Ilang buwan matapos ang panganganak sa kaniyang panganay na si baby Maria, tinitiyak pa rin talaga ni Maja Salvador na siya ay maging fit ang healthy.
Mababasa sa artikulong ito:
- Maja Salvador nagbahagi ng kaniyang postpartum workout
- Kailan ba maaaring mag workout matapos manganak?
Maja Salvador ibinahagi postpartum workout na inspired sa kaniyang sister-in-law
“Go mama Maj!” ito ang karamihan sa comment na natanggap ni Maja Salavador sa kaniyang latest Instagram post.
Todo suporta sa kaniyang workout ang mga kapwa celebrity mom at fans. Makikita kasi sa nasabing Instagram post ng aktres ang ilang video ng kaniyang postpartum workout.
Sa nasabing social media post, nabanggit din ni Maja Salvador na ang kaniyang “workout buddy” ay ang kaniyang sister-in-law na si Yanee Alvarez.
Hindi rin naiwasan ni Maja na mamangha sa kaniyang sister-in-law dahil super fit pa rin umano ito sa kabila nang apat na ang mga anak nito. Kaya naman, aniya, ito raw ang nagsilbi niyang inspirasyon sa pagbabalik niya sa workout ilang buwan matapos ang panganganak.
“Loveyou ate! You’re such an inspiration to me! Grabe ka after 4 kids Oh! Kaya naman lezzgow Mama Maj!” caption ni Maja sa kaniyang post.
View this post on Instagram
Kailan ba maaaring mag workout matapos manganak?
Sa kabila ng mga paghanga mula sa mga fans, mayroon pa ring ilang netizen na nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa pagwo-workout ni Maja.
Anila, posible umanong mabinat ang aktres dahil wala pang isang taon buhat nang manganak ito.
Pero kailan ba talaga pwede nang mag postpartum workout si mommy?
Ang tamang panahon para magsimula ng ehersisyo pagkatapos manganak ay depende sa uri ng panganganak at kung gaano kabilis gumaling ang katawan ng bagong panganak na mommy.
Kung vaginal delivery ang paraan ng iyong panganganak at wala namang naging komplikasyon, pwede nang magsimula sa light exercises tulad ng paglalakad, makalipas lamang ang ilang araw matapos manganak.
Samantala, kapag cesarean section ang paraan ng panganganak, mas mahabang panahon ang kailangan para ganap na humilom. Karaniwang rekomendasyon ng mga doktor na maghintay ng 6 hanggang 8 linggo bago gumawa ng anumang ehersisyo.
Tandaan na ang postpartum recovery ay iba-iba sa bawat ina. Hindi pare-pareho ang haba ng panahon ng paghilom mula sa panganganak. Kaya naman, bago magsimula ng anumang workout exercise, makabubuti pa rin na ikonsulta ito sa iyong doktor.
Kapag sinabi ng doktor mo na handa na ang iyong katawan sa page-ehersisyo, maaari nang magsimula sa mga abdominal at pelvic exercises para mapalakas ang mga muscle na naapektuhan ng pregnancy at delivery.