Ang tanong ng karamihan, ang kojic soap ba ay pwede ba sa buntis? Dapat bang itigil ito kung gumagamit pa ngayon si mommy habang pregnant?
Bawat pagbubuntis ay isang karanasan na maaaring may dulot na kaligayahan at challenges na pwedeng kaharapin ni mommy. Kasama nito ang pamimili ng mga bagong dapat na akma para sa isang buntis.
Dagdag pa, ang pagkakaroon ng sinusunod na dietary plan kapag nagbubuntis. Ang mga isipin na ito ay hindi lamang may epekto sa mga mommies, kundi pati na rin sa kanilang babies na nasa tiyan pa lang o pagkapanganak na.
Gayunpaman, maraming bagay ang dapat ding nako-consider habang nagbubuntis man, bago, o pagkatapos. Tulad na lamang ng kung ano ang mga inilalagay, ipinapahid, o ginagamit para sa iyong balat. Ang mga bagay na ito ay maaaring may direktang epekto para sa iyong baby.
Maaari, na dahil ito sa mga adjustments na ginagawa ni mommy para sa panahon na ito. Hindi rin maiiwasan na ma-stress sa pag-iisip ng mga magiging epekto ng mga bagay na dapat at hindi dapat gawin kapag buntis.
Pero siyempre, hindi kailangang mag-alala. Ang masusing pag-alam sa impormasyon ang makakatulong sa malusog, at the same time, blooming na pagbubuntis!
Sa tulong ni Dr. Ramon Reyles, kasalukuyang Chairperson ng departamento ng OB-GYN sa Makati Medical Center, bibigyang kasagutan natin ang katanungan na ito tungkol sa mga dapat kainin o iwasan na pagkain ng mga buntis.
Ano ang kojic soap?
Ang pregnancy ay isang journey ng isang babae kung saan tila roller coaster ang mararanasan. Nandyan ang pagkakaroon ng mood swings, pag-crave sa mga pagkain o kaya naman pagbabago ng katawan.
Siyempre, karamihan sa mga mommy ay nakasanayan na rin pag gamit ng iba’t ibang beauty products katulad ng pampaputi kahit bago pa ito mabuntis.
Pwede ba sa buntis ang kojic soap? | Image from Unsplash
Isa sa kilalang pampaputi ng mga kababaihan ang kojic soap. Ito ay isang whitening soap at madali itong makikilala dahil kadalasan ito ay color orange.
Likas na sa atin ang gumamit ng whitening products katulad ng kojic soap. Ngunit kung pag-uusapan ang paggamit nito ng mga buntis na babae, ibang usapan na ito.
Sa katungang ito, simple lang ang sagot ni Doc Reyles, “Ang sagot hindi safe.” panimula nito.
“‘Yong mga darkening ng skin sa ilalim ng pusod pababa ng pubic bone ‘yon ay mga temporary tinatawag na linea nigra.
‘Yong sa kili-kili, leeg yun naman ay tinatawag na choalasma, temporary din yan. Kapag natapos na ‘yong pagbubuntis mo babalik na ‘yong dating kulay. Kaya hindi na kailangang pakialam ‘yon kasi hormone-induced ‘yon.”
Kaya naman masasabing hindi safe ang mga whitening agent sa pregnancy.
Ang kojic soap ay mayroong kojic acid kung saan gawa ito sa iba’ -ibang uri ng fungi. Bukod sa pampaputi, ito rin ay ginagamit upang magamot ang sun damage at age spots.
Kadalasang ginagamit ang kojic acid sa mga beauty products bilang pampaputi katulad ng powders, lotion, sabon, cleanser, serum at cream.
Benepisyo ng kojic acid
Ang kojic acid ay mayroong kakayahan upang maalis ang peklat ng tao sa balat. Hindi nito tuluyang mapapawala ang peklat pero magagawa nitong mapa-lighten ang peklat sa balat.
Ito rin ay may anti-aging effect. Bukod sa pampaputi, ito ay makakatulong upang mawala ang mga dark spots na nagdudulot ng tila pagka dry ng balat.
Maaari ring makatulong ang kojic acid sa mga fungal infection katulad ng athletes foot.
Kojic soap pwede ba sa buntis | Image from Unsplash
Marami ang gumagamit ng kojic soap dahil mabisa ito para sa pag-enhance ng mukha at balat. Ngunit ang sabong pampaputi na ito ay hindi para sa lahat.
May iba kasi na nagkakaroon ng allergy at kakaibang reaction sa naturang sabon. Pero pwede ba sa buntis ang paggamit ng kojic soap?
Pwede ba sa buntis ang pampaputi na kojic soap?
Ang paggamit ng kojic soap sa buntis ay nakadepende sa payo ng doctor.
