Buntis at nais malaman kung magkano manganak ng normal delivery sa ngayon? Narito ang mga dapat mong malaman at paghandaan pagdating sa gastusin sa iyong panganganak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Gastos at dapat asahan sa kung magkano manganak ng normal delivery sa ngayon.
- Mga sagot ng ating TAP moms sa kanilang naging gastusin sa panganganak via normal delivery.
Magkano manganak ng normal delivery?
People photo created by DCStudio – www.freepik.com
Sa panganganak, syempre lahat tayo ay ninanais na hangga’t maari ay hindi maging mahirap at masakit ang magiging delivery natin kay baby.
Sa hirap ng buhay marami naman sa atin ang nais din sanang huwag masyadong gumastos ng malaki habang nakakasiguro na safe at healthy ang ipanganganak nating sanggol.
Dito sa Pilipinas, maraming Pilipina ang gustong manganak sa pamamagitan ng normal delivery. Dahil maliban sa mas less ang gastos dito, hindi mahirap o matagal ang recovery kumpara sa cesarean section na may kailangan kang ingatan na tahi.
Pero magkano nga ba ang manganak ng normal delivery sa ngayon? Ibinahagi ng ilang TAP moms kung magkano ang nagastos nila sa panganganak sa kanilang baby via normal delivery.
Ayon sa isang TAP mom na si Maricel Tendenilla, base sa kaniyang karanasan mas nakamura siya sa panganganak sa lying-in kaysa sa ospital.
Dahil sa pangalawa niyang anak na ipinanganak sa ospital ay P8,000 ang binayaran niya. Habang sa panganay at pangatlo niyang anak na sa lying-in na pinanganak ay P5,000 na lang. Ito ay naging possible sa tulong ng PhilHealth na kung saan miyembro siya.
Mas mura sa lying-in clinic kumpara sa private ospital
Image screenshot from The Asianparent Community
“1st born lying-in.. Almost 5k.. 2nd born hospital.. Almost 8k (private doctor) 3rd born lying in.. Almost 5k.. Ps. kasama na po mga gamot nyan.”
Dagdag ni Mommy Maricel, ang P8,000 na bill niya sa ospital ay napunta sa doctors fee at mga gamot niya. Siya ay nanganak sa provincial hospital na kung saan halos na-cover rin lahat ng PhilHealth ang ginastos niya sa panganganak.
Ayon naman kay Mommy Lucy Mei Prietos na nanganak sa isang private hospital. Umabot sa P27,000 ang nagastos niya sa panganganak sa second baby niya nito lang buwan. Mas mahal ito ng kaunti kumpara sa first baby niya na ipinanganak noong nakaraang taon.
“First baby, March 2020 – Private hospital 22k (less PhilHealth) Second baby, September 2021 – Private hospital 27k (less PhilHealth)”
Samantala, para naman sa TAP mom na si JoyAnne Rania, ang dapat sanang P5,000 na bayad sa panganganak niya sa lying-in ay naging P21,000. Ito ay dahil kinailangan siyang turukan ng pampahilab at bigyan ng dagdag na gamot para mailabas ng maayos at ligtas si baby.
“21k. pero dapat 5k lang. Lying in lang kasi ko, kaso pumutok panubigan ko ng hindi nahilab tiyan ko kaya kinailangan ko ng OB pra maturukan ako ng pangpahilab. Nag-antibiotic din si baby kaya umabot ng ganung hlaga. pero okay lang, worth it naman 😊”
May dalawang TAP moms naman ang halos magkapareho ng nagastos sa panganganak sa semi-private lying-in clinic at hospital.
Image screenshot from The Asianparent Community
BASAHIN:
Dad confession: “Na-trauma ako after kong makita ang panganganak ng misis ko”
Mag-ina, pumanaw matapos paanakin ng normal delivery kahit ‘di umano may low-lying placenta
Mom of three experienced normal, CS, and VBAC—spills the beans on which delivery is the best
Halos zero balance naman pagdating sa mga government-owned hospital at birthing clinics
Habang may ilan, ang sinabing halos wala silang binayaran sa panganganak. Ito ay dahil sa public hospital o lying-in clinic nila isinilang ang baby nila. Pero ang benepisyong ito ay open lang para sa mga PhilHealth member na buntis.
Image screenshot from The Asianparent Community
Tulang na lang ng 27-anyos na inang si Pinky Pedriña na kapapanganak lang nitong July 13, 2021 sa isang public hospital.
“Nasa 500+ lang kasi may PhilHealth tapos lumapit kami sa SWA (Supplementary Welfare Allowance). Ang gastos lang ‘yong pang personal at mga gamot na sa labas binibili.”
Ito ang sabi ni Pinky sa aming panayam sa kaniya.
Pero dagdag ni Pinky, kahit halos wala silang ginastos sa panganganak sa kaniyang 2nd baby ay naging traumatic ang kaniyang experience.
Sapagkat sa kumakalat na sakit si Pinky ay nangangak na may suot na facemask at face shield. Ito ay naging dahilan para mahirapan siyang makahinga at nagresulta sa sub conjunctival hemorrhage from forceful pushing na dahilan na magdugo ang ilong niya at at magkaroon ng mga namuong dugo sa mga mata niya dahil sa panganganak.
Sa public hospital rin nanganak ang first time mom na si Jonash Cosme. Halos wala rin siyang binayaran sa panganganak. Pero pagbabahagi niya ang panganganak sa public hospital ay hindi kasing komportable ng panganganak sa private hospital o lying-in clinic.
“Sa public ako nanganak, ang bill is zero naman sa public and sa baby ang binayaran ko is P700 plus lang. Okat naman, though ‘di siya ganun kaalwan (kakomportable) like sa bed may kasama ka.”
Dahil sa pandemic mas malaki ang singil ng panganganak sa mga private hospitals
Mas malaki naman ang nagastos ng first time mom na si Portia Pauleth P. Agpoon sa panganganak dahil sa nararanasang pandemya.
Si Portia nanganak ng normal delivery pero umabot sa P150,000 ang bill niya sa isang private hospital. Ito ay dahil sa additional payments dulot ng COVID-19 pandemic. Dahil nar in nakaranas ng ilang komplikasyon ang baby niya at si Mommy Portia.
“Problema kasi dun ikaw lahat magbabayad ng swab at ng mag aassist sa doc o during labor. Dahil magiging exclusive na sila sa patient during labor para iwas hawaan kaya napamahal.”
Ito ang kuwento ni Mommy Portia kung bakit umabot sa ganoong halaga ang panganganak niya.
Sa kabuuan, kung ikukumpara ay mas mura ang manganak sa mga public hospitals. Pero kung gusto ng komportable, may mga lying-in clinics rin na abot-kaya ang singil.
Kung safety at security naman ay maraming mga private hospitals naman ang maaring pagpilian. Pero syempre ang kailangan ay paghandaan ang panganganak dito na katumbas ng malaking halaga. Mas napamahal pa nga ito dahil sa nararanasan nating COVID-19 pandemic.