Mahalaga sa lahat ng magulang na malaman kung bakit nagkakaroon ng bulate sa tiyan, at kung paano rin ito gagamutin at maiiwasan. Kung mapabayaan, ang pagkakaroon ng bulate ay posibleng magdulot ng iba’t-ibang sakit, at paghina ng katawan ng ating mga anak.
Paano nagkakaroon ng bulate sa tiyan?
Madalas nagkakaroon ng bulate kapag hindi wasto ang pagkaluto sa pagkain. Ito rin ay nakukuha sa paghawak sa maruming tubig, sa pagsubo ng kamay na nakahawak sa lugar na may bulat. Pati na rin sa pagdikit ng balat sa lupa kung saan mayroong mga bulate.
Image from Freepik
Ang mga bulate ay kadalasang nakukuha sa mga maduduming lugar, kaya’t mahalaga na turuan nating umiwas dito ang ating mga anak.
Ito rin ay tumitira sa katawan ng mga hayop, tulad ng baboy, kaya’t importanteng lutuin ng mabuti ang karne na ihinahain sa ating pamilya. Kadalasa mga bata ang nagkakaroon ng bulate dahil madalas silang maglaro sa labas, at minsan ay nakakalimutan nilang maghugas ng kamay bago kumain.
Ang bulate ay isang parasite na titira sa loob ng tiyan ng bata. Dito ay nagdudulot sila ng iba’t ibang sakit, at dumadami, kayat’ mahalaga ang pagpurga dahil ito lamang ang paraan upang masiguradong mamatay lahat ng bulate sa tiyan ng bata.
Ano ang mga sintomas nito?
Image from Freepik
Ito ang iba’t-ibang sintomas na makapagsasabi sa mga magulang kung dapat na ba nilang ipatingin sa doktor ang kanilang anak dahil sa pagkakaroon ng bulate:
- Walang gana kumain
- Pangangati sa may bandang puwitan
- Pagsusuka
- Biglang pagpayat o pagtaba
- Anemia
- Mababang IQ
- Mababang resistensya
Ano ang pwedeng gawin tungkol sa bulate sa tiyan?
Ito ang mga paraan upang makaiwas at maagapan ang pagkakaroon ng bulate sa mga bata:
Image from Freepik
- Turuan na maghugas ng kamay ang mga bata bago kumain, at pagkatapos maglaro sa labas.
- Siguraduhing luto ang mga karne na ihahain sa iyong pamilya, lalong-lalo na kung baboy.
- Siguraduhing malinis ang tubig sa inyong tahanan. Kung may duda, pakuluan muna ang tubig na pang-inumin bago painumin sa iyong mga anak.
- Kung kailangan ng pagpurga, mayroong mga libreng programa ang gobyerno na nagbibigay ng gamot para sa pagpurga ng bulate.
- Pwede rin namang pumunta sa botika at bumili ng pampurga sa bulate.
- Turuang maghugas ng kamay ang iyong anak pagkatapos gumamit ng kubeta.
- Ugaliing panatilihing malinis ang iyong paligid.
Source: ritemed.com.ph, buhayofw.com
READ: Worms in children: Causes, symptoms and treatments
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!