7 Make-up brands na puwedeng gamitin ng buntis

Maraming all-natural at mineral makeup brands na maaring pagpilian ang mga buntis na safe nilang gamitin. Ilan sa mga ito ay tampok sa artikulong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga make up na pwede sa buntis o beauty products for pregnant women na hindi makakasama sa dinadala niyang sanggol.

Image from Freepik

Beauty products for pregnant woman

Ayon sa siyensya at mga pag-aaral, ang mga kemikal na mula sa beauty products o makeup na ating ginagamit ay naabsorb ng ating balat. Ito ay kalaunang hahalo sa ating bloodstream at kung buntis ay maaring mapunta sa dinadalang sanggol. Ito ang tinuturong dahilan sa kung bakit may mga buntis ang nakakaranas ng birth defects o complications.

May mga pag-aaral nga ang nakapagsabi na ang mga kemikal na tulad ng parabens at phthalates ay iniuugnay sa premature birth, low birth weights at iba pang birth defects. Habang ayon naman sa American College of Obstetricians and Gynecologists, ang exposure sa mga toxic environmental agents kapag buntis ay naiuugnay naman sa sakit na cancer at mga reproductive issues.

Kaya paalala ng dermatologist na si Dr. Raissa Pasion, dapat ay maging selective ang mga buntis sa kahit anumang oral at topical products na kanilang gagamitin.

“Pregnant women should be selective in the oral and topical products they use to avoid exposing their baby to unwanted risks.”

Ito ang pahayag ni Dr. Pasion.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Mga beauty products na dapat iwasan ng buntis

Ayon naman sa Women’s Care, isang health website, ang mga produktong dapat iwasan ng mga buntis ay ang mga nagtataglay ng sumusunod na kemikal. Dahil sa ang mga ito ay napatunayang nakakapagdulot ng risk sa kalusugan at development ng ipinagbubuntis na sanggol.

  • Retin-a, retinol at retinyl palmitate
  • Tazorac at accutane
  • Benzoyl peroxide and salicylic acids
  • Essential oils
  • Hydroquinone
  • Aluminum chloride
  • Formaldehyde
  • Chemical sunscreens
  • Tetracycline
  • Dihydroxyacetone

Dagdag naman ng dermatologist na si Dr. Deanne Mraz Robinson, ang iba pang produkto na dapat iwasan ng mga buntis ay ang mga nagtataglay ng sumusunod na kemikal:

  • Parabens
  • Phthalates
  • Fragrance/parfum
  • Triclosan
  • Retinoids
  • Bisphenol A (BPA)
  • Diethyl phthalate (DEP)

Ang mga nabanggit ay naiulat na nagdulot ng irritation sa sensitive na balat ng mga buntis. At napatunayang may epekto sa kalusugan at development ng ipinagbubuntis na sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Make up na pwede sa buntis

Image from Freepik

Ayon parin naman kay Dr. Pasion, pagdating sa makeup mas mabuting gumamit ng mineral makeup ang mga buntis. Dahil sa ang mga ito ay hindi naabsorb ng balat. Ngunit mas mabuting kahit anumang produktong gamitin ay ikonsulta muna sa doktor lalo na kung ito ay kailangang inumin.

“Makeup is generally safe to use. However, if skin is extra sensitive, mineral makeup can be used as these products sit on top of the skin and are not absorbed.”

“If a pregnant woman has any concerns about the product she is using, it is always best to discuss it with her dermatologist or obstetrician. She must always consult her doctor before taking oral medications.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang mga pahayag pa ni Dr. Pasion.

Samantala dito sa Pilipinas, may mga makeup brands o make up na pwede sa buntis naman ang mabibili. Ilan nga sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Human Heart Nature

Nangunguna na nga rito ang Human Heart Nature na nag-ooffer ng iba’t-ibang natural products tulad ng makeup! Ayon sa Human Heart Nature halos lahat ng kanilang produkto ay nagmula sa mga natural ingredients at vegan-friendly na finormulate mismo ng isang Filipino scientist. Sa Human Heart Nature ay makakabili ng mga mineral foundation, lip balm, lipstick at marami pang iba.

2. Ellana Cosmetics

Isa rin sa pinag-uusapang make up na pwede sa buntis dito sa Pilipinas ay ang gawang Ellana cosmetics. Dahil ayon sa Ellana ang mga produkto nila ay all-vegan at cruelty-free. Ilan nga sa make up na pwede sa buntis na mabibili sa kanila ay eye shadows, skin illuminators, mineral foundation, lipstick at marami pang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Bare Minerals

Tulad ng Ellana Cosmetics, ang mga makeup rin na ino-offer ng Bare Minerals ay gawa sa mineral ingredients. Maliban sa award-winning nilang mineral foundation mayroon na sila iba pang makeup products. Tulad ng primers, mascara, bronzers, lipsticks at eye shadows na lahat ay gawa sa all-natural ingredients na siguradong safe para sa mga buntis.

4. Akkula

Ang Akkula ay isa ring makeup brand na gumagawa ng 100% natural na mga lip balm. Hindi nga lang plant-based ang kanilang mga lip balm na pwede sa buntis, ito ay naka-package rin sa compostable paper na very environment-friendly.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Juice Beauty

Isa pang local brand of cosmetics na nag-ooffer ng all-natural makeup products ay ang Juice Beauty. Pinagmamalaki nila ang paggamit ng mga certified organic ingredients at vibrant plant pigments imbis na synthetic dyes sa kanilang mga produkto tulad ng lipsticks, mascara, powder at iba pa.

6. Lush Cosmetics Emotional Brilliance

Ang Lush Cosmetics ay isa rin sa kilalang brand na gumagawa ng all-natural makeup tulad ng lipsticks, foundation at lip balm. Hindi man ito locally made tulad ng mga naunang brands ay tinatangkilik parin naman itong gamitin ng mga Pilipino dahil sa quality at safety sa balat ng mga produkto nito.

7. Pürminerals

Isa pang kilalang make-up brand ay ang Purminerals na nag-ooffer din ng mga mineral-based nilang beauty products at skin care.

 

 

Source:

Women’s Care, Preview PH

Basahin:

Puwede ba ang kojic soap sa buntis?