Trending na trending ngayon sa social media and #kabitlivesmatter pero bakit nga ba may mga babaeng pumapayag maging kabit? Ano ba ang masasabi rito ng mga ekpersto?
Siguradong marami na ang nakasubaybay sa The Word of the Married, marami ang nagalit at talaga namang inis na inis sa kabit na babae sa palabas. Kahit mali o imoral ang ganitong gawin hindi lamang sa relihiyon at batas ng mga bansa. Hindi pa rin napipigilan ng ilang mga babae at lalaki ang mangaliwa o maging kabit. Ang tanong bakit nga ba pumapayag ang ilang mga babaeng maging kabit kahit nakakasira sila ng pamilya?
Larawan mula sa Unsplash
Ayon sa mga eksperto may ang mga babaeng pumapayag maging kabit, dahil umano sa thrill at excitement na hatid nito. Lihim kasi ang ganitong klase ng relasyon. Madalas din pinipili nila ito dahil sa sexual excitement ng hatid ng ganitong relasyon.
Mas attractive din umano para sa ilang mga babae ang mga lalaking may pamilya na o karelasyon na. Ayon ito sa isang pag-aaral na nailathala sa Journal of Experimental Social Psychology.
Narito ang ilang mga dahilan kung bakit pumapayag ang isang babae na maging kabit.
Bakit pumapayag na maging kabit ang babae?
-
Dahil sa pag-ibig.
Maraming mga babae ang pumapayag na maging kabit dahil sa ibig. Kahit na alam nilang may pamilya ang isang lalaki. Subalit kadalasan kasi hindi madalas alam ng babae sa una na may asawa na ang lalaking mahal niya. Kahit na nalaman pa niyang kabit siya, ayos lang ito sa kaniya dahil mahal niya ang isang lalaking may asawa na at pamilya.
Dagdag pa riyan, nahuhulog at pumapayag na maging kabit ang isang babae dahil may mga pangakong binitawan halimbawa ang isang lalaki. Katulad na iiwan niya ang pamilya niya para sa kaniya. Kaya marami umanong mga babae ang pumapayag na maging kabit dahil pinanghahawakan nila ang mga ganitong pangako.
-
Gusto ng adventure.
Ang isang babaeng single halimbawa ay pumapayag na maging kabit dahil sa adventure na hatid ng ganitong set-up. Lalo na ang adventure sa sex. Kadalasan umano kasi gusto ng mga babae ang may experience na pagdating sa sex. Kaya naman kadalasan gusto nila iyong mga may lalaking may edad na at may asawa.
Pero ang mga ganitong klaseng rason o dahilan ng isang babae kung bakit siya pumapayag maging kabit ay mabilis din umanong naglalaho. Hindi rin kasi nagtatanggal ang ganitong set-up lalo na kapag nawalan na ng excitement ang isang babae sa ganitong relasyon.
-
Ayaw sa seryosong relasyon at commitment.
May mga babae na gusto lamang ang excitement na hatid ng ganitong set-up at hindi naman talaga naghahanap ng isang seryosong relasyon. Mas convenient ang ganitong set-up sa kanila dahil hindi nila kailangang magbigay ng commitment sa kanilang partner na may asawa na’t pamilya.
Alam ng ilang mga babae ito dahil mas committed pa rin ang lalaki sa kaniyang pamilya kaysa sa kaniya. Kaya naman ayos lang sa kaniya ito.
Ayon kay Chris Armstrong sa Medical Daily, “If someone is tired of the dating scene and is strictly looking for a physical piece of the pie, being the other person is not going to offend them because they are not looking for anything more serious.”
-
Ayaw ng isang babae na gawin ang mga tungkulin ng isang asawa.
Ang mga babaeng pumapayag maging kabit kadalasan ay ayaw din maging isang asawa. Hindi niya gusto ang obligasyon ng isang babaeng isang asawa o may pamilya. Kaya naman kuntento na ang ilang babae sa ganitong set-up basta nakukuha nila ang gusto nila.
-
Thrill sa pakikipagtalik
Larawan mula sa Unsplash
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit pumapayag na maging kabit ang isang babae. Iba kasi ang nararanasan nilang thrill sa pakikipagtalik dahil lihim nga ito. Naghahanap umano ang ilang mga babae ng isang physical intimacy na natatagpuan nila sa ganitong klaseng set-up.
Ayon kay Dr. Valerie Golden, isang psychologist sa Minneapolis sa isang artikulo sa Psychology Today. Naniwala umano siya na gusto ng ilang babae ang isang lalaki na kasal na dahil nga sa thrill na hatid nito.
“The need to be secretive, sneak around undiscovered and grab quick sexual encounters on the fly can be a huge turn-on in comparison to a dinner date with a single man who calls on Wednesday night for Friday.”
Dapat bang piliin ng isang babae ang maging kabit dahil sa mga ganitong rason?
Tandaan ang pagiging kabit ay masama dahil nakakasakit ka ng ibang tao. Kahit na marami ang gumagawa at pumapasok sa ganitong set-up ng isang relasyon. Dapat malaman na hindi mabuti ang makipagrelasyon sa isang taong may pamilya na. Kahit na ikaw ay maligaya ay nasasaktan ka namang iba.
Kung ikaw ay single handa ka ba na maging kahati lang? Ayos lang ba talaga ang hatid na thrill at excitement ng ganitong set-up ng relasyon sa ‘yo? Isipin niyo na lamang kapag may mga okasyon o holiday hindi kayo ang kaniyang priority dahil mas priority pa rin niya ang kaniyang pamilya.
Sa isang artikulo ni “Tim C” sa The Cut, ibinahagi niya ang kaniyang personal na karanasan patungkol sa pagiging kabit. Paliwanag niya,
“I know a lot of people who have done that — people who are married to somebody they met while that person was married to someone else. And some of those relationships are happy and long lasting, but I think everybody has to save themselves.”
Don’t settle for less ika nga nila. Deserve ng bawat isa na ng mahalin ng buo at walang kahati. Kung gusto niyo ng excitement o thrill marami namang ibang paraan upang mahanap at ma-achieve ito ng hindi nakakasakit ng kapwa. Huwag matakot sa commitment dahil lahat naman ng relasyon ay may mga pagsubok.
Kung ikaw naman ay may asawa at pakiramdam mo ay nawawalan na ng thrill at excitement ang inyong relasyon. Kailangan mo itong sabihin sa inyong partner upang mapag-usapan niyo kung ano ang pwede niyong gawin para manumbalik ito. Huwag humanap ng thrill at excitement sa ibang tao. Kaya naman be faithful dahil its all in the mind at maging tapat sa inyong mga partner patungkol sa inyong nararamdaman.
Source:
medicaldaily
BASAHIN:
#AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?
Alamin dito ang 3 uri ng pangangaliwa na walang kinalaman sa sex
Nangaliwa ang asawa ko, maaayos pa ba ang relasyon namin?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!