Ang bawat pregnant mom ay iba-iba. Hindi lahat ay maaaring gamitin dahil lamang pwede o gumagana ito sa isa. Kaya naman kung gagamit ng kojic soap na pampaputi sa buntis, mas magandang kumonsulta muna sa iyong doctor para malaman kung pwede ba sa’yo ito.
Ang paggamit ng kojic soap ay epektibo para sa karamihan pero hindi maiiwasang magkaroon ng side effects dito lalo na sa maselang pagbubuntis.
Ang mga pregnant mom na mayroong sensitive skin ay hindi pinapayuhan na gumamit ng pampaputi na ito. Dahil maaari lang itong makapagdulot o makapag-trigger ng allergy, rashes at dryness sa buntis.
Bawal ba ang kojic soap sa buntis?
Iisa ang kasunod na katanungan hinggil sa paggamit ng kojic soap kung pwede ba sa buntis. “Bawal ba ang kojic soap sa buntis?” Kung pwede ang paggamit ng kojic soap ng buntis batay sa payo ng doktor, ano naman ang mga dahilan kung bakit bawal ito?
Kung tatanungin ang mga eksperto, mas magandang iwasan muna ang paggamit ng mga whitening products sa pagbubuntis. Ito ay dahil nakakapagpataas din ito ng sun exposure na hindi kaya ng nanay.
Pwede ba sa buntis ang kojic soap? | Image from Unsplash
Iwasan rin ang paggamit ng ibang pampaputi lalo na ang may astringent dahil ito ay mataas at mayroong delikadong kemikal.
May pag-aaral na ang kojic acid ay maaaring pagmulan ng pagkakaroon ng tumor kapag ang kojic acid na nasa produkto ay mataas sa concentration.
Samantala, ayon naman sa mga eksperto, safe pa rin ang paggamit ng kojic acid sa mga beauty products. At ang raw kojic acid naman ay maaaring bilhin pero hindi pinapayo na gamitin direkta sa balat.
Kung may pangamba at nais makasiguro, ‘wag mag dalawang isip na komonsulta saa iyong doktor bago gumamit ng pampaputi sa buntis.
Pampaputi na pwede sa buntis
Batay sa ulat ni Roselle Espina, may mga produktong pampaputi na safe para sa balat. Pero ang mga pampampaputi na ito ay hindi nangangahulugang lahat ay safe at pwede sa buntis.
Ito ay dahil sa mga content at ginamit na materyales na maaaring magpasama sa exposure ng balat ni mommy, at ang kemikal na maaaring makaapekto rin sa baby, lalo na sa mga naipanganak na.
May mga pampaputi at lightening products na maaaring gamitin ng buntis, pero mas magiging safe lamang ito kung titignan muna ang mga ingedrients na meron ang bawat produkto.
Mga skin lightening cream, lotion, o washes ay pwedeng naglalaman ng maraming ingredients. At, maaaring kahit isa sa mga ingredients na ito ay makakaksama para sa buntis.
Ito ang mga sumusunod na maaaring safe, basta may regulated na paggamit:
Ilan sa mga skin whitening cream ay naglalaman ng hydroquinone (o tinatawag ding 1,4-dihydroxybenzene). Nagiging mabisa ito sa pag-iwas sa pigmentation.
Kung may mga cream at iba pang pamahid na pampaputi ay inaantabayanan medically, maaaring safe ang mga ito na gamitin. Pero, sa ibang bansa, nire-regulate ang paggamit ng hydroquinone, lalo na sa mga produktong pampaputi.
Nagdudulot din ito ng iritasyon at hindi pantay na bleaching ng balat. Bibihira, pero posbile, na magdulot ito ng malalang allergic reaction.
May mga pag-aaral din na nagsasabing wala pang direktang epekto ang paggamit ng hydorquinone sa pagtaas ng rate ng kumplikasyon sa panganganak. Pero, may pag-aaral din na 35-45 per cent ng produkto ay na-aabsorb ng balat kapag ipinapahid. Kaya mas mainam na limitahan ang paggamit ng hydroquinone.
Karamihan sa mga bleaching products ay nagtataglay ng mga substance na galing sa organikong halaman. Ang mga natural na ingredients gaya nito ay pinaniniwalaang nakakapagpatigil ng production ng melanin ng safe at walang toxic na epekto.
Pero, hindi pa natin alam sa ngayon kung aling ingredients ba ang pinaka-epektibo. Sa pagtagal ng panahon, saka pa lang mapapatunayan ang epekto nito at mabuti at masamang dulot nito sa kalusugan.
Iwasan pa ring gamitin ang mga pamahid at bleaching cream na hindi advisable ng doktor at walang label na ito ay medically acclaimed safe. Mas mainam pa rin ang kumonsulta sa doktor.
Dagdag na impormasyon mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!