Nag-isip ako ng maraming beses kung paano kayo unang nagkakakilala. Binilhan ka rin niya ba ng inumin? Nangako na tatawagan kinabukasan?
Sa tingin ko, noong nagkaroon na ako ng anak na babae, panahon na pinagpalit ko ang mga dress para sa jogging pants, naging madali para sa kaniya na ma-attract sa ibang babae.
Hindi ko sinasabi na ikaw ang may kasalanan sa lahat. Sabi nga sa isa sa mga kasabihan ng Filipino, “Walang mang-aagaw kung walang magpapa-agaw.” Panigurado, siya’y may pagpipilian. Walang manlolokong asawa kung hindi naman niya gusto manloko.
BASAHIN:
REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?
Misis: “Kabit ng asawa ko – si yaya!”
Can cheaters really change?
Ngayon, pagkatapos ng pagkabigo, proud akong sabihin na ako ay single mom sa aking anak na babae, na mas mahal ko kaysa sa sarili ko.
Mensahe para sa kabit ng aking asawa na sinira ang aming pamilya. | Larawan mula sa iStock
Siguro hindi lang sa sex o excitement ang mayroon sa pagitan niyong dalawa. Naisip ko na siguro baka nakakapagkuwento siya sa iyo. Hinayaan mo siya na maging isang bersyon ng kaniyang sarili na hindi niya makikita sa loob ng pagsasama namin o kaya naman bilang isang Tatay.
Kahit kailan hindi ko ito malalaman. Sa tingin ko, ang pagiging walang alam, ay mas maganda. Hindi ko nga rin alam, kung magkasama pa rin kayo ngayon.
Alam ko na may iba, medyo matagal na rin…
Alam ko na mayroon ng iba sa loob ng matagal na panahon. Hindi ako sigurado kung may iba pa bukod sa ‘yo. Pero, ang pagtataksil ng isang beses o pagtataksil ng maraming beses ay pareho lang.
Una kong napansin ang pagiging malayo niya at pagkamainisin. Minsan, binibilhan niya ako ng maraming regalo at atensyon. Akala niya lubhang nag-iingat siya, ngunit hindi siya gaanong katalino para bigyan ako ng pansin.
Larawan mula sa iStock
Nalaman ko na makikipagkita ka sa kaniya habang ako ay abala sa aming anak. Nagmamadali ako para ihatid siya sa kaniyang ballet class ng hindi sinasadya na nakapagpalitan kami ng phone. May password, ngunit hindi nakasara ang mga notifications.
Isang mensahe ang lumabas, “Are you free?”, na nakakindat na emoji sa duluhan, animo’y may ibang ibig sabihin, hindi inosenteng mensahe lang. Nakakatawang isipin kung paano ang simpleng emoji ang magkukumpirma sa matagal ko nang pagduda.
Ngayon, pagkatapos ng pagkabigo, proud akong sabihin na ako ay single mom sa aking anak na babae na mas mahal ko kaysa sa sarili ko.
Oo, unti-unting naghihilom ang aking puso, ngunit ito’y nadudurog muli kapag ang aking anak ay nagtatanong tungkol sa kaniyang ama.
Siya ay limang taong gulang pa lamang. Alam ko na lalaki siya ng mabuti, dahil nangako ako na pupunuin ko siya ng pagmamahal, pag-aalaga at ibibigay ko ang kaniyang mga pangangailangan —at nararapat para sa kaniya.
Sana isang araw, kapag nagkaroon ka na ng sariling anak, hindi mo ito makikita na nasasaktan. Hiling ko sa aking anak ay hindi maranasan kung ano ang naranasan ko.
Matuto sana siya ng maayos na pagmamahal at makahanap ng tao na nararapat para sa pagmamahal na iyon. Kahit na iniwan ako ng kaniyang ama na may labis na sakit sa puso, nagpapasalamat pa rin ako dahil binigay niya sa akin ang aking anak na babae. Siya ang aking mundo at siya ang lahat ng pag-ibig na kakailanganin ko.
Isinalin sa Filipino ni Regine Dy
Translated with permission from theAsianparent Singapore