Madalas mo bang napapansin na hindi na nagsasabi ng totoo ang iyong anak? Nagsisimula na nga ba siyang matuto na magsinungaling kahit siya ay bata pa lamang? Alamin ang sagot ng mga eksperto dito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Edad kung kailan natututong magsinungaling ang mga bata, base sa mga experts
- Mga tips kung paano ma-encourage ang mga anak na magsabi ng totoo
Edad kung kailan natututong magsinungaling ang mga bata, base sa mga experts
Halos lahat tao ay nakararanas ng pagsisinungaling, usapin man ‘yan ng malaki o maliit na bagay. Para sa mga bata, kailan nga ba sila nagsisimulang matutong hindi magsabi ng totoo?
Ayon sa mga pag-aaral, nagsisimula raw magsinungaling ang ilan sa mga bata bago sila umabot ng three years old. Pagtuntong daw nila sa edad na apat na taong gulang ay halos 70% na ang nagsisinungaling sa kanila paminsan-minsan. Para sa mga researcher, nangyayari raw ito sa tuwing magsisimula nang magkaroon ng natural consequence ng cognitive development nila.
Konektado raw kasi ang pagsisinungaling nga bata sa pagde-develop din ng kanilang ‘mind-reading skills’. Kaya nga, kung mas maagang nalalaman ng bata kung paano nag-iisip ang tao ay may maaga rin silang matututo na magsinungaling.
Para malaman kung paano nagsisinungaling ang bata, nagsagawa ang mga mananaliksik ng pag-aaral hinggil dito. Tinatawag ang eksperimentong ito na ‘temptation resistance paradigm’ o ‘don’t peek scenario’.
Sa pag-aaral, layunin nitong makita kung gaano nga ba nate-tempt ang bata na tumingin sa mga nakatagong bagay. Dito ay sinubok ng mga adult na pahulaan ang mga bata sa hawak nilang laruan habang nakatalikod sila. Pinatutunog nila ito upang magkaroon ng clue ang bata sa kung ano ang hawak-hawak.
Matapos ang ilang rounds, ay magpapaalam ang adult na aalis saglit ngunit magre-resume rin pagbalik. Aabisuhan din nila ang mga bata na bawal tingnan ang bagay na dapat nilang hulaan. Dito ay malalaman kung sino sa mga bata ang susubukan na tingnan ang laruan kapag wala ang nakatatanda.
Matapos nito, nakitang halos karamihan sa kanila ang sumilip sa laruan. Karamihan sa umaming sumilip sila ay mga toddler na edad 3 taon pababa.
Lahad ng mga eksperto, ang mga batang ito rin ang nagsisinungaling pagtuntong nila ng apat na taong gulang. Samakatuwid, ito raw ang nagiging common response ng mga bata pagdating nila sa edad na ito.
Ayon din sa eksperto, hindi naman daw kaagad nakakabahala ang ganito. Sa katunayan, ito ang way ng mga bata na i-explore ang kanilang psychological abilities upang mas ma-develop pa ito.
Hindi raw kasi nalalaman ng bata na mali ang ginagawa nilang pagsisinungaling hangga’t hindi pa sila nakakatuntong ng limang taong gulang. Dito kasi nila mas naiintindihan na ang mga bagay-bagay tulad ng tama o mali.
Mga tips kung paano ma-encourage ang mga anak na magsabi ng totoo
Parents ang may malaking role upang mahubog ang values at good morals ng bata. Magsisimula kasi sa tahanan kung paano ang magiging pag-uugali niya habang tumatanda.
Bagaman paminsan-minsan ay nakakapagsabi ng hindi katotohanan ang mga bata, maaari pa rin silang turuan na magsabi ng totoo.
Narito ang ilang tips upang kahit papaano ay maiwasan nila ang pagsisinungaling:
- Simulan sa pagiging good role model sa anak – Ika nga ay ginagaya ng bata ang ginagawa ng matanda. Dapat sa parents pa lang makita na nilang dapat pala ay nagsasabi ng totoo. Sa ganitong paraan mas mapa-practice nila ang hindi pagsisinungaling.
- Purihin ang anak sa pagsasabi nila ng totoo – Ang pagsisinungaling ng bata ay hindi gaanong nakapapahamak sa ibang tao gaya ng ginagawa ng adults. Minsan ay nagsisinungaling lang sila na niligpit na ang laruan kahit hindi pa o kaya naman ay kinain ang candy kahit bawal. Sa pagkakataong nag-confess ang anak, huwag silang sermunan sa kanilang ginawa. Mas magandang purihin sila dahil sa pagsasabi ng totoo. Kung parati itong gagawin ay mae-encourage pa silang magsabi parati ng katotohanan.
- Iwasan ang pagbabanta at pagbibigay ng punishment sa mga anak – Ang mga ganitong paraan ay hindi nakaka-encourage sa kanila na magsabi ng totoo. Lalo pa silang magsisinungaling dahil umiikot ang mundo nila sa takot na makapag-open sa iyo.
- Iparamdam sa anak na safe ang mag-open ng mga bagay sa iyo – Comfort ang isa rin sa makakapag-engganyo sa kanya magsabi ng mga nalalaman niya. The more the nararamdaman niyang safe na magsabi ng mga bagay sa iyo ay the more na gagawin niya na ito parati.
- Magkaroon ng healthy communication sa pamilya – Ang way upang maging comfortable ang bawat isa ay ang pagkakaroon ng healthy communication. Kung ito ang laging ginagawa ng pamilya, bukas lang ang mga anak na lumapit sa parents at sabihin ang katotohanan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!