Maggie Wilson maraming beses umanong sinubukang makipag-usap sa mister na si Vic Consunji para sa anak na si Connor: “I have always wanted to co-parent”

Ayon kay Maggie, hindi niya isinasara ang pinto sa kanilang dalawa ni Vic na magkasundo para sa anak nilang si Connor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maggie Wilson may bagong labang kinahaharap sa social media ng dahil umano parin sa mister na si Vic Consunji. Hinaing ni Maggie gusto niya lang naman makasama ang kaniyang anak na si Connor.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Relasyon ni Maggie Wilson at mister niyang si Vic Consunji.
  • Maggie maraming beses umanong nakipagusap kay Vic para sa kapakanan ng anak nilang si Connor.

Relasyon ni Maggie Wilson at mister niyang si Vic Consunji

Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson

Patuloy parin ang mala-telenobelang drama sa pagitan ng mag-asawa na sina Maggie Wilson at Vic Consunji. Matatandaang September 2021 ng ibahagi ni Maggie sa Instagram na hiwalay na sila ng mister. Hindi niya binanggit ang dahilan ng paghihiwalay pero sinabi niyang maayos ang kanilang separation. At nanatili silang magkaibigan para sa anak nilang si Connor.

Makalipas ang ilang buwan, December 2023 ay umalma si Maggie sa kaniya paring Instagram account. Ang reklamo niya hindi niya nakasama ang anak na si Connor sa pagdiriwang ng pasko. Pero kalaunan ay nagbigay siya ng update na ipinahiram na sa kaniya ang anak matapos ang kaniyang naging hinaing sa social media.

February 2022 nakasama pa ni Maggie ang anak na si Connor sa 10th birthday nito na kung saan naroon rin ang mister niyang si Vic Consunji. Hanggang sa noong July 2022 ay ibinahagi ni Maggie na kinasuhan siya ng adultery ni Vic at natatakot siya sa kaligtasan ng buhay niya at kaniyang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula noon si Maggie hindi na nakita pa ang anak niyang si Connor. Hindi narin siya nakabalik pa dito sa Pilipinas dahil sa mga kasong isinampa sa kaniya ng dating asawa. Maraming beses na nagmakaawa si Maggie na matulungan siyang makita man lang ang anak. O kahit na ang maipaabot lang dito kung gaano siya kamahal ni Maggie kahit magkalayo sila.

Maggie maraming beses umanong nakipagusap kay Vic para sa kapakanan ng anak nilang si Connor

Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson

Sa pinakabagong Instagram post ni Maggie patungkol parin sa bagong laban sa pagitan nila ni Vic ay ibinahagi niya ang kaniyang nararamdaman ngayon. Partikular na kung bakit patuloy ang demolition job sa kaniyang pangalan habang ang tanging nais niya lang naman ay makita at makasama ang anak niyang si Connor. Isang bagay na ayon kay Maggie ay ilang beses niyang ipinakiusap sa mister na si Vic na gawin nilang amicable para sa kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I walked away in 2021 and I walked away peacefully. Yes, things are always a little challenging at the start of ending a relationship. But I have always wanted peace. I have always wanted to co-parent. In fact, I wanted things to be friendly, amicable and blended (and still do). I have never closed or cut communications. I have always tried to find reason and common ground for the sake of our son, Connor.”

Mula sa post ni Maggie, mahihinuha na hindi parin niya inaalis ang amicable settlement sa pagitan nilang mag-asawa para sa kapakanan ng kanilang anak.

Samantala, sa kaniyang Instagram account ay agaw pansin rin ang latest post ni Vic Consunji. Ibinahagi niya ang matahimik na bakasyon nila sa Anse Lazio, Praslin Island, Seychelles. Sa mga larawang kalakip ng post ay unang makikita si Vic na nakangiti at nakaupo sa isang malaking bato. Sunod na larawan ay makikita ang girlfriend nitong si Rachel Carrasco at ang baby girl na sinasabing anak nilang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Vic Consunji