Maine Mendoza sa Eat Bulaga family niya: “Alam kong masaya kayo para sa tatahakin kong journey as a wife”

Ayon pa kay Maine, thankful at blessed siya sa pagmamahal na ibinibigay ng dabarkads sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maine Mendoza naging emotional sa naging bridal shower niya sa Eat Bulaga.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maine Mendoza bridal shower sa Eat Bulaga.
  • Mensahe ni Maine sa kaniyang Eat Bulaga family.

Maine Mendoza bridal shower sa Eat Bulaga

Larawan mula sa Facebook account ni Maine Mendoza

Nitong nakaraang Sabado, ay may inihandang pa-bridal shower para kay Maine ang kaniyang Eat Bulaga family. Si Maine hinarana ng kanta nina Joey Generoso, Carren Eistrup at Ice Seguerra habang nakaupo sa isang special chair. Siya ay may suot ring headband at sash na may nakasulat na “Bride to be”.

Si Maine hindi napigilan na tumulo ang luha ng kantahan ni Ice Seguerra ng kantang “Yellow” ng Coldplay.

Matapos ang paghaharana kay Maine ay nabigyan rin ng pagkakataon ang mga dabarkads na magbigay ng pabaon nilang regalo sa malapit ng ikasal na si Maine. Syempre ang mga regalong ito ay may kaakibat na kahulugan at katatawanan.

Si Maine pinasalamatan ang kaniyang Eat Bulaga family sa bridal shower na inihanda ng mga ito para sa kaniya. Ito ang naging mensahe niya para sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Maraming salamat Miss Tapsi, couz Joey, Ice and Carren. Thank you Ninong Vic, Ninong Tito, Ninong Joey. Maraming salamat din do’n sa mga Dabarkads na nandito ngayon.”

“Alam kong masaya kayo para sa tatahakin kong journey as a wife. Wow, wife era. Thank you, thank you.”

Ito ang masayang mensahe ni Maine.

Larawan mula sa Facebook account ni Maine Mendoza

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ng pasasalamat ni Maine sa kaniyang Eat Bulaga family

Sa kaniyang Instagram ay nagbahagi siya ng mga larawan sa naganap niyang bridal shower sa Eat Bulaga. Sa caption ay sinabi niyang thankful at blessed siya sa pagmamahal ng kaniyang dabarkads sa kaniya.

“EAT’s a bridal shower!!! ??‍♀”

“Napaka saya ng puso ko. I am so blessed and I am truly grateful. Maraming salamat sa lahat, Lord. Maraming salamat sa pagtanggap at sa pagmamahal, dabarkads. Mula noon hanggang ngayon. 14344!”

Ito ang sabi pa ni Maine sa kaniyang naging Eat Bulaga bridal shower.

Larawan mula sa Facebook account ni Arjo Atayde

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement