8 tips para makontrol ang iyong galit at mabawasan ang pagiging mainitin ang ulo

Bawasan ang pagiging mainitin ang ulo sa tulong ng mga tips na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mainitin ang ulo? Narito ang ilang tips na maari mong gawin para mabawasan at ma-kontrol ito.

Lalaking nanipa ng bata dahil sa init ng ulo

Ang pagiging mainitin ang ulo ay walang magandang pupuntahan. Tulad nalang ng nang nangyari sa isang insidente sa China.

Sa isang housing estate sa Jiangsu, China ay masayang naglalaro ng bola ang isang grupo ng bata. Hindi sinasadya ay napalakas ang sipa ng isa sa mga batang lalaki at tumama ito sa nakaangkas na babae sa dumaraang motorsiklo.

Image from AsiaOne

Dahil sa nangyari ay hininto ng driver ng motorsiklo ang kaniyang sasakyan at saka nilapitan ang batang lalaki.

Sa kuha ng CCTV makikita ang driver ng motorsiklo na biglang pinagsisipa ang batang lalaki sa tiyan hanggang sa ito ay matumba at mapaupo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento ng bata ay pinagbantaan pa daw siya ng lalaking nakamotorsiklo na sa susunod na magkita sila ay sasaktan siya ulit nito.

Nang makitang natumba na ang batang lalaki ay bumalik ang lalaki sa kaniyang motorsiklo saka umalis kasama ang angkas nito.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na impormasyon kung nagtamo ng seryosong injury ang bata. Under observation parin siya ng mga doktor dahil sa inirereklamo nitong masakit na tiyan dulot ng paninipa.

Samantala, ang lalaking nakunan ng CCTV na sinisipa ang bata ay pinaghahanap na ng mga pulis para panagutin sa nangyari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para makaiwas sa pangit na epekto ng pagiging mainitin ang ulo ay dapat matutunan na ma-handle o makontrol ito.

Narito ang ilang tips na maaring gawin para mabawasan ang pagiging mainitin ang ulo.

8 Tips para hindi maging mainitin ang ulo

1. Bawasan ang pag-inom ng caffeine at alcohol.

Isa sa mga dahilan ng madaling pag-init ng ulo ay ang labis na pag-inom ng caffeine at alcohol. Ayon sa isang pag-aaral ang mga inuming ito ay nagdudulot ng negative fluctuations sa mood ng isang tao. Kaya makakatulong ang pagbabawas sa pag-inom ng caffeine at alcohol para manatiling relax at positive ang takbo ng utak mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Mag-exercise.

Ang pag-eexercise ay isang paraan para mabawasan ang stress na nagiging dahilan para mas mabilis uminit ang ulo ng isang tao.

Kung nararamdamang mas umiinit ang ulo o mas tumitindi ang galit, ang paglalakad, pagtakbo o paggawa ng ibang physical activities ay makakatulong para mapalipas ito.

3. Mag time-out, mag-break o magpunta sa isang tahimik na lugar.

Ang pagbibigay sa sarili ng timeout o break ay malaking tulong sa mga araw na na-iistress at umiinit ang ulo. Bigyan ng kaunting oras ang sarili o quiet time para makapag-relax o makapaghanda sa mga bagay na makakairita o makakagalit sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Magisip ng posibleng solusyon sa mga bagay na nakakapagpainit ng ulo mo.

Kaysa ubusin ang iyong lakas at oras sa pagkagalit, mas mabuting mag-isip nalang ng paraan para masolusyonan ang mga bagay na nagpapagalit o nagpapa-init ng ulo mo.  Kung naiinis ka sa kalat na ginawa ng mga anak mo sa kanilang kwarto, isarado mo ang pinto. Kung lagi namang late umuwi ang asawa mo, i-urong ng kaunti ang schedule ninyo ng hapunan. O kaya naman ay sanayin ang iyong sarili na kumain mag-isa minsan sa isang linggo. At laging ipaalala sa sarili na hindi nalulutas ng init ng ulo ang kahit anong problema.

5. Huwag mag-ipon ng galit.

Ang pagpapatawad ay nakapagpapagaan ng pakiramdam. Kung hahayaan ang iyong sarili na mapuno ng galit at iba pang negative feelings ay kakainin ka ng bitterness na mas magpapasama ng iyong pakiramdam at mas magpapatindi ng iyong galit. Samantalang, ang pagpapatawad naman ay nagbibigay sayo ng oportunidad na matuto at mapatibay ang relasyon mo sa isang tao.

6. Gumamit ng humor para mabawasan ang tensyon.

Ang paggamit ng humor o pag-iisip ng nakakatawa sa isang pangyayari ay nakakatulong para mapababa ang tensyon na nararamdaman. Ngunit iwasan ang sarcasm o pagiging sarcastic sa isang usapan na mas nagpalala ng isang problema o hindi pagkakaunawaan.

7. I-praktis ang iyong relaxation skills.

Kapag nagsimula ng uminit ang ulo ay agad ng gumamit ng relaxation skills. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng deep-breathing exercises. O kaya naman ay pag-iimagine ng isang relaxing scene, pag-uulit ng isang nakakalmang salita o pahayag tulag ng “take it easy” o “dahan-dahan lang”. Puwede ding makinig sa isang music, magsulat sa iyong journal o kaya naman ay gumawa ng ilang yoga poses. O kahit anong maaring makapag-relax sayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan.

Ang pagkokontrol ng galit, minsan ay hindi madali para sa ilan sa atin. Sa ganitong pagkakataon ay mga taong maari tayong tulungan o puwede nating makausap para gumaan ang ating pakiramdam. Maaring ito ay isang kaibigan o isang professional na may kaalaman sa mga epektibong paraan para makontrol mo ang iyong negatibong nararamdaman tulad ng galit o kalungkutan.

Source: Medical Daily, Mayo Clinic, Healthline, Psychology Today, AsiaOne

Photo: Freepik

Basahin: 7 ways para magpa-kalma kapag mainit ang ulo