Maggie Wilson sa pagkakaaresto ng 64-anyos niyang ina dahil sa carnapping: “My mother has looked after OUR son and YOU through thick and thin.”

Ayon kay Maggie, may kinalaman ang mister niyang si Vic Consunji sa pagkakaaresto ng kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maggie Wilson 64-year-old mother naaresto dahil sa carnapping. Narito ang kuwento.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maggie Wilson 64-year-old mother inaresto dahil sa carnapping.
  • Celebrity mom nakakatanggap umano ng mga tawag dahil sa pagkakautang ng kaniyang estranged husband.

Maggie Wilson 64-year-old mother inaresto dahil sa carnapping

Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson

Sa Instagram ay ibinahagi ni Maggie Wilson na inaresto dahil sa kasong carnapping ang 64-year-old mother niyang si Sonia Nales-Wilson. At hinala ni Maggie may kinalaman dito ang estranged husband niyang si Vic Consunji na patong-patong na kaso rin ang sinampa sa kaniya.

“A few moments ago, multiple officers came to arrest my mom. My mother has looked after OUR son and YOU through thick and thin. You've hit a new low.”

Ito ang pagbabahagi ni Maggie sa kaniyang IG story na tila patama kay Vic.

Pagpapatuloy pa ni Maggie, nakakapagtaka na makasuhan ng carnapping ang kaniyang ina na walang driver’s license at hindi marunong mag-drive.

“My 64-year-old mother was arrested this morning for carnapping. She doesn't have a license, let alone knows how to drive.”

Ito ang sabi pa ni Maggie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson

Celebrity mom nakakatanggap umano ng mga tawag dahil sa pagkakautang ng kaniyang estranged husband

Sa isa pang IG post ay ibinahagi rin ni Maggie na nag-pledge daw si Vic noong 2021 ng maghiwalay sila na makakatanggap siya ng twenty thousand stipend o allowance per month. Pero ni isang beses daw ay hindi ito nangyari. Sa katunayan ang bahay daw na nilapatan niya ng maghiwalay sila ay may utang na 6 month's bills na siya ang nagbayad. Maliban pa dito lagi rin daw nakakatanggap ng tawag si Maggie ng mga naniningil ng utang kay Vic.

“I get phone calls and messages every single day from people chasing debt. If you think for a moment that this is about me extracting money from him, it’s quite the opposite. For legal reasons, this is not about who you think it is. The sky is green, and unicorns exist.?”

Ito ang bahagi pa ng post ni Maggie sa Instagram.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement