Paano mabuntis ng kambal? Mga natural at medikal na paraan para mabuntis ng kambal

Walang siguradong paraan upang makabuo ng kambal ngunit may mga puwedeng gawin upang tumaas ang chance na magkaroon ng twins, kabilang na ang ilang sex positions!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mabuntis ng kambal? Ang magbuntis ng kambal ay hindi madali para sa lahat ng kababaihan, lalo na kung ito ay wala sa lahi. Pero may mga paraan para mas tumaas ang chance na mabiyayaan nito.

Paano mabuntis ng kambal?

Ang pagkakaroon ng kambal ay isang natural na pangyayari at hindi kontrolado ng isang tao. Ang pagbubuntis ng kambal ay nangyayari kapag ang isang egg cell (ovum) ay nabuo at nabuo ng dalawang sperm cell.  O kapag dalawang egg cell ang nabuo at nabuo ng dalawang sperm cell.

Kilala ang pangyayaring ito bilang fraternal twins o dizygotic twins. (kapag dalawang egg cell at sperm cell ang nagbuklod) at identical twins o monozygotic twins (kapag iisang egg cell ang nagbuklod).

May ilang mga factors kung bakit tumataas ang tiyansa na mabuntis ng kambal. Ito ang ilang mga factor na nagpapataas ng tiyansa na magbuntis ng kambal.

  1. Pamilya ng kambal: Kung may kasaysayan ng pagkakaroon ng kambal sa pamilya, mas mataas ang tsansa na magkaroon ka rin ng kambal.
  2. Edad: Ang pagkakaroon ng kambal ay mas malamang sa mga kababaihan na nasa edad 30 pataas, partikular na sa edad 35 pataas.
  3. Ethnicity: Sa ilang mga etniko, mas mataas ang tsansa ng pagbubuntis ng kambal.
  4. Maraming anak: Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga kababaihan na may maraming anak ay mas malamang na magkaroon ng kambal.
  5. Paggamit ng fertility treatments: Ang mga fertility treatments tulad ng in vitro fertilization (IVF) ay maaaring magpataas ng tsansa ng pagbubuntis ng kambal.

Pero muli, hindi natin kontrolado ang pagkakaroon ng kambal at hindi ito kailanman tiyak na mangyayari. Kung nais mong malaman kung may tiyansa kang magkaroon ng kambal o mayroon kang mga tanong tungkol sa pagbubuntis.

Maaari kang kumonsulta sa isang obstetrician o fertility specialist upang masuri ang iyong kalagayan at magbigay ng mga payo at impormasyon na nararapat para sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paano mabuntis ng kambal: Nakakatulong ba ang sex position para magbuntis ng kambal?

Bukod sa pagkakaroon ng lahing kambal at mga fertility treatments, nakakatulong din ang sex positions upang mas tumaas ang chance na magbuntis ng kambal.

Madami ang nagsasabi na ito ang mga epektib na posisyon:

  • Side by side – sa posisyon na ito, ang isang babae ay nakayuko nang paunahan habang ang kaniyang partner ay nasa kaniyang likuran.

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Missionary – Ang pinakasimple at common na posisyon kung saan ang sperm ay madaling makarating sa itlog.
  • Standing – Kilala din sa tawag na “door jam” position kung saan ang magkapartner ay nakaharap sa isa’t isa. Habang nakasandal, itaas ang isang paa. Ang deep penetration ay nakakataas ng chance sa pagkakaroon ng kambal.

Mas madali makakapasok ang sperm sa cervix dahil sa trajectory na dulot ng mga posisyon na ito. Pero huwag kalimutan na ang multiple ovulation ang pinakasusi upang mabuntis ng kambal.

Subalit na tandaan na wala pang patunay kung epektibo nga ito subalit may mga pag-aaral na nagsasabi na makakatulong lamang ito para tumaas ang tiyansa na magbuntis ng kambal.

Paano mabuntis ng kambal: Iba pang mga factors na nakaka-impluwensya sa pagbubuntis ng kambal

Ayon sa isang pag-aaral, nakakaapekto ang diet ng isang babae sa abilidad niyang mabuntis ng kambal. Ayon sa mga researcher, ang mga babae na ang diet ay mayaman sa mga animal products tulad ng gatas ay limang beses na mas may chance magkaroon ng kambal na anak.

Ang mga babae din na nasa late 30s ay mas may mataas na chance magkaroon ng multiple pregnancies. Ito ay dahil sa multiple eggs na nare-release tuwing ovulation habang tumatanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi naman sa isang pag-aaral na naipublish sa Journal of Reproductive Medicine, ang mga babae daw na matatangkad ay mas mataas ang chance na magkaanak ng kambal.

Pero may mga pagkakataon pa din na puwede mabuntis ng kambal sa natural na paraan, kahit wala ang mga factors na nabanggit sa taas.

Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagkakaroon healthy pregnancy kahit isa o kambal ang iyong dinadala.

Larawan mula sa Shutterstock

Mga bagay na HINDI magpapataas ng iyong tsansa na magkaroon ng kambal

Ngayon na alam mo na kung paano madagdagan ang tsansa ng kambal sa panahon ng pagbubuntis, dapat mong malaman na maraming mga kasabihan tungkol dito na hindi totoo. Narito ang tatlong bagay na hindi magiging sanhi ng pagkakaroon ng multiple pregnancies.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Pagkain ng karne sa panahon ng ovulation. Walang siyentipikong batayan para sa pangangatwiran na ito, at hindi rin ito sinusuportahan ng mga obserbasyonal na pag-aaral. Kaya maari mo nang alisin ang karne sa iyong listahan ng mga pagkain para magka-kambal nang natural.
  2. Alternatibong therapy. Ang naturopatiya, akupunktura, o anumang katulad nito ay hindi magtitiyak na magkakaroon ka ng pagbubuntis ng kambal.
  3. Mga agimat o pamahiin para sa pagbubuntis. Pasensya na sa pagbanggit nito, pero maraming desperadong mag-asawa ang sinusubukan ang lahat para mabuntis, at may ilang tao na sumasamantala sa ganitong sitwasyon. Lalo na kapag sinasabi na uminom ka nito at pinagbabayad ka ng malaki sapagkat sa malamanh isa itong uri ng scam.

Sa huli, kambal man o hindi ang mahalaga ay magkaroon malusog na pagbubuntis at malusog na anak. Subalit hindi naman masamang sumubok ng mga ilang paraan para mabuntis ng kambal. Lalo na kung ito ang nais niyong mag-asawa, lumapit sa mga eksperto para matulungan kayo para mangyari ito.

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Translated from theAsianparent Singapore

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Bianchi Mendoza