LOOK: Arjo Atayde at Maine Mendoza ikinasal na!

Kasal ni Arjo at Maine, hindi lang basta special at inabangan ng marami. Star-studded din ito na dinaluhan ng marami at kilalang pangalan sa mundo ng showbizness.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inaabangang Arjo Atayde at Maine Mendoza wedding naganap na. Mga larawan ng kanilang naging kasal, tingnan dito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Arjo Atayde and Maine Mendoza wedding.
  • Star-studded wedding nila Arjo at Maine.

Arjo Atayde and Maine Mendoza wedding

Larawan mula sa Facebook account ni Maine Mendoza Unofficial

Ikinasal ang celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Ang kasal naganap nitong July 28, isang taon matapos mag-propose ng kasal si Arjo kay Maine. Ito rin ay ang parehong araw kung kailan nagpost si Maine sa Twitter ng “Arjo cutie” na simula na pala ng love story nila.

Matapos ang limang taon, 2018, sa parehong araw ay unang nagkakilala ng personal si Maine at Arjo. At ngayon, sampung taon matapos i-post ni Maine ang iconic Twitter post niya ay ikinasal na siya sa actor-turned-politician.

Ang kasal naganap sa the Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City. Ito ay dinaluhan ng malalapit na kaibigan at mga kamag-anak nila Maine at Arjo.

Sa ngayon ay hindi pa opisyal na nagbabahagi ng mga larawan sa kanilang naging kasal si Maine at Arjo. Pero marami na sa kanilang mga invited guest ang very excited na nag-share ng mga larawan ng sweet wedding ng dalawa. Isa na nga rito ay ang kapatid ni Arjo at aktres ding si Ria Atayde. Si Ria opisyal na winelcome na si Maine sa kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ria Atayde

Star-studded wedding nila Arjo at Maine

Ang iba pang nagbahagi ng larawan ay ang mga abay sa kasal nila Maine at Arjo. Kabilang na nga rito si Oyo Boy Sotto kasama ang misis na si Kristine Hermosa na bridemaids sa kasal. Ganoon din ang malapit na ring magpakasal na si Maja Salvador na kinuha ring bridesmaid nila Arjo at Maine.

Larawan mula sa Instagram account ni Oyo Boy Sotto

Bridesmaid din sila Ciara Sotto, MJ Lastimos at Sheena Halili. Habang nasa groomsmen naman sina Enchong Dee at Joseph Marco.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Syempre hindi mawawala sina Tito, Vic at Joey bilang mga major sponsors. Ganoon rin ang ibang mga politicians at entertainment executives na may mahalagang bahagi sa buhay ni Arjo at Maine.

Sa kaniyang social media account ay nagbahagi rin ng mga larawan sa naging kasal si Pauleen Luna. Ayon sa kaniya, gusto niya mang mag-post ng maraming pictures ay masyado siyang nag-enjoy sa naging kasal nila Maine at Arjo.

"A love like theirs

#AtaydeMendoza

Wish i could've taken better photos BUT the wedding feels was too good to be captured by a phone. Memories etched in my mind forever.

Congratulations Maine Mendoza and Arjo Atayde ."

Ito ang mensahe ni Pauleen sa bagong kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, isang araw matapos ang kanilang kasal ay nagbahagi naman si Maine at Arjo ng kanilang official wedding video.

 
View this post on Instagram

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement