Maggie Wilson may malungkot na post ngayong Mother’s Day. Ayon sa kaniya, kahit ang pagpopost sa social media tungkol sa kaniyang anak ay ipinagkait rin sa kaniya.
Mababasa dito ang sumusunod:
Maggie Wilson on Mother’s day
Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson
Nitong Mother’s Day ay may nakakalungkot na post ang celebrity mom na si Maggie Wilson. Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi niya ang huling Mother’s Day na kasama niya ang anak na si Connor. Ito daw ay noong 2022 na kung saan may nakunan din silang larawan na magkasama.
“It’s been almost two years since I last held him and 494 days since we last spoke. I’ve missed 2 birthdays, 2 Christmas’, 2 New Year’s celebrations and countless milestones. There is nothing more painful than the loss of a child who I know is growing up without me.”
Ito ang bungad ni Maggie sa kaniyang Instagram post.
View this post on Instagram
Sa parehong Instagram post ay ibinahagi rin ni Maggie ang dahilan kung bakit dumalang ang pagpopost niya sa social media tungkol sa kaniyang anak. Ayon sa kaniya, ito ay dahil na-isyuhan siya ng protection order na kung saan pinagbawalan siyang mag-post ng larawan at video ng sarili niyang anak. Kaya ngayong Mother’s Day si Maggie naglabas ng hinaing niya.
“I am a mother but I have been robbed of being able to be a mother. Nonetheless, I will always be his mommy and that is something no one, not even time can erase.”
Ito ang sabi pa ni Maggie na sinundan ng mensahe niya para sa anak niyang si Connor.
Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson
Mensahe ni Maggie sa anak na si Connor
“You are always with me Connor. Forever in my heart, in my mind, and my prayers. One day bubbah. Our time will come. I will never lose hope. I love you and miss you dearly my little man.”
Ito ang mensahe ni Maggie sa anak na si Connor na umani ng simpatiya sa iba pang mommy netizens. May mensahe rin siya sa mga ina na dumadaan sa parehong pagsubok na pinagdadaanan niya.
“To all the mothers who understand the complexities of love and loss, may this day bring a gentle reminder of the enduring bond that transcends time and space. Happy Mother’s Day to all the mothers, near and far, who carry their children in their hearts, today and always.”
Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!