Magulong bahay, maraming bayarin, umiiyak na baby — hindi masisisi bakit mainitin ang ulo ng babae. Ito ay dala rin talaga ng labis na stress.
Ang pagkaramdam ng pagkagalit ay normal na emosyon na nararamdaman ng isang tao. Ngunit ang masama ay napapagbuntunan natin ang mga tao sa paligid natin, katulad ng mga mahal natin sa buhay.
Image from Freepik
Minsan hindi natin napapansin na nasisigawan na natin ang mga bata, nagiging masungit na sa asawa, o ang malala ay napagbubuhatan ng kamay ang ilang miyembro ng pamilya dahil sa tindi ng emosyon na nararamdaman.
Bakit mainitin ang ulo ng babae?
Maraming puwedeng dahilan kung bakit mainitin ang ulo ng babae. Puwedeng dahil ito sa sitwasyon na kanyang pinagdadaanan, sa hormones o chemical imbalance. Pero lahat naman ng tao ay nakararanas ng stress, mas nagiging prone lang ang mga babae dahil sa pagbabago ng kanilang hormones. Kapag nangyari ito sa iyo, ano nga ba ang mga maaari mong gawin?
7 na puwedeng gawin kapag mainit ang ulo
Narito ang ilang paraan upang mapahupa ang nararamdaman kapag mainit ang ulo.
1. Magbilang
Kapag mainit ang ulo, ugaliing magbilang muna bago gumawa ng kahit na anong bagay. Nakakatulong ang pagbibilang upang mag-slow down ang heart rate at humupa ang galit.
Maaari rin na mag-imagine na ikaw ay nasa ibang lugar na nakakakalma sa ‘yo, katulad ng beach o di kaya bundok.
2. Huminga muna
Image from Freepik
Napapansin mo ba na kapag nagagalit ka, bumibilis ang paghinga mo? Para magpa-kalma, huminga nang malalim—mag-inhale sa ilong at mag-exhale sa bibig.
3. Maglakad-lakad
Umalis muna sa sitwasyon na nakakapagpa-init ng ulo mo. Bukod sa nabibigyan ka ng panahon para huminga muna, nakakapagpakalma rin ang pag-e-exercise.
4. Magpamasahe
Nakakatulong ang pag-relax ng muscles para hindi ka parating tensed.
5. Kausapin ang sarili
Image from Freepik
Hindi kailangan na sabihin ito out loud, ngunit makakatulong kapag sinasabihan ang sarili ng positive messages katulad ng “kalma lang,” “hayaan mo na,” o “wag kang mag-alala.”
6. Magpatugtog ng music
Malaki ang nagagawang impluwensiya ng music sa mood natin. Kapag mainit ang ulo, subukan magpa-tugtog ng paboritong mga kanta o di kaya’y mga classical music na maaaring makapagpakalma sa iyo.
7. Tumahimik muna
Ito siguro ang isa sa pinakamahirap gawin kapag mainit ang ulo. Minsan sa galit natin, hindi mapigilan na makasabi ng masasakit na salita. Kaya’t mas mabuti kung piliin munang manahimik upang mapag-isipan ang mga sasabihin bago ito sambitin.
Mainit man ang ulo parati, tandaan na emosyon lang ang nararamdaman at huhupa rin ito.
Basahin:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!