X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

2 Rason kung bakit nagiging mahiyain ang bata

3 min read
2 Rason kung bakit nagiging mahiyain ang bata2 Rason kung bakit nagiging mahiyain ang bata

Alamin ang sinasabi ng mga eksperto at mga pag-aaral kung bakit may mahiyain na bata at may mga outgoing na bata. Ano ang mga maaaring gawin ng magulang?

Iba-iba ang bawat bata at may sari-sarili silang personalidad. Mayroong mga bata na walang takot sa mga tao at handang lumapit, makipag-kilala at makipag-laro sa kahit sino. Ngunit, mayroon din namang mga mahiyain na bata. Alamin natin ang mga rason kung bakit nagiging mahiyain ang isang bata. Alamin din natin ang maaaring gawin ng magulang para mabago ang ugali na ito.

Likas na ugali ba ang pagiging mahiyain na bata?

Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pag-uugali ng tao ay maaari nang makita kahit apat na buwang gulang pa lamang. Masusuri ito sa kung paano ang reaksyon nila sa mga pagbabago. Isa sa mga maaaring gamitin ay ang mga makukukay na laruan. Kung ang bata ay positibo o walang reaksyon dito, malamang na siya ay maging pala-kaibigan pagpasok sa paaralan. Subalit, kung siya ay tila overwhelmed o natakot dito, siya ay malamang na maging mahiyain na bata.

Ang likas na ugaling ito ay kanilang nadadala sa kanilang paglaki. Sila ay tila takot makihalubilo sa tao na maaaring maging hadlang sa development ng kanilang social circles.

Sa kabutihang palad, maaari pang mabago ang ugali. May ilan din na ayon sa mga eksperto ay kailangan lamang ng tamang panahon bago mabawasan ang pagiging mahiyain. Subalit, may ilan din na sobra sobra ang pagiging mahiyain. Ayon sa mga pag-aaral, pumapatak ito sa nasa 10%-15% ng mga bata. Sa mga ganitong kaso, tinatayang nasa 40% ng bilang nila ay maka-develop ng social anxiety sa kanilang paglaki. Upang maiwasan ito, may ilang interventions at therapy na maaaring gawin para matulungan mabawasan ang sobrang pagiging mahiyain.

Parenting style

Kung ang bata ay likas na mahiyain, may maaaring maitulong ang magulang para mabawasan ito o para hindi ito lumala. Ayon sa mga pag-aaral, ang paraan ng pagdidisiplina ay dapat magdepende sa kaugalian ng bata. Kung mali ang maging paraan na gawin, maaaring hindi maging epektibo ang pagdidisiplina. Maaari rin na lumala ang social anxiety ng bata kapag ito ay mahiyain.

Ayon sa mga eksperto, magkaiba dapat ang paraaan ng pagdidisiplina sa mga outgoing na bata at mga mahiyain na bata. Kapag ang isang bata ay outgoing at adventurous, hindi sila madaling mapapasunod sa mga pagdidisiplina na gentle. Kailangan silang bigyan ng masmaraming atensyon kapag may nagawang mali. Ito ay dahil hindi sila madaling makaramdam ng anxiety.

Sa mga mahiyaing bata naman, dapat ay mas gentle ang maging pagdidisiplina. Kapag may nagawa silang mali, mas madali silang makaramdam ng anxiety at takot sa mga maaaring mangyari. Dahil dito, dapat iwasan na bigyan sila ng masmabigat na parusa sa kanilang mga kasalanan. Kapag mangyari ito, maaaring lumala ang kanilang social anxiety na maaaring dalhin hanggang sa kanilang paglaki.

Makikita man na nasa biology ng bata ang pagiging mahiyain, maaari parin na magkaroon ng mga anak na iba-iba ang ugali. Ang mga bata nga naman ay may sariling personalidad at sariling pagkatao. Maaaring sila ay mahiyain habang ang kanilang kapatid ay hindi. Mahalaga na umayon ang paraan ng pagdisiplina ng magulang upang ang mga bata ay lumaki sa pinakamagandang version ng kanilang pagkatao.

Basahin din: STUDY: Kapag mas matanda raw ang nanay, ay mas disiplinado ang anak

Source: Psychology Today

Partner Stories
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 2 Rason kung bakit nagiging mahiyain ang bata
Share:
  • Mahiyain ba ang anak mo? Narito ang mga maari mong gawin para palakasin ang kaniyang loob

    Mahiyain ba ang anak mo? Narito ang mga maari mong gawin para palakasin ang kaniyang loob

  • STUDY: Ang epekto ng pagbibigay ng 'time out' sa bata

    STUDY: Ang epekto ng pagbibigay ng 'time out' sa bata

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Mahiyain ba ang anak mo? Narito ang mga maari mong gawin para palakasin ang kaniyang loob

    Mahiyain ba ang anak mo? Narito ang mga maari mong gawin para palakasin ang kaniyang loob

  • STUDY: Ang epekto ng pagbibigay ng 'time out' sa bata

    STUDY: Ang epekto ng pagbibigay ng 'time out' sa bata

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.