X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?

4 min read
#AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?#AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?

Ano nga ba ang maaaring i-kaso sakaling mangaliwa sa iyo ang asawa mo? Alamin dito, pati na rin kung ano ang puwedeng kaso laban sa kabit.

Ano ang kaso laban sa kabit?

Kasong kriminal ang adultery at concubinage, ayon sa Philippine Law. May habol ba si misis ( o si mister) na kinaliwa ng kaniyang kabiyak? At ano ang puwedeng kaso laban sa kabit?

“Pagkatapos ng 15 taon, sa kabila ng mga sakripisyo ko, nambabae pa rin ang asawa ko. Gusto kong kasuhan ang kabit niya. Paano ako magsisimula? Ano ang kaso laban sa mga kabit na pwede kong isampa?”

Ito ang hinagpis ng isang misis na gustong ipaglaban ang karapatan niya at ng kaniyang mga anak, at maparusahan ng batas ang sumira ng pamilya niya. Ano nga ba ang kasong pwedeng isampa sa panlolokong ginawa ng iyong mister—o misis?

kaso laban sa kabit

Kaso laban sa kabit, ano ang maaaring gawin ng mga may-asawa? | Image from Freepik

 

Ang adultery at concubinage ay mga kasong kriminal na sinasabing “crimes against chastity” sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines. Ang dalawang ito ay pawang itinuturing na sexual infidelity ayon sa Family Code.

Ayon kay Atty. Ariel Magno, attorney-at-law, may pagkakaiba ang adultery at concubinage. Sa ilalim ng Revised Penal Code, Article 333, ang adultery ay ang pagkakaron ng seksuwal na relasyon ng isang babaeng may asawa, sa isang lalaki na hindi niya asawa. Habang sa ilalim ng naman ng Article 334, concubinage ang kaso na maaaring isampa sa pakikiapid, at pagsasama sa iisang tirahan ng isang lalaking may asawa sa isang babaing hindi niya asawa. Sa batas, concubine ang tawag sa kabit ni mister.

Kaso laban sa kabit ni mister

Ayon kay Atty. Magno, ang asawang babae ay puwedeng idemanda ang kabit ng kaniyang mister (at ang kaniyang mister) sa grounds na concubinage. Paliwanag pa ni Atty. Magno, “Puwede lang ito sa ilalim ng mga sumusunod na kalagayan o circumstances,”:

1. Itinira ni mister sa bahay nilang mag-asawa ang kabit

2. Ibinahay ni mister ang kaniyang kabit; at

3. May “sex under scandalous circumstances” tulad ng nahuli ni misis sa akto na nagtatalik ang mister at ang kabit nito.

Maaari ding mag-demanda si misis para sa damages (moral, at iba pa.) lalo na kapag iniwan ng lalaki ang misis at mga anak niya.

kaso laban sa kabit

Kaso laban sa kabit, ano ang maaaring gawin ng mga may-asawa? | Image from Freepik

Pagkakaiba ng Adultery at Concubinage 

  • Ang adultery ay kaso laban sa isang babaing may asawa at sa kaniyang kabit na lalaki. Ang concubinage ay kaso laban sa kabit ng lalaki o concubine, at sa lalaking nagtaksil sa kaniyang asawa.
  • Sa adultery, kakailanganin ng ebidensiya ng sexual intercourse at sapat na ito para makapagsampa ng kaso. Sa concubinage, kailangang mapatunayang ang pakikipagtalik ay mapapatunayang nakapag-eskandalo.
  • Ang concubinage ay may mas mababang parusa kaysa adultery. Ang parusa sa kabit na babae (concubine) ay destierro, o pagpapalayas mula sa tinitirhan nito kung saan sila nagsasama ng lalaki. Sa adultery, ang parusa para sa lalaking kabit ay pareho ng parusa para sa ‘guilty wife’. 
kaso laban sa kabit

Kaso laban sa kabit, ano ang maaaring gawin ng mga may-asawa? | Image from Freepik

Kaso laban sa kabit

Ang pakikiapid o pangangaliwa ay isa sa mga pinaka-karaniwang dahilan ng pagsasampa ng kaso sa mga mag-asawa, bagamat hindi ito tinuturing na ground for annulment. Ang infidelity ay maaari lamang maging basehan ng legal separation o pagsasampa ng kasong concubinage o adultery. Hindi rin ito pwedeng maging tanging basehan sa usaping kustodiya ng anak o mga anak. 

Ang mga batas na nabanggit sa itaas ay sinasabing discriminating para sa mga asawang babae. Para sa adultery, ang babaing nangaliwa at ang kaniyang kabit na lalaki ay maaaring makulong ng hanggang 6 na taon. Para sa concubinage, ang asawang lalaki ay maaaring makulong ng hanggang 4 na taon at isang araw, at ang kaniyang kabit ay pwedeng hindi makulong, at pwede lang mapaalis sa tinitirhan nila ng lalaki.

Kung ang asawang nag-demanda ay nagpatawad sa kaniyang mister na nangaliwa pati sa kabit nito, hindi na pwedeng ituloy ang kaso. Maaaring gumawa ng kasulatan o affidavit na nagsasalaysay ng kapatawaran.

 

SOURCE:

Atty. Ariel Magno, attorney-at-law

BASAHIN: 

Galit na misis, binugbog ng takong ang kabit ni mister!

Mister: “Bakit ko kailangan bigyan ng allowance ang misis ko? E, ako naman gumagastos sa lahat!”

Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?

Partner Stories
YEY'S Return On TV Welcomed By Netizens
YEY'S Return On TV Welcomed By Netizens
LOOK: Lacoste Spring Summer 2020 Fashion Show
LOOK: Lacoste Spring Summer 2020 Fashion Show
PAW Patrol: Ready Race Rescue premieres on Nick Jr. this September!
PAW Patrol: Ready Race Rescue premieres on Nick Jr. this September!
Enjoy Free Shipping, ₱1 Deals, Bigger Cashbacks, and More at the 4.4 ShopeePay Cashless Festival
Enjoy Free Shipping, ₱1 Deals, Bigger Cashbacks, and More at the 4.4 ShopeePay Cashless Festival

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • #AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?
Share:
  • REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

    REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

app info
get app banner
  • REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

    REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.