X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Maggie Wilson ibinuking na may 'other woman' umano si Victor Consunji: “I kept quiet for years.”

5 min read

Ibinahagi ni Maggie Wilson sa kaniyang Instagram story ang pambababae umano ng kaniyang estranged husband na si Victor Consunji. Matatandaang sinampahan ang beauty queen ng kasong adultery ng kaniyang dating asawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Estranged husband ni Maggie Wilson, may ‘other woman’?
  • Maggie Wilson at Victor Consunji split

Estranged husband ni Maggie, may ‘other woman’?

Naglabas ng patunay si Maggie Wilson sa kaniyang Instagram stories na mayroon umanong ibang karelasyon ang kaniyang estranged husband na si Victor Consunji.

Sa nasabing Instagram stories ay ipinakita ni Maggie Wilson ang mga picture ng babae at ng kaniyang estranged husband. Sa mga naturang larawan ay nakakandong ang babae sa dating husband ni Maggie Wilson. Mayroon ding larawan na magka-holding hands sina Victor Consunji at ang babae.

Sa isa pang screenshot may nagpadala ng mensahe kay Maggie Wilson. Nakita raw  nito ang kaniyang asawa sa airport na may sinundong babae. 2019 naganap ang nasabing pagkikita sa airport. Nang araw rin na ‘yon nalaman ni Maggie Wilson ang ginagawa ng kaniyang asawa.

Saad ni Maggie Wilson sa kaniyang Instagram, maaari daw siyang kwestyunin ng mga tao kung bakit kailangan niyang isapubliko ang mga ito.

victor consunji with a woman - maggie wilson husband

Larawan mula sa Instagram story ni Maggie Wilson

Pero depensa niya, “I find that a lot of women and men in the Philippines may tolerate or deem this kind of BS acceptable but I won’t.”

Dagdag pa ni Maggie Wilson, naniniwala pa rin daw siya na magiging masaya pa sana sila kahit magkahiwalay. Kaya lamang, narito siya ngayon na walang pagpipilian kundi isiwalat ang kontrobersiya.

“I’ve always believed in happiness (even now) for him and I, even if it’s not with me. I kept quiet for years and never wanted it to drag anyone else into this but I here I am, left with no choice.”

May mga nakakita rin daw kay Victor Consunji at sa babae nito sa Rockwell at maging sa Hong Kong.

Sa recent Instagram stories nga ni Maggie ay siniwalat din nito na nakatanggap siya ng gag order nitong nakaraang araw.

Kasabay ng pagsiwalat niya na noon pang 2019 ay may kasa-kasama na si Victor Consunji sa trips nito. Kasama rin daw ito ni Victor na nagtsi-check in sa mga hotel. Bukod pa rito ay nagawa pa nga raw ng babae na magpost ng mga picture kung saan ay nasa ‘conjugal home’ sila nina Victor at Maggie.

“Despite this, I have been accused of adultery and issued an arrest warrant.”

maggie wilson husband

Screenshot mula sa Instagram story ni Maggie Wilson

Kamakailan nga lamang ay sinampahan ni Victor Consunji sina Maggie Wilson at Tim Connor ng tatlong adultery case. Ito raw ay dahil sa pagkakaroon ng sexual relationship ni Maggie Wilson sa British-Thai entrepreneur kahit noong nagsasama pa sila ni Victor Consunji.

Agad din namang pinabulaanan ni Maggie Wilson ang paratang ng kaniyang estranged husband.

Maggie Wilson and Victor Consunji split

Matapos ang 10 taong pagsasama, isinapubliko ni Maggie Wilson noong September 2021 ang split o paghihiwalay nila ni Victor Consunji.

Nitong Hulyo ng kasalukuyang taon naman nang pumutok nga ang balita ng pagsasampa ni Victor Consunji ng kasong adultery laban kay Maggie Wilson at Tim Connor.

Agad itong inalmahan ni Maggie Wilson sa pamamagitan din ng pagpo-post ng stories sa kaniyang Instagram. Sa nasabing Instagram stories ay ipinakita ni Maggie na kasama nila ni Victor Consunji si Tim Connor sa Barcelona sa isang video. Makikita rin na masayang nagkukwentuhan ang mga ito.

Nakalagay kasi sa kasong sinampa kanila Maggie Wilson at Tim Connor na nagpunta sila ng Barcelona nang sila lang dalawa. Pero sabi ni Maggie Wilson, ayon lang ang nag-iisang pagkakataon na nakasama niya si Tim Connor sa Barcelona. At kasama pa nga ang dating asawa.

Noong December 2021 ay sinabi na rin ni Maggie na hindi ibang lalaki ang dahilan kung bakit niya hiniwalayan si Victor Consunji.

“There are strong reasons why I left. If you think I left because of another guy, you have no idea.”

maggie wilson husband

Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson

Dagdag pa niya, lalabas din umano sa tamang panahon ang katotohanan.

“I have been put through so much over the last three months and more so the last few years,” saad ni Maggie.

At ngayon nga ay naglalabas ng patunay si Maggie Wilson na hindi siya kundi si Victor Consunji ang nag-commit ng adultery sa panahon ng kanilang pagsasama.

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood

Nang bago pa lang ang split nina Victor Consunji at Maggie Wilson ay sinagot na rin ni Tim Connor na hindi sila nangaliwa ni Maggie. Aniya sa kaniyang Instagram story noong December 2021, wala umanong namagitang affair sa kanila ni Maggie Wilson habang karelasyon pa nila ang mga dating partner.

Ngayon namang nahaharap nga sila sa tatlong kaso ng adultery, nakiusap din si Tim Connor sa mga tao. Aniya, irespeto sana ng mga ito ang problemang pampamilya ni Maggie Wilson. Kahit para na lamang sa batang si Connor.

Si Connor ay ang anak nina Maggie Wilson at Victor Consunji.

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Maggie Wilson ibinuking na may 'other woman' umano si Victor Consunji: “I kept quiet for years.”
Share:
  • Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

    Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

  • Kylie Padilla sinabing ang naranasang postpartum depression ang dahilan ng hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica

    Kylie Padilla sinabing ang naranasang postpartum depression ang dahilan ng hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica

  • Amy Perez ng magpaalam ang 21-anyos na anak na gusto na nitong magsolo: "Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin i-respeto yung gusto nung anak ko."

    Amy Perez ng magpaalam ang 21-anyos na anak na gusto na nitong magsolo: "Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin i-respeto yung gusto nung anak ko."

  • Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

    Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

  • Kylie Padilla sinabing ang naranasang postpartum depression ang dahilan ng hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica

    Kylie Padilla sinabing ang naranasang postpartum depression ang dahilan ng hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica

  • Amy Perez ng magpaalam ang 21-anyos na anak na gusto na nitong magsolo: "Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin i-respeto yung gusto nung anak ko."

    Amy Perez ng magpaalam ang 21-anyos na anak na gusto na nitong magsolo: "Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin i-respeto yung gusto nung anak ko."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko