Paghilom

47. Joshua

Kahulugan: Ang Diyos ang kaligtasan

48. Juan

Kahulugan: Mapagpala ang Panginoon

49. Kenneth

Kahulugan: Gwapo

50. Manuel

Kahulugan: Kasama natin ang Panginoon

51. Raymond

Kahulugan: Taga pagtanggol, taga pagprotekta

 

Source: todaysparent.com, MomJunction, BabyLoveToKnow

 

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara