Korte suportado si Maggie Wilson sa pakikipag-communicate sa anak na si Connor: “As a mother, the respondent has the right and duty to communicate with her son.”

lead image

Ayon sa dating beauty queen, masaya siya na maramdaman at masaksihan ang patas na desisyon ng batas sa Pilipinas para sa mga tulad niyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maggie Wilson masayang ibinahagi na maari na siyang makipag-usap sa anak na si Connor.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maggie Wilson may update sa kaso laban sa kaniya ng mister niyang si Vic Consunji.
  • Desisyon ng korte.

Maggie Wilson may update sa kaso laban sa kaniya ng mister niyang si Vic Consunji

maggie wilson

Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson

Sa sunod-sunod na Instagram stories ay masayang ibinahagi ng dating beauty queen na si Maggie Wilson ang magandang balitang bumungad sa kaniya ngayong 2025. Ayon kay Maggie, binasura ng korte ang petition na temporary at permanent protection order laban sa kaniya ng mister na si Vic Consunji. Kaugnay ito umano sa ginawang epekto ng mga social media post ni Maggie sa mental health at physical well being ng kaniyang anak na si Connor.

Pagkukuwento pa ni Maggie, nang dahil sa petition na ito ng kaniyang mister ay kailangang mag-appear sa korte ang anak niyang si Connor na 12-anyos palang ngayon. Ang nakakalungkot pa, pagbabahagi ni Maggie, ang isa sa mga kaibigan at co-host noon na si Marc Nelson ay isa sa mga tumestigo para tuluyan siyang pagbawalan na makipag-communicate sa anak.

Maliban sa nasabing petition ay patong-patong rin ang ikinaso sa kaniya ng dating mister. Si Maggie ngayon ay nasa ibang bansa at matagal ng hindi nakakausap ang anak niya. Kaya naman ng malaman ang desisyon ng korte, si Maggie hindi maitago ang kaniyang kasiyahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson

Desisyon ng korte

Pagbabahagi pa ni Maggie, masaya siya sa interpretasyon ng korte sa mga social media post niya. Ito ay paraan lang umano ng isang ina para maipakita ang pagkamiss sa anak. At higit sa lahat bilang isang ina ito ay karapatan at responsibilidad niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“An excerpt from the court states. ‘The (social media) postings merely expressed the love and longings of a mother to her son who was separated from her. The respondent really missed her son, nothing more and nothing less.’

“‘There was no credible evidence to support a finding that Respondent (Me) committed psychological violence against her son.’

“Therefore, ‘There is no reason to prohibit the Respondent from communicating with her son (C). As a mother, the respondent has the right and duty to communicate with her son.’

Ito ang sabi pa ni Maggie sa kaniyang Instagram stories.

Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement