Hindi pagbibigay ng allowance ni mister kay misis, pang-aabuso sa kababaihan nga ba?
Mister tumangging bigyan ng allowance ang kaniyang misis
Sa pamamagitan ng Reddit ay hiningi ng isang mister ang payo ng mga netizen sa isang isyu na gumugulo sa isip niya. Ang tanong ng mister, mali ba siya kung hindi niya bigyan ng allowance ang kaniyang misis? Lalo pa’t siya naman ang gumagastos sa pangangailangan sa bahay.
Kuwento ng nasabing mister, sila ng kaniyang misis ay nasa early 20’s at dalawang buwan pa lamang naikakasal. Nang sila ay maikasal, iniwan ng kaniyang misis ang kaniyang trabaho at pamilya para maging full time housewife sa kaniya.
Silang mag-asawa ay may sariling bahay. Ang mister ang sumasagot sa renta nito at sa lahat ng kanilang kailangan tulad ng groceries.
Habang ang kaniyang misis naman ay ginagamit ang kaniyang naipon noong siya ay nagtratrabaho pa para mabayaran ang insurance ng kotse, WiFi at ng iba pa niyang bills.
Puring-puri rin nito ang misis na hindi nagpapabaya sa pag-aasikaso sa kaniya at pagluluto ng masarap na pagkain.
“I must say my wife is a very good stay at home wife. She cooks very nice meals and bakes these amazing cakes for me every few days.
She cooks me pancakes in the mornings as hers are honestly the best I’ve ever had. And she makes sure my lunch is packed and dinner is on the table when I get home. Also, the house is spotless.”
Ito ang pagpuring pahayag ng mister sa kaniyang misis.
Dahil siya naman umano ang may sagot sa lahat ng gastusin sa bahay
Isang gabi ay nagsabi umano ang kaniyang misis na paubos na ang kaniyang savings. Kung maaari ay mabigyan niya ito ng allowance na katumbas lang ng 3% ng kaniyang buwanang sahod. Ito’y upang magkaroon siya ng pambili ng kaniyang personal at beauty needs.
Pero tumanggi ang mister na bigyan ng allowance ang kaniyang misis. Katuwiran niya, siya na ang gumagastos sa mga pangangailangan sa bahay. Kung kailangan niya talaga, ay sabihin niya lang ang halaga at saka niya na ang magta-transfer nito.
Ayon pa sa mister, gusto naman magtrabaho muli ng kaniyang misis. Ngunit nahirapan itong humanap ng trabaho dahil sa pandemic. Pero kung siya umano ang tatanungin, hindi naman umano na nito kailangang magtrabaho.
Dahil sa wala naman umano itong dapat pagkagastusan at sagot niya ang lahat ng pangangailangan sa bahay. Hindi umano nagustuhan ng kaniyang misis ang sagot niyang ito.
“I told her I won’t be giving her any allowance. And if she needs anything like her nails done or her creams to just ask me instead and I’ll transfer her the amount.
She got into a mood because I said no. But I reminded her how I’m the one who’s covering everything anyways. And how I don’t even want her to work because she doesn’t need to.”
Ito ang dagdag pang pahayag ng naturang mister.
Kung ikaw ba ang kaniyang misis, anong mararamdaman mo? Kung ikaw ang mister, ganoon din ba ang gagawin mo?
Pang-aabuso sa kababaihan
Dito sa Pilipinas ang tinuran ng naturang mister ay maituturing na pangaabuso sa kababaihan. Kilala ito sa tawag na economic abuse na tinutukoy sa ilalim ng batas na Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Ano ang economic abuse?
Ayon sa RA 9262, ang economic abuse ay tumutukoy sa pang-aabuso sa kababaihan na kung saan siya ay ginagawang financially dependent ng kaniyang mister o partner. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:
- Pagpapatigil sa babaeng mag-engage sa isang propesyon, trabaho o activity na kung saan magkakaroon siya ng sarili niyang pera. Maliban nalang kung ang pagpatigil na ito ng mister o partner ng babae ay may moral grounds o serious valid reason na ayon sa Article 73 ng Family Code of the Philippines.
- Maituturing din na economic abuse ang deprivation sa paggamit ng babae ng resources na conjugal property nilang mag-asawa.
- Economic abuse din ang paninira ng household property ng isang babae.
- Pati na ang pagkokontrol sa sariling pera ng babae o biktima o ang hindi pagbibigay karapatan dito na kontrolin ang conjugal money at property nilang mag-asawa.
Sa ilalim parin ng RA 9262, ang sinumang magsagawa ng pang aabuso ng kababaihan na ito ay maaaring maparusahan. Siya’y maaaring makulong ng hindi bababa sa 6 na taon hanggang sa 12 taon. Maaari ring pag-multahin ng hindi bababa sa P100,000.00 hanggang P300,000.00.
Samantala, Oktubre nitong nakaraang taon ay isinusulong sa kongreso ang House Bill 4888. Layuning ng batas na ito na bigyan ng pantay na karapatan ang mga kababaihan at kalalakihan sa ilalim ng RA 9262. Tulad ng pagtuturing na economic abuse ang pagkuha ng misis sa lahat ng sahod o ATM ng kaniyang mister.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!