Rambo Nuñez to Maja Salvador: “I promise that our mothers’ dreams to have a complete family will be achieved through us"

Maja at Rambo una na palang naikasal noong February 14, 2023 sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony sa Taguig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maja Salvador and Rambo Nuñez wedding vows talagang pakikiligin at paiiyakin kayo. Alamin ang mga highlights ng naging kasal nila dito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maja Salvador and Rambo Nuñez wedding vows.
  • Rambo Nuñez and Maja Salvador love story.

Maja Salvador and Rambo Nuñez wedding vows

Larawan mula sa Facebook account ni Maja Salvador

Maliban sa star-studded ang kasal nila Maja Salvador and Rambo Nuñez naging napaka-ispesyal rin ng kanilang wedding vows sa isa’t-isa. Dahil si Maja at Rambo pinangako sa isa’t-isa na hindi nila ipaparanas sa kanilang magiging anak ang naranasan nila sa kanilang pamilya.

Si Rambo ipinangakong magiging mabuting ama sa mga anak niya. Isang bagay na hindi niya maranasang magkaroon. Ipinangako niya ring hindi niya iiwanan si Maja at sisiguraduhing magkakaroon ito at mga anak niya ng kompletong pamilya.

“I promise to be the best event organizer for our future family and the best influencer marketeer for our children. I promise not to leave your side. Because we’re always going to be on the same side from now on. I promise to be the best father I never had.”

“I promise that our mothers’ dreams to have a complete family will be achieved through us.”

Ito ang vow ni Rambo kay Maja na nagpatulo ng luha ng aktres.

Larawan mula sa Facebook account ni Maja Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rambo Nuñez and Maja Salvador love story

Sa kanilang mga vows ay ikinuwento rin ni Maja at Rambo kung ano ang naging takbo ng kanilang love story. Ayon kay Rambo, 14 taon narin ang nakakaraan ng simulan nila ni Maja na magkaroon ng relasyon, pero ito ay hindi nagtagal. Sapagkat ng mga panahong iyon ay pareho silang naka-focus sa kanilang mga careers. Pero makalipas ang sampung taon, muli silang nagkita at nagsimula muli ang pagmamahalan nila sa isa’t-isa.

“Malapit na akong maggive up sa pag-ibig, pero sabi ko kay Lord, 'Lord, alam ko malakas naman ako sa’yo kaya maghihintay ako. Hihintayin ko ‘yung ibibigay mo sa aking taong totoong magmamahal sakin, yung totoong mag-aalaga. It’s July 31, Monday, nung araw na ‘yun nakita kita uli.”

Ito naman ang pagkukuwento ni Maja.

Ibinahagi niya rin sa kaniyang vow kung anong nararamdaman niya sa panibagong chapter ng buhay nila ni Rambo na magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My love, ito na yung panibagong chapter ng buhay natin. Nakakakilig, nakakaba, nakakatakot, pero kaya nating dalawa ito. Ikaw at ako, wala nang iba.”

Ito ang sabi pa ni Maja.

Rambo and Maja wedding

Bago pa man ang star-studded wedding nila sa Apurva Kempinski Bali, Indonesia ay kasal na pala sina Maja at Rambo noong February 14, 2023, Valentine’s Day. Sila ay ikinasal sa Taguig sa isang civil wedding ceremony na pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano.

Ibinahagi rin ng isa sa mga closest friends ni Maja na si Kakai Bautista kung bakit sa Bali napili ni Maja na ganapin ang kasal nila ni Rambo. Ito daw ang lugar na takbuhan ni Maja sa tuwing siya ay naha-heartbroken. Kaya naman ngayon ay masaya siya at ang lahat ng kaibigan nila na sa parehong lugar na nagbibigay kay Maja ng peace sa tuwing nasasaktan ito ay ang parehong lugar na kung saan ikinasal siya sa taong nagbigay ng kapayapaan sa puso niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement