X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Viral: Babae, nakunan ng video na kinidnap at isinakay sa isang van sa Makati

4 min read
Viral: Babae, nakunan ng video na kinidnap at isinakay sa isang van sa Makati

Narito kung bakit dapat tayo mag-doble ingat sa ngayon at dapat maging alisto sa lahat ng oras.

Makati kidnapping nakuhanan ng video. Sa video makikita, babae sapilitang isinakay sa isang van.

Makati kidnapping

Viral ngayon sa social media ang video ng Makati kidnapping. Kitang-kita kung paano sapilitang tinangay ng isang gray na van ang isang babae na maririnig pang sumisigaw ng tulong sa video.

Ang pangingidnap ay nangyari alas-9 kagabi, December 9, sa pagitan ng Paseo de Roxas at Nieva Street sa Makati.

Ayon sa mga nakakita sa insidente, unang inakala nila na kakilala ng babae ang nakasakay sa van. Dahil sa ito naman ang kusang lumapit sa mga ito. Ngunit, nagulat nalang sila ng bigla nalang ito magsisigaw ng tulong habang dali-daling kumaripas papaalis ang van.

“Akala ko no’ng una, away mag-jowa, ‘yon pala iba”.

Ito ang pahayag ng isa sa mga nakasaksi ng pangyayari sa Makati kidnapping.

“Nakakatakot din po kasi baka may dala ‘yong kumidnap kaya wala nang nakialam.”

Ito ang dagdag pa niyang pahayag sa tanong kung bakit tila walang tumulong sa babae.

 

makati-kidnapping

Viral: Babae, nakunan ng video na kinidnap at isinakay sa isang van sa Makati | Screenshot image from Twitter

“I just witnessed a kidnapping incident while walking in Makati (near Greenbelt 1) A girl was dragged by 2 guys inside a van. I still can’t move… GOD BLESS US ALL. PLEASE DON’T WALK ALONE. TAKE CARE.”

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis

Base naman sa imbestigasyon ng mga pulis, napag-alaman nilang ang babaeng nakidnap ay isang Chinese national. At mukhang kilala raw nito ang mga taong nangidnap sa kaniya dahil sa ito nga ay lumapit sa van bago siya tuluyang sapilitang isakay sa loob nito.

“Based din sa lahat ng investigations natin at saka interview natin, the victim na pinipilit ipasok sa van is Chinese, babaeng Chinese, ang assessment namin tinatago rin ang kanyang identity kasi naka-face mask din para hindi siya makilala.”

Ito ang pahayag ni Col. Rogelio Simon, head ng Makati City police.

Sa pinangyarihan ng krimen ay mga dokumento rin ang naiwan na magsisilbing lead ng mga pulis sa imbestigasyon.

Ayon parin kay Col. Simon, ilan sa mga na-recover nilang dokumento sa crime scene ay photocopy ng Chinese passport at deed of sale ng isang sasakyan.

Kanila naring na-trace ang sasakyan na makikita sa video ng Makati kidnapping. Ito daw ay isang gray na KIA Carnival na ayon sa kanila ay nakarehistro ang plate number sa isang L300 van na walang kahit anong record sa mga awtoridad.

HInala ng mga pulis ang pangingidnap ay maaring may koneksyon sa POGO o Philippine offshore gaming na mga Chinese ang mga namamahala.

“Ang tinitingnan namin usually na cases ay mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operations) o online companies na Chinese na ‘yong kanilang employees mismo nakakagawa ng kasalanan.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Col. Simon.

Reaksyon ng publiko

Dahil dito ay mas lalong naalarma ang publiko sa serye ng mga kidnapping na nagaganap sa bansa. Bagamat, nito lamang nakaraang lingo ay madiing sinabi ng PNP na fake news ang kumakalat ng kidnapping news sa Facebook na iniuugnay pa umano sa pagbebenta ng lamang-loob.

Isang netizen ang sinabing napaka-traumatic at nakakatakot ang naganap na Makati kidnapping. Dahil isa lamang itong patunay na totoo ang kumakalat na kidnapping news na nangyayari sa ka-Maynilaan.

makati kidnapping

Viral: Babae, nakunan ng video na kinidnap at isinakay sa isang van sa Makati | Image screenshot from Facebook

Samantala, isang netizen naman ang nagsabing nakasaksi rin sila ng parehong insidente sa Burgos St., Poblacion, Makati noong nakaraang linggo.

makati kidnapping

Viral: Babae, nakunan ng video na kinidnap at isinakay sa isang van sa Makati | Image screenshot from Twitter

Kaya naman pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at huwag maglalakad ng nag-iisa lalo na sa gabi.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Para sa mga magulang ay mahigpit na bantayan ang inyong mga anak. At huwag hahayaang mawala sila sa inyong paningin at laging paalalahan na huwag basta makikipag-usap o lalapit sa mga taong hindi naman nila kilala.

Sa panahon ngayon ay mabuti na tayo ay mas mag-ingat at maging alisto para sa ating kaligtasan.

 

Source:

ABS-CBN News, Inquirer News

BASAHIN:

Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Viral: Babae, nakunan ng video na kinidnap at isinakay sa isang van sa Makati
Share:
  • Babaeng dinukot sa Makati, kinilala na ng pulisya

    Babaeng dinukot sa Makati, kinilala na ng pulisya

  • Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP

    Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Babaeng dinukot sa Makati, kinilala na ng pulisya

    Babaeng dinukot sa Makati, kinilala na ng pulisya

  • Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP

    Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.