Maggie Wilson to son Connor on his 12th birthday: “One day bubbah I will get to hold you again”

Matapos ang higit 19 na buwan na hindi nakikita ang anak, si Maggie hindi parin nawawalan ng pag-asa na muli rin silang magkakasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maggie Wilson sa Instagram lang nabati ang anak na si Connor sa 12th birthday nito. Hanggang ngayon si Maggie hindi parin nabibigyan ng pagkakataon na makita at makasama ang anak niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

Maggie Wilson birthday message to son Connor

Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson

Nitong nakaraang linggo ay nagdiwang ng kaniyang 12th birthday ang anak ni Maggie Wilson at Vic Consunji na si Connor. Si Maggie, sa Instagram lang nagawang ipagdiwang ang birthday ng anak. Dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin ito nakikita at nakakasama na kasalukuyang nasa pangangalaga ng kaniyang amang si Vic.

Si Maggie naging emotional muli ang mensahe sa anak. Kalakipa ng throwback video ng mga baby pics ni Connor at iba pang tagpo na sila ay magkasama noon, ito nag naging mensahe ni Maggie sa anak na hindi daw nawala sa puso at isip niya.

“Happy 12th birthday Connor. You are always in thoughts, in my dreams and forever in my heart.”

Ito ang bungad ni Maggie sa kaniyang post.

Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy pa niya, hindi siya nawawalan ng pag-asa na magkikita ulit sila ng anak at magkakasama. Doon ay babawiin niya ang mga oras na hindi niya ito nahahawakan o nayayakap lalo na sa mga okasyon na tulad ng kaniyang kaarawan.

“One day bubbah I will get to hold you again.. one day. I miss you and love you so much.?”

Ito ang sabi pa ni Maggie sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 
View this post on Instagram

Bakit hindi makalapit si Maggie Wilson sa anak na si Connor

Taong 2021 ng ibahagi ni Maggie sa publiko na hiwalay na sila ng mister niyang si Vic Consunji. Sa statement na inilabas ni Maggie noon ay naging maayos umano ang paghihiwalay nila ni Vic para sa anak na si Connor. Pero Disyembre ng parehong taon ibinahagi ni Maggie na hindi niya nakasama ang anak na si Connor sa pagdiriwang ng kapaskohan. Nasundan na ito ng paglabas ng mga balita na si Maggie ay kinasuhan ng mister niyang si Vic ng adultery at cyber libel. Dahil sa mga kasong ito si Maggie, hindi basta makabalik sa bansa. Siya rin ay pinagbawalan narin na makita o makausap man lang sa telepono ang anak na si Connor.

Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement