Ang paglilinis ng iyong katawan ay mahalaga hindi lang para sa iyo kundi maging sa kalusugan ng iyong sanggol. Suportahan ang isang malusog na pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpapalit ng paggamit ng sabon para sa buntis na ligtas para sayo at sa iyong baby.
Mahalaga na maging malinis ang katawan habang ikaw ay buntis pero hindi lahat ng sabon o skincare products ay ligtas para sa iyo. Kaya naman narito ang ilan naming paalala kung ano ba ang mga skincare ingredient na ligtas na gamitin ng buntis.
Mga pagbabago sa balat ng buntis
Photo by lucas mendes
Ang mga pagbabago sa balat na nauugnay sa pagbubuntis ay nangyayari sa maraming tao. Maaaring sanhi ito ng pagtaas ng hormones dulot ng pagbubuntis.
Habang ang ilang masuwerteng babae ay tila perpekto ang kutis sa loob ng 9 na buwan na pagbubuntis. Ang iba ay nakakaranas ng hindi gaanong kanais-nais na isyu sa balat. Ang mga pinakakaraniwang issue ay:
- tuyong balat
- nagpapadilim ng balat (isang kondisyon na tinatawag na melasma o cholasma)
- acne
Ang mga taong may dati nang kondisyon sa balat tulad ng eczema, psoriasis, o rosacea ay maaari ding makaranas ng pagbabago sa kanilang mga sintomas (para sa mas mabuti o mas masahol pa).
At dahil ang iyong katawan ay “all in” pagdating sa pagbubuntis, ang masasamang pagbabago sa balat ay maaaring makaapekto sa iba pang mga lugar. Ang ilang pagbabago ay kinabibilangan ng mga stretch mark, spider veins, pagkapal ng buhok, at maging ang pagkawala ng buhok.
Sabon na pwede sa buntis
Ang sabon para sa buntis ay ligtas at kailangan ng mga soon-to-be mom. Gayunpaman, hindi lahat ng mga produktong pampaligo ay nilikha nang pantay-pantay at hindi rin lahat ng mga sabon na ligtas sa pagbubuntis!
Pagbutihin ang iyong skincare routine sa pamamagitan ng pagiging mas maingat kapag pumipili ng iyong mga personal na produkto.
Maaaring ligtas ang ilang produktong pampaputi, ngunit pinakamahusay na suriin ang listahan ng mga sangkap sa produkto upang matiyak na walang hindi ligtas para sa iyo sa panahon ng pagbubuntis.
Ang mga skin lightening cream o lotion ay maaaring maglaman ng iba’t ibang sangkap na maaaring hindi ligtas para sa mga buntis.
Anong sabon ang pwede sa buntis?
Ayon sa isang pananaliksik, maraming uri ng mga kemikal na matatagpuan sa mga plastik at iba pang gawa ng tao ang nauugnay sa mga panganib sa kalusugan ng mga fetus at sanggol. Dalawa sa mga ito ay tinatawag na phthalates (binibigkas na “tha-leits”) at bisphenols.
Maaaring narinig mo na ang isang uri ng bisphenol, BPA, ang matigas na plastik kung saan gawa ang ilang reusable na bote ng tubig (plastic #7).
Ang exposure sa BPA at phthalates ay naiugnay sa mga isyu sa child behavioral issues, diabetes, at labis na katabaan.
Walang buntis na sadyang ilalantad ang kanilang mga sanggol sa mga nakakapinsalang kemikal. Kaya naman mahalagang maging mapanuri sa mga ginagamit na produkto.
Iwasan ang mga skincare products o sabon na naglalaman ng mga sumusunod na ingredients:
1. Triclosan
Maaaring makaapekto sa circumference ng ulo ng sanggol.
2. Formaldehyde
Maaaring makaimpluwensya sa termino ng pagbubuntis.
3. Glycol ethers
Ito ay nauugnay sa mga isyu sa organ sa mga hayop.
4. Methylisothiazolinone
Maaaring magsanhi ng potensyal na allergen sa balat. Ito rin ay ipinagbawal sa Europa.
5. Cocamidopropyl betaine
Ito ay sang sintetikong detergent at surfactant na posibleng nakakalason.
6. Sodium hydroxide18 at potassium hydroxide19
Matatagpuan ito sa mga detergent na maaaring maging caustic kapag basa.
BASAHIN:
8 beauty surprises na nagaganap sa katawan ng buntis
Vulvar varicosities: Varicose veins sa ari ng babae kapag buntis
Puwede bang magpakulay ng buhok ang buntis?
Photo by PARINDA SHAAN
7. Retinoid
Ang mga prescription retinoids tulad ng Accutane ay malawakang naidokumento para sa pagpapakita ng 20 hanggang 35 porsiyentong panganib ng malubhang congenital defect, na may hanggang 60 porsiyento ng mga bata na nagpapakita ng mga problema sa neurocognitive na may exposure sa utero.
8. High-dose salicylic acid
Ang salicylic acid ay isang pangkaraniwang sangkap upang gamutin ang acne dahil sa mga anti-inflammatory na kakayahan nito.
Ngunit ang isang pag-aaral noong 2013 ay nagsasabing ang mga produkto na naghahatid ng mataas na doses ng salicylic acid ay dapat na iwasan sa panahon ng pagbubuntis.
Ang mga produktong OTC na pangkasalukuyan na may mababang doses na naglalaman ng salicylic acid ay naiulat na ligtas ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG).
9. Hydroquinone
Ang hydroquinone ay isang prescription medicine upang maging mapusyaw ang balat o mabawasan ang pigmentation ng balat na nangyayari mula sa melasma at chloasma, na maaaring dala ng pagbubuntis.
Walang napatunayang ugnayan sa pagitan ng malubhang congenital defect o side effect at hydroquinone. Ngunit dahil ang katawan ay maaaring sumipsip ng maraming hydroquinone kumpara sa iba pang mga sangkap, mas mabuting limitahan ang paggamit nito habang buntis.
10. Chemical sunscreens
Ang Oxybenzone at ang mga derivative nito ay ang pinakamadalas na ginagamit na ultraviolet (UV) na filter sa mga sunscreen. Napatunayang mabisa ito para sa proteksyon ng balat, ngunit mayroong potensyal na masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran ang oxybenzone.
Dahil ang oxybenzone ay isang kilalang endocrine-disrupting chemical, ang pag-aalala para sa paggamit sa pagbubuntis ay maaari itong makaapekto sa mga hormone at maging sanhi ng permanenteng pinsala sa ina at sanggol.
Napag-alaman sa isang pag-aaral sa hayop noong 2018 na ang pagkakalantad sa oxybenzone sa panahon ng pagbubuntis sa mga antas na karaniwang ginagamit ng mga tao ay nagsasanhi ng mga permanenteng pagbabago sa mga glandula ng mammary at paggagatas.
Ang iba pang mga pag-aaral ng hayop ay nag-ugnay sa kemikal sa permanenteng pinsala sa sanggol at posibleng nauugnay sa pagkakaroon ng mga kondisyong neurological sa pagtanda, tulad ng Alzheimer’s disease.
11. Mercury Salts
Ang mercury ay isa sangkap na matatagpuan sa ilang mga skin lightening soaps at creams. Ang mga mercury salt, tulad ng mercury chloride o calomel at ammoniated mercury chloride, ay pumipigil sa pagbuo ng melanin, kaya nagpapapusyaw ng kulay ng balat.
Ilan sa mga masamang epekto ng paggamit ng mga produktong naglalaman ng mercury salts ay maaaring magkaroon ng:
- pinsala sa bato
- mga pantal sa balat
- pagkawalan ng kulay at pagkakapilat ng balat
- pagbawas sa resistensya ng balat sa bacterial at fungal infection
12. Steroid creams
Ang mga corticosteroids (topical steroids) tulad ng fluocinonide, betamethasone valerate, at clobetasol propionate ay ginagamit sa ilang mga skin-whitening cream. Ang mga topical steroid ay nagpapagaan ng balat sa pamamagitan ng:
- pagsisikip ng mga daluyan ng dugo
- nagpapabagal sa paglilipat ng mga selula ng balat
- pagbabawas ng bilang ng mga pigment cell
- binabawasan ang produksyon ng melanocyte stimulating hormone.
Kung ang mga cream na ito ay inireseta ng isang doktor para sa isang partikular na kondisyon ng balat tulad ng eczema, ang mga ito ay itinuturing na ligtas kung ginamit sa tamang dosage para sa haba ng oras na inireseta.
Ngunit ang pangmatagalang paggamit ng mga produkto na naglalaman ng mga high-dose na steroid ay maaaring humantong sa permanenteng pagpapaputi ng balat, pagnipis ng balat at pagbuo ng mga nakikitang daluyan ng dugo.
Anong sabon para sa buntis ang dapat iwasan?
Bagama’t mahilig tayong mag-detox gamit ang activated charcoal dahil natatanggal nito ang mga nakakalason na kemikal, maaari din itong sumipsip ng mga prenatal na bitamina.
Umiwas sa charcoal soap kung ikaw ay buntis. Sa halip, gumamit ng iba pang natural na alternatibong sabon para sa buntis.
Mga ligtas na skin care ingredients
Photo by Pavel Danilyuk
Makakaasa ka na ang karamihan sa mga over-the-counter (OTC) na skincare products ay ganap na ligtas, ngunit may ilang sangkap na maaaring makasama sa iyong anak. Kaya narito ang mabuting balita: Mayroon pa ring mga ingredients na ligtas para sayo at kay baby!
1. Acne at skin pigmentation
Kung ikaw ay may posibilidad na magkaroon ng mga breakout, ang isa sa mga pinaka-epektibo ay glycolic acid.
Ang glycolic acid sa mataas na dosage ay hindi inirerekomenda sa panahon ng pagbubuntis, ngunit ito ay malamang na ligtas sa mababang dosage na karaniwang makikita sa mga over-the-counter na mga produktong pampaganda.
Ito at mga katulad nito — gaya ng azelaic acid — ay maaari ding makatulong sa pagbabawas ng mga pinong linya, pagpapaputi ng balat, at pagbabawas ng pigmentation ng balat.
Ang ACOG ay nag-eendorso ng glycolic at azelaic acid bilang ligtas na gamot sa acne sa panahon ng pagbubuntis, bilang karagdagan sa topical benzoyl peroxide at topical salicylic acid.
2. Anti-aging
Ang mga topical antioxidant tulad ng vitamin C ay maaaring ligtas na mapahusay ang sigla ng iyong balat sa pamamagitan ng pagprotekta sa iyong balat mula sa pinsala at pagpapanatili ng collagen.
Ang iba pang mga antioxidant na matatagpuan sa mga skincare products na ligtas sa pagbubuntis ay ang:
- vitamin E, K at B3
- green tea
3. Dry skin at stretchmarks
Bilang karagdagan sa pag-inom ng maraming tubig, ang mga moisturizing na produkto na may langis ng niyog, cocoa butter, peptides, at hyaluronic acid (HA) ay maaaring mapabuti ang hydration ng balat.
Pagdating sa stretch marks, ang isang diskarte upang maiwasan ang mga ito ay madalas na pag-moisturize upang matulungan ang balat na natural na mag-stretch habang lumalaki ang iyong baby bump (at sanggol).
4. Proteksyon sa araw
Ang proteksyon sa araw ay isa sa pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin para maiwasan na mangulubot ang iyong balat at maproteksyunan ang sarili mula sa kanser sa balat.
Subukan ang mga mineral-based na sunscreen. Pinoprotektahan nito ang balat sa pamamagitan ng pag-bounce off ng UV rays.
Kabilang sa mga sangkap ng sunscreen na nakabatay sa mineral ang zinc oxide at titanium dioxide.
At syempre, mommy pwede ring gumamit ng brimmed na sumbrero na iyon upang magdagdagan ang proteksyon mula sa init ng araw.
Alam naming gagawin mo ang lahat para protektahan ang iyong anak. Kabilang dito ang pag-iwas sa mga produkto na maaaring makasama sa iyo o sa iyong baby sa panahon ng pagbubuntis.
Kaya naman, gumamit lamang ng mga body scrub sa buntis, sabon para sa buntis, o pampaputi na pwede sa buntis. Mas mahalaga ang kaligtasan mo at ng iyong anak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!