Maggie Wilson may mensahe sa only son niyang si Connor. Ayon kay Maggie, 16 months niya ng hindi nakikita ang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Maggie Wilson message to son Connor.
Maggie Wilson message to son Connor
Hanggang ngayon ay hindi parin nabibigyan ng pagkakataon si Maggie Wilson na makita ang only son niyang si Connor. Sa Instagram ay muling naglabas ng saloobin si Maggie tungkol dito. Ayon kay Maggie, 16 months na ang nakalipas ng huli niyang makita si Connor at 11 months naman ng huli niya itong makausap. Ngayon si Maggie, binabalikan nalang daw ng paulit-ulit ang mga pictures ng anak niyang si Connor. At nalulungkot siya na sa nagdaang taon ay hindi niya nakuhan ng larawan ang milestones ng anak.
“My boy.🤍
16 months since I last saw you and 11 months since we last spoke. I often find myself scrolling through my album of you. I loved taking pictures of you. As I look through them, I am happy (because I took so many) and sad because I wish I could. I have missed many milestones, but I have faith that we will see each other again one day, and I will capture your likeness once more.”
Ito ang bahagi ng post ni Maggie.
Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson
Sabi pa niya, masaya daw siya na kahit papaano ay nakakakita siya ng snippets ng nagbibinata niya ng anak, At alam daw ni Maggie na magkikita ulit sila ng anak at ni minsan daw ay hindi nawala ito sa isip niya.
“It might annoy you because I will take even more stills and videos of you than ever. Lately, I am grateful that somehow I get to see snippets of how much you’ve grown. We will see each other again, Connor. You are forever in my thoughts. I love you with all of my heart.”
Ito ang sabi pa ni Maggie Wilson.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!