Maggie Wilson umalma na hindi nakasama ang anak noong Pasko: "I was refused time with my son Connor"

Maggie may pasaring na tila may banta rin sa buhay niya. Basahin ang post ni Maggie tungkol dyan dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maggie Wilson malungkot na ibinahaging hindi niya nakasama ang anak na si Connor sa araw ng pasko.

Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:

  • Disappointment ng inang si Maggie Wilson dahil hindi nakasama ang anak na si Connor noong mismong araw ng Pasko.
  • Relasyon ni Maggie at mister na si Victor Consunji.

Maggie Wilson hindi nakasama ang anak na si Connor sa mismong araw ng Pasko

Kahapon, sa kaniyang social media accounts ay ibinahagi ng former beauty queen na si Maggie Wilson, 32-anyos ang naging malungkot at nakaka-disappoint niyang Christmas celebration. Dahil pagbabahagi ni Maggie hindi niya nakasama ang anak na si Connor sa mismong araw ng pasko.

Kuwento pa ni Maggie, hindi naman daw talaga ito ang planong napag-usapan. Pero tila nagkaroon ng pagbabago at hindi nagustuhan ni Maggie ang mga pagbabagong ito.

“Christmas Day didn’t pan out as planned. I had planned and cooked a beautiful dinner for family and friends with my son over. Unfortunately, I was denied that. Over Xmas eve and Xmas day, I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior. It’s been 48 hours, I didn’t get to open presents with him or even have a meal with him. This kind of situation sadly happens in “certain” families and as is seen as “normal”.

Ito ang pagbabahagi ni Maggie sa social media.

Paghihiwalay ni Maggie Wilson at mister na si Victor Consunji

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Maggie Wilson's Instagram account

 

Matatandaang Setyembre nitong taon ng i-reveal ni Maggie na sila ay hiwalay na ng mister na si Victor Consunji, 42-anyos. Ito ay matapos ang halos 11 taon nilang pagsasama bilang mag-asana.

“We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate.”

Sa naging rebelasyon ni Maggie ay hindi niya idinetalye ang rason ng kanilang paghihiwalay. Pero sinabi niya noon na mutual bagamat mahirap ang naging desisyon nila. At sila ay nanatiling magkaibigan at walang sama ng loob sa isa’t-isa.

“It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us. We will always love and support each other no matter what. We will always be a family as we share our beautiful son, Connor, together. And we have remained really good friends and partners and will continue to do so. Both of us want nothing more than for each other to be happy.”

Ito ang sabi pa noon ni Maggie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

BASAHIN:

Maggie Wilson-Consunji reveals first few weeks of motherhood was ‘not the happiest time of her life’

Maggie Wilson reveals separation from husband Victor Consunji

6 paraan para i-save ang relationship na papunta na sa hiwalayan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maggie sinabing wala siyang ibang lalaki at hindi ito ang dahilan ng hiwalayan nila ng mister

Image from Maggie Wilson's Instagram account

Sa pinaka-latest na social media post ni Maggie ay tila nag-iba na ang ihip ng hangin. May patutsada rin si Maggie na hindi totoo ang mga kumakalat na balitang may ibang lalaki siya. At ito umano ang dahilan ng hiwalayan nilang mag-asawa.

Dagdag pa niya, hindi rin naman daw magtatagal at lalabas ang katotohanan tungkol sa hiwalayan nila sa tamang panahon.

“There are strong reasons why I left and if you think I left because of another guy, you have no idea. Those reasons will be revealed in time. I have been put through so much over the last 3 months and more so the last few years.”

Hirit pa ni Maggie, may mga ebidensya siyang magpapatunay na hindi totoo ang mga alegasyon sa kaniya.

“Judge me all you want. If you think you know, you haven’t seen anything yet. I have an entire vault just filled with receipts.”

Sa huli ay naki-simpatiya si Maggie sa mga kababaihang dumadaan rin sa parehong pagsubok ng tulad sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Till then, to everyone going through something similar, I have received and read all your messages, I stand with you, I feel for you, stay strong. We will get through this.”

“Lastly, if anything happens to me or anyone close to me, you know where to look.”

Ito ang nasabi pa ni Maggie Wilson.

Sa ngayon ay nanatiling tahimik ang businessman na si Victor Consunji sa hiwalayan nilang mag-asawa.

Samantala, sa kaniyang IG story kagabi ay nagbahagi si Maggie na video ng anak na si Connor habang ito ay nagbubukas ng regalo. Makikitang tuwang-tuwa si Connor sa gift na natanggap niya at maririnig si Maggie na masayang nakikipag-usap sa anak. Ito ay palatandaan na nakasama na rin ng beauty queen sa wakas ang anak. Bagamat hindi nga lang mismo sa araw ng Pasko na nakapa-espesyal para sa ating mga Pilipino.

Image from Maggie Wilson's Instagram account

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement